Kirsten's POV
"Alena's inside that hut."
Kasalukuyan kaming nasa itaas ng malaking puno habang tinatanaw ang isang maliit na kubo sa may kalayuan.
Sinundan namin ang mga hibla ng amoy ni Alena at dito kami dinala sa isang malayo at liblib na baryo.
Mangilan-ngilan lamang ang nakita naming kabahayan sa paligid at malayo pa ang mga ito sa bawat isa.
"I'll check the vicinity of the hut. Wait for my signal before you move." Tinanguan naming tatlo ang nagsalita na si Kuya Tyro. Mabilis itong naglaho sa hangit at tumungo kung saan.
"May kakaiba sa paligid. Masama ang kutob ko dito." Sabi ko kay Aesircat Kuya Tyler na naiwan kasama ko.
"Don't let your guards down.She might be just around waiting for us." Paalala ni Kuya Tyler.
Sumenyas si Kuya Tyro sa may kubo na maari na kaming lumapit. Ilang sandali pa ay nasa harap na kami ng kubo.
"Something's wrong." Sabi ko sa kanila.
"Lahat kayo, lumayo sa kubo."
Bago pa sila nakakilos ay may nagsilabasan nang mga bampira mula sa loob ng kubo.
Agad na nilabanan ng mga kapatid ko at ni Aesir ang mga ito.
"They are all under the power of concealment." Wika ko sa kanila while trying to fight as well.
Vampires are immortal and have the ability to regenerate. So the only way to kill them is to cut their heads off.
"Alena's inside. Kailangan ko siya puntahan." Akmang papasok na ako sa kubo nang lumapit si Kuya Tyro sa akin.
"Ako na ang bahala sa kaibigan mo. Just get out of here now." Utos ni Kuya Tyro.
"No! Hindi ko kayo pwedeng iwan dito." Tutol ko sa sinabi niya. Hindi ako makakapayag na iwanan sila dito. My dream last time keeps on flashing in my head like a movie replay. Kaya matinding takot ang nararamdaman ko ngayon.
"Amethyst, we'll be fine. Nemea's coming for you. That's for sure. Kaya dapat umalis ka na agad. Find a place where you can mixed with the crowd. Mahihirapan siyang galawin ka o kuhanin." Walang hirap na pinugutan ni Kuya Tyler ang isang bampira na umatake mula sa likuran.
"P-pero-"
"Sweetie, you have to listen to your brothers now. You need to trust us. Alena will be safe and so are we. Ngayon, kailangan higit kanino man na ligtas ka." Nagaalalang tingin ang ibinigay ko kay Aesir na walang tigil sa pagpuksa sa mga sumusugod na bampira.
Vampires come out of the hut endlessly. Napakadami at patuloy padin ang paglabas.
"Please be safe, everyone." Labag man sa loob ay sinunod ko na sila.
Nagteleport ako patungo sa kagubatan na dinaanan namin kanina.
Malayo layo narin ang napuntahan ko.
I stopped in a huge branch of a giant tree. I need to rest. Pinakiramdaman ko ang paligid habang inililibot ang paningin.
This place is surrounded by giant old trees. May mga baging na nakasabit sa karamihan ng mga puno dito. Natanaw ko rin ang mga hayop na naninirahan sa kagubatan.
BINABASA MO ANG
After Eclipse (Moon Trilogy #1)
VampireBuong buhay niya ay mag isa lang si Kirsten. Sinisikap na maging normal kahit na pinagkaitan siya ng pamilya. Hanggang isang gabi, habang nag dudugo and bilog na bilog na buwan, tila nabaliktad ang bilog niyang mundo. She woke up and she's not a hu...