Chapter 2

6 0 0
                                    

Chapter 2

Risky Romance

Chekela


Dalawang araw ang lumipas bago magising si nanay.

At ng pagkagising niya ay sinigurado kong ako talaga ang una niya makikita at hindi nga ako naman ako na dismasya. Pero bago magising si nanay ay kinausap ulit kami ni Doctor Nathaniel. Sinabi niya sa amin ang mga bawal at kung anu ang mga bagay na pwedeng makakasama kay nanay.

Kaya kahit gusto ko pang pumalahaw ng iyak pagkagising niya ay pinigilan ko ang sarili. Isang matamis na ngiti ang isinalubong naming lahat sa kanya. Nadoon rin sina Jam, Auntie at Uncle, buo ang pamilya pagmulat niya ng mata. Habang nasa hospital ay nag-leave muna ng trabaho si tatay at todo alalay siya sa kanya hanggat sa makatulog siya.

Tinipon kami nina Lolo Simon at Lola at sinabi sa amin ang inaasahan na naming problema at yon ay aang bayarin sa hospital , halos aabut ng limang milyon ang babayarin. Hindi naman nababakasan ng pagkabahala si tatay, narinig ko minsan si tatay kausap si Lolo Damian sa face time na sasagutin ang pagpapagamot ni nanay pero hindi siya pumayag.

"Kahit papaanu may naiwan pa sa ipon namin tay. Nasa tatlong milyon pa ang nasa savings namin"sagot ni tatay kay lolo

"Hindi pa rin sapat iyon. Napagdesisyonan namin ng nanay ninyo na ibenta ang natitira pa naming lupain sa bukid para makadagdag sa babayarin"

"Tay, huwag na. Alam ko kung gaanu ka importante sa inyo ang lupang yon"

''Hindi na mahalaga iyon. Si Adrianna ang importante sa ngayon. May naiwang parte pa naman para kanila ni Lennie. Hindi namin gagalawin iyon dahil yon nalang ang maiiwan namin para mga apo namin"

"Huwag ka ng mag-alala kuya. Tama si tatay. Okay lang sa akin ibenta ang lupa. At nakapag-usap rin kami ni Dave na mag-bigay ng isang milyon. Pagpasensyahan mo na kuya yan lang makakaya naming maibibigay sa iyo dahil nagkaka-problema ang kompanya namin ngayon"

"Maraming salamat sa inyong dalawa. Hindi naman kailangan magbigay kayo ng pera kong may problema ang negosyo niyo. May naiwan ring property sina mommy at daddy para sa akin na pwede kong maibenta. Sapat na ang halaga ng mga iyon para sa hospital bills"

"Kahit na. Malaki pa rin ang kakailanganin ninyo ,kuya. Yung maintenance na mga gamot ni Ate at saka ang follow-up check-up niya at yung pag-aaral ni Lex"

"May benta pa naman ang tindahan at may trabaho pa naman ako. Kaya pa naman "

"Oh siya, sige, ikaw ang bahala. Pero huwag kang magdadalawang isip sabihan agad kami"
Tahimik lang kaming nakikinig sa usapan nila.

Hindi ko magawang makapag-salita dahil wala naman akong maitutulong. Ganun kalaki ang perang babayaran namin.

Almost two weeks akong hindi pumapasok, kaya nong mag-isa nalang ako sa kwarto ni nanay ay kinausap niya ako.

''Lex?"

"Nay?"

"Sabi ng tatay niyo dalawang linggo ka ng hindi pumapasok"

"Wag kayong mag-alala, nay. Kinausap ni Uncle ang Dean namin. Pinayagan nila akong lumiban muna sa klase habang nandito ka sa hospital"

"Bumalik ka na anak"

"Nay, naman a-"

"Huwag matigas ang ulo. Okay lang ako. Nandito si Ate Levy mo. Baka samakalawa ay makakalabas din ako. Kailangan mong mag-aral anak, baka maiwan ka sa klase. Ilang buwan nalang ga-graduate ka na"

Risky RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon