PROLOGO

50 4 2
                                    

"Hawwie, anak, tulungan mo naman ako iligpit ang ibang gamit sa bodega, oh," utos ni Mama habang nakatutok ako sa TV sa sala.

"Sig... sige po," sagot ko na lang, kahit tinatamad, kasi ayaw ko nang makarinig ng sermón.

Pagdating ko sa bodega, agad akong sinalubong ng amoy ng lumang kahoy at alikabok. Makapal ang agiw sa sulok, parang matagal nang hindi ito nagalaw.

"Ma, anong plano nyo dito?" tanong ko habang si Mama ay abala sa paglabas ng mga gamit.

"Kailangan natin linisin lahat ito, anak. Sa susunod na linggo, gagawin ng museo ang bahay na 'to. Dadating ang mga tao ni Mayor para ayusin ang lugar," sagot niya, ang boses niya ay may halong panghihinayang.

Napa-iling ako, nalulungkot sa kalagayan ng bahay na ito. Mas matinding lungkot ang naramdaman ko habang iniisip si Lola Hannah, na hindi na nakakapagsalita mula nang ipinanganak ako. Lagi kong naiisip ang mga panahong makita ko siyang nakatayo sa bintana ng kanyang silid, nakatingin sa malayo, para bang may hinihintay.

'Ano kaya mararamdaman ni Lola Hannah kung magiging museo na ang bahay niya? Ni hindi man lang namin marinig ang opinyon niya...'

Habang nagmumuni-muni, napatigil ako sa pagbubukas ng isang lumang kabinet. "Ma, kanino itong cabinet na 'to?" tanong ko, ang mga mata'y puno ng pagtataka.

"Naku, anak, di ko na maalala. Gamit lang 'yan ng mga lolo at lola mo noon," sagot niya, tila walang interes habang bumalik sa pag-aayos.

Dahan-dahan kong inilabas ang mga damit, iniingatan na hindi mapunit ang mga ito. Nang mailabas ko ang lahat, napansin ko ang isang maliit na kahon sa sulok ng kabinet, natatabunan ng mga saya at barong.

"Anak, akyat lang ako saglit, bibisitahin ko si Lola Hannah mo kung nakakain na ba siya," sabi ni Mama habang paalis na ng bodega.

"Sige po, Ma," sagot ko, pero ang atensyon ko ay bumalik agad sa misteryosong kahon.

Maingat kong hinawakan ang kahon, kinilabutan sa luma at marupok nitong hitsura. May maliit na kandado sa harapan, pero nang hinatak ko ito, tuluyang bumigay, kasabay ng isang mabigat na hininga mula sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan ang kahon, para bang may binubuksang lihim na matagal nang nakatago. Pagkakita ko sa laman, napanganga ako sa mangha-mga lumang sulat, maingat na nakatago sa loob ng kahon.

"Galing ito kay Lola Hannah..." bulong ko sa sarili habang binabasa ang pangalan niya sa sobre, sabay umusbong ang isang ngiti sa labi ko.

Iniisip ko, siguro ito na ang love story ni Lola Hannah at ng namayapang si Lolo Alfred. Kilala ko si Lolo Alfred sa mga litrato-makisig, matipuno, at mestizo. Pero agad nawala ang ngiti ko nang mapansin ko ang isang maliit na litrato sa ilalim ng mga sulat.

'Aking pinakamamahal na sinta, Kim Tae Yeol' - June 13, 1925

'Aking pinakamamahal na sinta, Kim Tae Yeol' - June 13, 1925

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
A Letters To Remember. Where stories live. Discover now