KABANATA VI

27 2 0
                                    

Hawwie's POV

"Mama, sigurado na ba kayo ni Tita na kailangan talaga ibenta ang bahay na ito?" tanong ko habang kami-kami na lang ang naiwan sa sala kasama si Christine.

Kakagaling lang ng Mayor ng San Carlos dito sa bahay, at tuwang-tuwa siya sa balitang ibebenta na namin ang bahay.

"Hawwie, ang tigas talaga ng ulo mo. Pinag-usapan na natin ito kagabi, di ba?" napapagod na saad ni Mama. Kagabi ko pa siya kinukumbinsi na pag-isipan muli ang tungkol sa bahay.

"Pero Mama, wala na bang ibang paraan para hindi natin ibenta ang bahay?" reklamo ko. Nakita kong napairap pa si Christine sa kakulitan ko bago siya maglakad palabas ng sala at dumiretso sa hagdan.

"Hawwie, tanggapin mo na lang na hanggang dito na lang ang bahay na ito. Hindi naman pababayaan ang bahay. Gagawin nila itong museo sa susunod na buwan. Aalisin ang mga makabagong gamit at ibabalik ito sa dati nitong itsura," sabi ni Mama habang siya ay napabuntong-hininga at lumapit sa akin. "Mapupunta naman sa mabuting kamay ang bahay. Maalaga nila ito ng maayos kaysa sa atin. At magiging bahagi pa ito ng tourist destination sa San Carlos. Tanggapin na lang natin iyon. Isa pa, ang pera na makukuha natin sa pagbenta ng bahay ay malaking tulong rin, lalo na sa pagtulong sa pag-aaral ninyo magkapatid." paliwanag ni Mama.

Sa mahabang paliwanag niya, napabuga na lang ako ng hangin at tinanggap ang kapalaran ng bahay at ni Lola Hannah.

......

"Hawwie, anak, tulungan mo naman ako iligpit ang ibang gamit na nasa bodega," utos ng aking ina habang ako ay nasa sala, nanunuod ng telebisyon.

"Sige po," sagot ko na lang dahil ayokong magreklamo at baka mapagalitan pa ako.

Pagdating ko sa bodega, bumungad sa akin ang lumang kwarto na puno ng gamit at makakapal na agiw. Napansin ko rin ang amoy ng lumang kahoy at alikabok sa paligid.

"Anong gagawin natin d’yan, Ma?" tanong ko habang unti-unti niyang nilalabas ang iba pang gamit mula sa bodega.

"Kailangan natin linisin ito dahil sa susunod na araw, baka gawin nang museo ang bahay na ito. Darating rin ang mga tao ni Mayor para ayusin ang bahay," sabi ng Mama habang siya ay naglalabas ng iba pang gamit.

Napa-iling na lang ako dahil nalulungkot din ako sa kalagayan ng bahay. Mas nalulungkot ako kapag naaalala ko si Lola Hannah na hindi na nakakapagsalita mula nang pinanganak ako.

Madalas kong makita si Lola Hannah sa kanyang silid noong maliit pa ako. Nakikita ko siyang nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang silid, na parang may hinihintay.

‘Ano kaya ang mararamdaman ni Lola Hannah kung magiging museo na ang bahay niya? Ni hindi namin marinig ang opinyon niya.’

Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto ko sanang marinig ang sasabihin niya. Gusto kong marinig ang opinyon niya.

Nabalik ako sa aking ginagawa nang buksan ko ang lumang closet at tumambad sa akin ang mga lumang kasuotan tulad ng mga saya at barong na sinusuot nila noon.

"Ma, kaninong cabinet ito?" tanong ko sa Mama habang siya ay abala sa pag-aayos ng mga gamit.

"Wala akong ideya, anak. Basta gamit lang ito ng mga lolo at lola mo noon," sagot ni Mama at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Habang maingat kong inilalabas ang mga damit mula sa cabinet, dahan-dahan kong tinanggal ang mga lumang kasuotan para hindi ito mapunit o masira. Nang mailabas ko ang lahat, napansin ko ang isang maliit na chest box na nasa sulok ng loob ng cabinet.

"Anak, akyat lang ako saglit para bisitahin si Lola Hannah at tignan kung nakakain na siya," sabi ni Mama. Tumango ako at sinabing, "Sige po, Ma."

Pagkaalis ni Mama, agad kong ibinalik ang atensyon ko sa maliit na kahon. Maganda ang disenyo ng labas ng kahon, ngunit hindi maitatanggi ang pagkaluma nito. May maliit na kandado sa harapan, pero nang hawakan ko iyon at dahan-dahang hinatak, tuluyan itong nasira dahil sa tagal at marupok na rin siguro.

Maingat kong binuksan ang kahon, nag-aalala na baka masira ko ito kung biglaan.

Agad na napanganga ako sa aking nakita. Ang loob ng kahon ay puno ng mga lumang sulat. Agad akong napangiti nang malaman ko kung kanino ang mga sulat na ito.

"Galing ito kay Lola Hannah..." ngumiti akong saad habang binabasa ang pangalan ni Lola na nakasulat sa sobre.

Agad akong naisip na siguro ito ang love story ni Lola Hannah at ng namayapang asawa niyang si Lolo Alfred. Nakita ko na ang litrato nila sa mga photo album na pinapakita ng mga anak ni Lola Hannah—si Lolo Alfred ay mukhang makisig at matipuno, at siguro ay nagustuhan ni Lola Hannah.

Ngunit agad nawala ang ngiti ko nang napansin ko ang isang maliit na litrato na nasa pinakailalim ng mga sulat. Nakalagay dito:

‘Aking pinakamamahal na sinta, Kim Tae Yeol - June 13, 1925

"Huh, sino tong lalaking ito?" tanong ko sa sarili ko habang naguguluhan at nag-aalala sa bago kong natuklasan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Huh, sino tong lalaking ito?" tanong ko sa sarili ko habang naguguluhan at nag-aalala sa bago kong natuklasan.

A Letters To Remember. Where stories live. Discover now