Hawwie's POV
"Shit, shit, shit!"
Paulit-ulit kong bulong habang nagmamadali akong naglalakad at tumatakbo sa hagdang-bato. Muntikan pa akong matalisod sa huling hakbang kaya napapamura na lang ako sa sakit ng paa ko.
Pagdating ko mula sa bodega, agad akong napatingin sa kapatid ko na nasa sala, nanonood ng TV.
"Si Mama, te?" tanong ko kay Christine.
"Lumabas, kausap si Aleng Precy," sagot niya.
"Pwede bang ikaw muna sa bodega? May kailangan lang akong gawin," pakiusap ko. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Christine at nagmadali akong pumasok sa kwarto ni Lola Hannah.
Kaya agad akong huminga ng malalim dahil pakiramdam ko napagod ako sa pagmamadali. Huminga ako ng malalim bago ko tinignan si Lola Hannah na nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang kwarto.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, binibisita siya tulad ng ginagawa ko noon, pero ngayon may dalang tanong sa aking isipan. Binuhat ko ang box na hawak ko at dahan-dahang iniangat ito, kinuha ang litrato mula rito.
"Lola, sino si Tae Yeol?" tanong ko sa kanya, halos nanginginig ang boses ko sa pagkabahala.
Nilapitan ko si Lola, umaasang makakakuha ako ng sagot sa kanya. Dati, nakikita ko siyang nakaupo lang sa kanyang upuan, tila nakatanim ang tingin sa kawalan. Pero ngayon, nagulat ako nang mapansin kong lumingon siya sa akin at tinignan ako sa mata.
‘Wait, did she just stare at me? She looked at me for the first time!’
Naiiyak ako sa tuwa. Ito ang unang pagkakataon na tinignan ako ni Lola, at alam kong hindi lang siya nakatulala sa kawalan.
Napalunok ako para maitanong ko ulit ang tungkol sa litrato. "Lola, sino si Tae Yeol?" naluluhang tanong ko, habang ipinapakita ang litrato sa kanya.
Tumingin siya sa litrato at pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin, dahan-dahang inabot ang kanyang kamay. Naguluhan ako sa ginawa niya, pero ibinigay ko na lang ang litrato sa palad niya. Pagkatapos, unti-unti niyang nilapit ang litrato sa kanyang dibdib.
Mas lalo akong naguluhan nang biglang umiyak si Lola sa harapan ko. Nataranta ako, pero may nangyaring kakaiba sa akin na hindi ko pa naranasan noon.
"M-mahal ko..." bulong niya, at ako’y nagulat dahil sa wakas narinig kong nagsalita si Lola.
"Lola, saglit lang po, ah. Tatawagin ko si Mama at ang iba. Sobrang matutuwa sila kapag nalaman nilang nakakapagsalita na kayo," tugon ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko dahil sa sobrang saya.
"T-teka lang, Iha," pagpigil ni Lola. Agad kong nilingon siya bago pa ako makalabas ng kwarto.
"Bakit po, Lola?" agarang tanong ko. Nang itinaas ni Lola ang kanyang kamay para senyasan akong lumapit, agad akong lumapit at hinawakan ang kamay niya.
"Ang mga sulat?" tanong niya. Napatingin ako sa kahon at inabot iyon sa higaan ni Lola. Inabot ko ang kahon sa kanya at kinuha niya ang isang liham. Inabot niya ito sa akin, kahit naguguluhan ako, kinuha ko ito. Para bang gusto niyang ipabasa ito sa akin.
Nang mabuksan ko ang liham, napansin ko ang mga salitang nagpatunay na si Lola ang nagsulat nito. Ang liham ay nakasulat sa isang eleganteng sulat-kamay, na may halong lungkot at pagnanasa. Ang nilalaman nito ay:
"Dear Kim Tae Yeol,
Kamusta ka na, aking mahal? Matagal na panahon na nung huli tayong magkita. Alam ko na hindi mo na matanggap ang mga liham ko na isinusulat ko para sa iyo. Pero kahit papaano, gusto ko lang sanang iparating sa iyo ang mga nararamdaman ko.
Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Hindi ka ganun kadali palitan sa puso ko. Sobrang sakit dahil tinutulan nila ang pagmamahalan natin, sobrang sakit dahil hindi nila kayang tanggapin ka. Sobrang sakit dahil mahal kita, kahit alipin ka lang namin noon. Sana pinanganak na lang akong alipin kagaya mo, edi sana nagsama tayo. At sana hanggang ngayon, kasama pa rin kita.
Nagmamahal,
Hannah"
Pagkatapos kong basahin ang liham, napatingin ako kay Lola na may bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil-pisil iyon habang ako ay naupo sa gilid ng higaan ni Lola, hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
Napangiti ako bahagya, lalo na nang ngumiti rin siya ng bahagya sa akin. Tila nagbabalik ang mga alaala na hindi ko pa naririnig.
"Apo, may ikekwento ako. Gusto mo bang marinig?" tanong ni Lola.
Ngumiti ako at tumango sa tanong niya.
"Opo, Lola. Makikinig po ako," sagot ko, nag-aabang sa susunod na kwento na maaaring magbukas ng higit pang misteryo tungkol sa nakaraan ni Lola.
YOU ARE READING
A Letters To Remember.
Short StorySa lumang bahay ng pamilyang Dela Cortez, natuklasan ni Hawwie ang isang kahon ng lihim na liham na nagbubukas ng isang nakatagong kwento ng pag-ibig at sakripisyo mula sa dekada 1920. Ang mga liham ay naglalaman ng mga alaala at misteryo na nag-uug...