KABANATA II

31 4 3
                                    


HAWWIE POV

"Kanina ka pa nakabusangot dyan Hawwie ano ba kasi kinaiinis mo?" tanong sa akin ni Mama habang ang mga mata nya ay nakatuon sa daan dahil nagmamaneho sya.

"wala.." walang ganang sagot ko kahit ang totoo ay naiinis ako dahil hindi ako makakapunta sa Korea para magbakasyon.

Nakakainis lang dahil libre iyon ni Cheska at ang lalong nakakainis ay ang pagstay namin papuntang probinsya ng Isang buwan.

At sa loob ng Isang buwan iyon mangyayari yung concert ng BTS na hinihintay ko.

"Hawwie wag ka na magsungit dyan, magiging masaya ang lola mo kapag bumisita tayo sa kanya" sabi ni mama pero napairap na lang ako ng di ko yun pinahalata sa kanya.

"nakakainis?!" reklamo ko pero natawa lang si mama dahil sa asal batang ginawa ko.

"sige magtantrums ka dyan ng parang bata at iiwan kita dito sa gitna ng daan bahala ka umuwi mag-isa" nang-aasar na sagot ni mama sa akin kaya pinikit ko na lang ng mariin ang mata ko at sumandal na lang bintana ng sasakyan.

Dahil gugustuhin ko na lang bumalik sa pagkatulog kaysa mabwisit ako lalo tuwing naalala ko ang naudlot na magiging bakasyon ko.

(EARLIER)

Nagmadali ako sa pag-uwi ng bahay ng malaman kong pupunta kami ng probinsya ngayong araw na ito.

Hindi ko alam kung bakit pero wala na mang okasyon na mangyayari kaya hindi ko maintindihan kung bakit kami pupunta ng probinsya.

Pagpasok ko ng bahay agad ko nakita si Mama sa Sofa habang may kausap ito sa cellphone.

"Sigurado ka ba paano na si Lola Hannah? Sino na mag-aalaga sa kanya? Paano na yung bahay?" mga salitang naririnig ko kay Mama kaya agad napataas ang kilay ko habang inaalis ko ang suot kong sapatos at nilagay iyon sa shoetrack.

"okay lang sa akin kung sa amin muna si Lola Hannah, pero hindi namin alam kung maalaga namin sya ng maayos, wala halos tao sa bahay lahat kami dito busy" sabi ni Mama pagkatapos ay tumango-tango ito.

Lumapit ako para magbigay galang kay Mama at pagkatapos ay sumisensyas sa akin na lumayo dahil may kausap sya at umakyat na raw ako sa taas.

Well alam ko na iyon magliligpit lang naman ako ng mga gamit na dadalhin ko.

Saktong pagbukas ko ng kwarto namin ng kapatid ko nadatnan ko syang nagliligpit na ng damit nya at nilalagay na iyon sa maleta.

"Ate dalian mo kailangan mamaya makapunta na tayo sa probinsya" sabi nito sa akin at napairap na lang ako sa pagod bago ko binaba ang bag ko at binagsak ang katawan ko sa higaan.

"Gusto ko magpahinga pagod ako galing school" sabi ko na lang pero papikit na ako ng maramdaman kong binato ako ng damit sa mukha.

"ARAY! WALA KANG GALANG!" sigaw ko sa kanya at binato ulit ang damit sa kanya.

Tumawa lang sya sa akin kaya mas lalo ako nainis at binato sya ng bote ng lotion na nadampot ko at sapol iyon sa mukha nya.

"ARAY!- MAMA SI ATE NAMAMATO" sumbong nya kay Mama kaya inirapan ko na lang sya sa pagsusumbong nya pero natawa ako ng hindi nya narinig na nagsalita si Mama at binalewala ang sumbong nya.

"sumbong-sumbong ka pa ah?" sabi ko at tumayo sa higaan "tabi ka naman paharang-harang ka" sabat ko sa kanya.

At dumiretcho ng closet ko para kunin ang maletang paglalagyan ko.

Lumipas ang ilang minutong pagliligpit na walang nagsasalita sa aming dalawa tanging pagkaluskos ng mga gamit namin ang maririnig lang at walang gustong una magsalita sa aming dalawa.

Kapag nagtatagpo ang paningin naming dalawa agad ko syang tinatarayan pero kapag nahuhuli kong tinatarayan nya ako hinahablot ko ang buhok nya.

'wala kang galang sa ate mo?'

Kaya kahit gusto ako patulan ng kapatid ko tinataasan ko na lang sya ng isang kilay bilang pabala dahil kapag hinamon nya ako sya itong kawawa.

"Yes ate, siguro mamayang madaling araw makakarating na kami dyan para mahabol mo yang flight mo" rinig kong sabi ni Mama habang lumilinaw ito dahil palapit ng palapit ito sa amin hanggang sa binuksan nito ang kwarto namin ng kapatid ko si Cristine kaya sabay kaming napatingin kay Mama.

"kayong dalawang babae bilisan nyo mag-impake mamayang madaling araw aalis ang tita trixie nyo kailangan natin bantayan ang Lola Hannah nyo." sabi nito sa amin at muling kinausap ang katawag. "sige ate mamaya na lang maghahanda na kami. Tatawag na lang kami kapag paalis na sige ba-bye" sabi ni mama bago pinatay tawag.

"dalian nyo kailangan pa natin makapag-paalam sa tita Trixie nyo" sabi ni Mama at gaya ng sinabi ni Mama nagmadali na kaming dalawa.

Pagkatapos namin magligpit ay pahirapan namin ibinaba ang mga maletang dala namin.

"Jusko ang sakit sa balakang" saad ko ng tuluyan ko maibaba ang dalang maleta ko at dinala iyon papunta sa sasakyan.

"Mama, ilang araw tayo tatagal dun isang linggo ba? Pang isahang linggo lang ang dinala ko" sabi ko kay mama pagkatapos ko ilagay ang maleta sa trunk ng sasakyan.

"isang buwan tayo dun, hala sya," sabi ni mama at nanlumo ako dahil dun.

"WHAT?!" sigaw ko. At narinig ko ang paghagikgik ng kapatid ko dahil dun.

sinamaan ko sya ng tingin dahil dun bago sya natatawang naiiling na pumasok sa sasakyan

"Hoy Hawwie pumasok ka na bakit nakatayo ka dyan?" sigaw ni mama sa akin pabalik at padabog ako pumunta sa gun shot seat katabi ni Mama.

"wag ka ngang bumusangot dyan hatakin ko nguso mo, at ikaw Christine tama na pang-aasar sa ate mo" sabi ni mama at ngiting-ngiti naman sumagot yung kapatid ko.

"Opo"

(PRESENT)

"Hawwie gumising ka na dyan nandito na tayo" rinig ko sabi ni mama habang tinatapik ang balikat ko.

Papikit-pikit pa ako dahil sa antok dahil madaling araw na at 4 am na ng umagang iyon.

Pero mas nakakapagod ang kalagayan ni Mama dahil mag-isa syang nagmaneho. At siguradong antok na rin ito.

Nang tuluyan na ako magising agad ako napalingon sa paligid ko habang pinagmamasdan ang labas kahit nasa loob pa ako ng sasakyan.

Paglingon ko sa passenger seat nakita ko si Christine na tulog-tulog. Kaya tinapik ko na rin ito para gisingin.

"Uy Christine nandito na tayo, bumangon ka na dyan" sabi ko pero umangil sya at nagkamot. Kaya napa-iling na lang ako at hinayaan ko na sya matulog. Dahil mas uunahin ko ang gamit ko ibaba pagkatapos ay gigisingin ko sya ulit.

Pagbukas ng pinto ng sasakyan agad ko rin ito isinara ng maramdaman ko ang malamig na simo'y ng umagang iyon.

Binuksan ko ulit ang pinto para bumaba na para pumunta na sa trunk ng sasakyan upang kuhanin ang gamit ko.

Agad naagaw ng atensyon ko ang mga kuliglig na nag-iingay isama mo na rin ang mga na humahampas na sanga habang dumadaplis ang hangin sa mga ito.

Pero nang mapadaan ang paningin ko sa lumang bahay agad nagtaasan ang balahibo ko hindi dahil sa lamigkung hindi sa takot.

'Shet nakakatakot. Dito ba talaga ako mananatili ng isang buwan?!'

A Letters To Remember. Where stories live. Discover now