KABANATA X

2 0 0
                                    

THIRD PERSON POV.

"Anong kaguluhan ito?!" sigaw ni Doña Rosa, habang mabilis na lumapit sa gitna ng sala. Nag-aalangan ang mga bisita at tahimik na nanonood sa nagaganap.

Ang butler ay mabilis na sumagot, "Doña, sinubukan ko pong gupitan ang kanyang buhok, pero bigla siyang nagalit at nagwala. Hindi ko rin po naiintindihan ang mga sinabi niya, tapos bigla na lang siyang tumakbo."

Nakaramdam ng hiya si Doña Rosa dahil sa hindi inaasahang pangyayaring ito. Hindi nila akalain na ang bagong dating na alipin ang magiging sanhi ng gulo sa kanilang tahanan.

"Magsihayo na kayo, akong bahala rito," sabi ni Don Ruiz, na pumagitna na sa eksena. Lumapit siya sa Koreano, bakas sa kanyang mukha ang takot at galit.

Si Don Ruiz ay kilala sa kanilang bayan bilang mabuting tao—mayaman at iginagalang ng lahat. Hindi na rin kataka-taka na tinanggap niya ang isang dayuhang alipin bilang kabayaran sa sugal. Nakita niya ang kalagayan ng lalaki sa kamay ng mga Hapon noong siya'y nasa Japan, at naawa siya.

Sinubukan kausapin ni Don Ruiz ang Koreano, ngunit wala itong tugon, malinaw na hindi sila nagkakaintindihan. Dito pumasok si Don Miguel, isang kaibigan ni Don Ruiz, at nagsalita sa wikang Hapon.

"Sumimasen. Tabun, anata no buressā wa, nagai kami o giri o toshite tsūka shiyou to shita node, kare wa okotta nodearou," sabi ni Don Miguel, na tila kinakalma ang Koreano.

(Pasensya na, marahil sinubukan ng butler na gupitin ang buhok mo kaya ka nagalit.)

Tumango ang Koreano, bahagyang humupa ang galit sa kanyang mga mata. Sa mahina at halos nanginginig na boses, nagsalita siya sa Hapon, "Watashi wa kono matsuri o midashitakunakatta. Watashi wa guchiguchi o okoshitakunai to omoimashita."

(Hindi ko sinasadyang makagulo. Hindi ko ginustong makagulo sa pagdiriwang ngayon.)

"Shitteiru yo, musuko," tugon ni Don Miguel sa Hapon. "Demo, ima anata wa Firipin ni iru. Anata wa kyochō shinakereba narimasen. Don Ruiz wa ima anata no shujin desu. Anata wa kare no meirei ni shitagau hitsuyō ga arimasu."

(Alam ko, iho. Pero ngayon nasa bansang Pilipinas ka, kailangan mong makisalamuha. Si Don Ruiz na ang iyong amo ngayon, at dapat mong sundin ang mga utos niya.)

Tumango ang Koreano bilang pag-unawa. Nakatingin pa rin ang mga bisita, at naramdaman ni Don Ruiz ang pangangailangan na linawin ang sitwasyon.

"Don Miguel, maaari bang ipaliwanag mo kung bakit nagwala ang alipin?" tanong ni Don Ruiz.

Nagpakilala si Don Miguel sa mga bisita, at nagsimula siyang magpaliwanag. "Ang mahabang buhok ng mga Koreano ay may malalim na kahalagahan sa kanilang kultura. Para sa kanila, ito ay simbolo ng respeto at pamana. Ang pagtatangka na putulin ito ay isang malaking insulto."

Nagbulungan ang mga bisita, unti-unting naiintindihan ang naging reaksyon ng Koreano. Si Hannah, na tahimik na nanonood, ay napaisip sa malalim na kahulugan ng buhok para sa dayuhan.

Nagpatuloy si Don Miguel, "Dahil dito, nagalit ang alipin. Hindi niya nais na gupitin ang kanyang buhok dahil isa itong mahalagang bahagi ng kanyang pagkakakilanlan."

Naging kalmado ang mga tao matapos marinig ang paliwanag ni Don Miguel. Tinanong naman ni Don Ruiz, "Kung gayon, maaari bang malaman natin ang pangalan niya?"

Lumapit si Don Miguel sa Koreano at tinanong ito, "Onamae wa nan desu ka?"

(Ano ang pangalan mo?)

Saglit na katahimikan bago sumagot ang Koreano, "Kim Tae Yeol desu."

(Ako si Kim Tae Yeol.)

Napalingon si Hannah, at ngayon lang niya narinig ang pangalan ng lalaki. Si Kim Tae Yeol—ang taong sa simula pa lamang ay pumukaw na ng kanyang kuryusidad, ngunit ngayon ay may mas malalim pang dahilan para maging interesado siya.

————

A/N: Pasensya na might japanese term and phrases ay hindi accurate. I use AI for the translation please be understanding I don't know any japanese I just do it for the story :)

A Letters To Remember. Where stories live. Discover now