Chapter 01

43 2 0
                                    


Isang buwan na lang natira bago magbalik skwela na naman bored na bored na ako dito sa bahay, buti na lang may wifi at mga gadgets akong mapaglibangan. Kung wala , edi halos mamatay ako dito puro kain at tulog lang magagawa ko kahit nga maghugas ng pinggan di ko magawa dahil si manang ang gagawa nun.

Busy din kasi siguro mga friends ko ngayon, baka may pinag kakaabalahan lang kaya walang time mag aya ng gala. Habang nakahiga at nakatingin sa kisame, biglang nag ring yung phone ko at tinignan ko kung sino.

"Eva is calling.." Sinagot ko agad yun.

" kal, San ka?"  Tanong niya wala man lang hello at agad nagtanong kung saan ako parang may mahalagang sasabihin.

"bakittt?" kinakabahang sagot ko "basta, San ka ngayon?" Mas kinakabahan ako ng inulit pa niyang tanongin kung nasan ako.

" bahay lang, bakit ba?" curious na sagot ko.

"punta ako jan, dala ako foods at drinks" kalmadong sabi niya.

"Gaga ka! Kinabahan ako slight, kala ko kung ano" d ko tinapos sinabi ko.

"anoo? kala mo may erereto ako?" Komedyang sabi niya.

Palaging reto ang bukang bibig nitong si Eva kaya hindi magkaroon ng jowa'eh kasi pa reto'reto kahit sino.

"Tangaaaa! ano ako jowang jowa na? Hahaha oh sige na" I-end ko na at agad akong pumunta sa cr para maligo.

Pagkalabas ko ng cr si Eva naka upo na sa couch habang nilapag ang pizza at sujo sa maliit na study table.

Di na ako nagulat dahil alam ko namang kilala na siya ni manang actually, lahat ng friends kong babae never pa kase ako nagpapapunta ng lalaki dito.

"Ang fresh nemen , blooming" komedyang sabi niya pagkalabas ko ng cr.

"Wala kasing mapagkakabalahan chos" Pabirong sagot ko habang umuupo sa tabi niya at kumuha ng isang slice ng pizza.

" kaya nga, maghanap kanang jowa" dugtong niya.

Ever since hindi pa ako pumasok sa isang relasyon. Ewan ko, hindi pa ata ako handa sa ganyan o takot lang talaga akong masaktan.

"pass " sabi ko habang uminom ng sujo tumawa lang siya habang nagsubo ng pizza. Kumain lang kami at nag netflix pagkatapos maya maya umuwi na din siya dahil may puntahan pa daw siya.

Nung umalis na siya, agad kung kinuha yung phone ko at tinignan ang Instagram ko wala namang nag message kaya nagscroll nalang ako sa feed ko habang nakahiga sa kama ko.

"Ohsht!"

Huminto ako kakascroll nung na heart ko accidentally yung post ng lalaking matangkad na naka track pants at naka white shirt na may dalang coffee.

I-unheart ko agad yun baka ano pang isipin niya hindi ko pa naman siya kilala. Nag view ako ng mga stories ng friends ko. After nun di ko na malayang nakatulog na pala ako.

Kinabukasan, last week na nga lang pala bago mag start ang pasokan. Nagising ako ng maaga diritsong pumunta ng cr para maghilamus at niligpit ang kalat sa kwarto ko pagkatapos bumaba para kumain.

Pagbaba ko nakita ko si Mom agad naman siyang bumati sakin.

"Goodmorning kalie, how's your sleep?" Nakangiting sabi niya at lumapit sakin para halikan ako sa pisngi.

"It was good Mom, saan si Dad?" Tanong ko.

"He's going out with his friends. anyway, I'm going out too may asikasuhin lang ako"

ngumiti na lang ako at pumunta kaagad sa dinning table para kumain. Naka-ka walang ganang kumain pag mag-isa. kaya minsan mapag isipan ko na lang sa labas na kumain with friends mas may ganang kumain dun kesa dito sa bahay.

Pagkatapos kumain agad akong pumunta sa room ko at kinuhang phone ko, chineck ko yung Instagram at twitter ko dahil dito lang naman ako mas active.

Di na kase ako masyadong nagfafacebook o kaya messenger dahil wala na mang magchat sakin kung hindi gc lang namin ng friends ko.    

—————————————————————————-

I Love You Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon