Chapter 03

28 3 0
                                    


Pinag sabihan ko na din si manang na hindi na ako kakain ng dinner dahil naparami ang kain ko sa tteokbokki at sushi, hintayin ko na lang ang tawag ni Mom dahil mag 10pm na din naman at sabing tatawag daw siya.

Maya maya ay nag ring na ang phone at sinagot ko agad iyon.

*Mom

[ hello Kalie, How are you?]

[I'm fine Mom.] I said while playing my hair.

[Your dad still need to manage our business here kaya matagalan pa kami dito.]

Pagtapos nun nag usap lang kami tungkol sa mga kailangan ko, pera na gastusin ko habang wala sila dito. Naka pag paalam na rin ako na mag condo na lang muna dahil tutal si manang uuwi din naman sa province nila.

Buti pinayagan ako mag condo, Si Mom na rin daw ang bahala tawagan ko lang daw siya pag nakahanap na ako ng condo.

Tinext ko agad sina Lex, sinabi na pinayagan na ako para bukas na bukas ay makahanap na agad kami ng condo na malilipatan ko para sa pasokan hindi na ako mahihirapan pang mag transport.

Pagkatapos humiga na ako para matulog, Nang biglag may nag notify sa phone ko.

Akala ko kung sino, Si Enzo lang pala bestfriend ko na anak ng friend ni Mom na pinagkamalang boyfriend ko nung high school na nasa ibang bansa na ngayon.

@enzoql : wazzup yow.

@kalielyja : oii zzup.

@enzoql : how are you kal?

@kalielyja: wow engles ka na boi ha.
oks lang ako, kaw ba?

@enzoql : I'm fine but feeling na home sick lang slight haha

@enzoql: miss you kal, see you soon.

Kinaumagahan nakatulog na nga pala ako ka gabi kaya di ko na nareplyan si Enzo.

Kakatapos ko lang maligo at nag madali na akong magbihis naka highwaist pants, white t-shirt at naka sneakers na white lang ako pagkatapos nag liptint lang kinuha ko sling bag na black at ready to go na.

Naghintay lang ako saglit sunduin daw kasi nila ako dito sa bahay dahil si Lex na ang mag drive papunta kung saan kami maka hanap ng condo.

Pagkapasok ko sa car ni Lex nasa shotgun seat si Eva, kami ni Val nasa likod parang ako lang ata ang ayos na ayos dahil naka pants pa ako at sila naka short lang.

" Wow ayos na ayos huh!" kantyaw ni Eva habang tinignan ang sout ko.

" Ang hot ko kase, kaya naka pants na lang ako baka kasi ma pano patong legs ko."

palusot ko dahil d ko naman alam na mag short lang pala sila edi sana, nag short na din ako.

Nakarating na kami kung saan ang condo ni Lex, sabi kasi niya na may unit na available pa daw kaya tinignan namin yun, pagpasok namin nilibot ko agad yung unit hindi naman masyadong malaki, sakto lang.

May isang bedroom,kitchen na may dining table, apat lang ata kasya para kumain dun may living room at cr na may bathtub tas balcony na kita kita yung view. White ang kulay na may halong gray at black. Goods din naman yung kulay sakin. Eh'yon din naman yung gusto ko kase super chill lang.

Pagkatapos kung tawagan si Mom tungkol sa unit ay dumuritso na din kami sa condo ni Lexie sa baba lang ng floor na to nasa 6th floor kasi yung unit na kinuha ko kaya, nag elevator pa kami pababa sa condo niya.

Pagkarating namin sa condo ni Lexie napag isipan namin na kakain muna kaya, nag pa deliver kami ng yellow cab at milktea. Kumain lang kami at nag kwentuhan.

"Wala ka bang kilala sa kabilang unit?" Tanong ni Eva.

"Ito'ng si Eva talaga napaka-"

"O sige Val.. pagpatuloy mo pa, hindi ka magkaka jowa niyan" sumbat ni Eva.

We laughed.

Daming kwentohang naganap pero nauna na rin ako dahil baka gabi na ako makauwi wala pa naman akong sasakyan. 

Nag paalam na ako at Lumabas sa unit ni Lex. Huminto ako saglit sa lobby upang magbook ng sasakyan pauwi.                                             

Nang biglang may dumaan at napalingon ako sa sobrang bango ng pabango niya 5 seconds ko ata siyang tinignan habang naglakad siya papalayo buti hindi niya ramdam na may tumitig sa kanya.

Binalik ko yung tingin ko sa phone ko at agad nang bumaba para doon na hintayin ang binook kung sasakyan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------    :))

I Love You Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon