Chapter 15

11 0 0
                                    

Sunday. I woke up early in the morning because my phone keeps ringing. I immediately get it beside my bed. When I open my phone bigla akong nagulat. Ang daming notifications nag me-mentions sakin kaya tinignan ko yun.

"Omygd!"

Nagulat ako nung nakita ko yung bagong post ni Kevs sa Instagram niya. Pinost niya yung picture ko na nakaharap sa sunset. I thought, view lang yung cinaptured niya. Bakit kasama pa ako? Binasa ko agad yung description.

'I like the view but, you're my best view'

Talaga? Hindi ko maiwasang kiligin at matuwa dahil I never experience someone posted a picture of me before, Except sa friends ko. Wala, iba lang talaga yung feeling. Parang you're too special pag ganun.

Napatingin ako sa comment section. Wow!Ang daming comments kung ano ano yung pinag sasabi. Nangunguna pa talaga si Eva. Ang galing!

@Evagn: Ayan! Ito yung hinihintay koo! Congrats #KKlovers #OTP @kalielyja

@Lexvievndz: what's the gossip here? Kasalan na ba? #Myship

@Mathischnr: Lum@h lablyp?¿ 

@itsmizzy: Congratulations!! Dalaga kana future arch.

@valirie: no bayan! Pa mysteryoso masyado #kkfordawin

@kalielyja: Hoy! Tumigil kayo! Sira ulo. Di ako yan.

Hindi na ako makatulog ulit kaya nag luto nalang ako ng pagkain for my breakfast. Mamaya pupunta pa kase ako National Bookstore para bumili ng novel book at tsaka ball pens.

Nagluto na lang ako ng tocino, scramble egg at kanin. Nag timpla na rin ako ng milo para pang pa init ng umaga ko. Ang ginaw kase ramdam na ramdam ko kahit nakatakip lahat ng katawan ko.

Pagkatapos kung kumain, hinugasan ko na yung pinagkainan ko. After that, I texted Eva if hindi ba siya busy today.Magpapasama sana ako sa kanya pupuntang Natio.

I took a shower for 30 minutes, nagbihis na rin ako. Nagsout lang ako ng pambahay, maya maya pa naman ako aalis. Manood nalang muna ako ng teleserye biglang namiss ko manood ng ganto.

Nag book na ako ng grab papuntang National bookstore. Ako lang mag isa. Hindi kase sumama si Eva dahil may ginagawa daw siya sa bahay nila. Hinihintay ko lang yung binook ko na grab dito sa labas ng building, 5 minutes pa raw kase bago siya dumating sabi ng driver.

Nandito na ako sa National bookstore. Naghahanap ng magandang novel, binabasa ko yung likod ng mga libro hanggang napunta ako sa section na puro wattpad books. Alam ko yung mga ganto, narinig ko sa mga kaklase ko na maganda daw ang mga kwento sa wattpad.

May na hagip sa mata ko, title pa lang parang nasasaktan na ako. Yung title niya 'Unlucky I'm in love with my Bestfriend' hindi ko ma'imagine yung sarili ko na mainlove sa bestfriend ko lalong lalo na sobrang dikit niyo sa isat'isa na para na kayo magkapatid. Diba? Tas mawala bigla yun, dahil inlove yung isa. Ang sakit naman ata nun. Mas masakit pa ata yung mawalan ka ng bestfriend kesa sa boyfriend kahit I didn't experience anything like that before, feeling ko lang talaga.

Nilagay ko na sa basket yung libro na napili ko. Makahanap na rin ako ng ball pens kaya pumila na ako sa counter area. Madaming tao ngayon dito kaya medyo mataas yung pila. Kinuha ko muna yung phone ko habang naghihintay sa turn ko. Nang bigla ko naramdam na may sumisilip sa gilid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon