Chapter 09

31 3 1
                                    


"Cho! Cho! Kay kevs nalang! Wag sakin!" sabi ni Eva habang dahan dahan ng umiikot yung bote papunta sa kanya.

Bigla itong huminto kay Kevs. Sobrang saya ni Val kasi siya yung magtatanong kung truth or dare ba.

"Bawal dare. Dapat truth" sumbat niya.

"Oh sige, ikaw nalang maging ako!" Tinignan niya si Val." Dare"

"Daya! Play safe!"

"O! dare daw. Kiss mo si Kalie" sabi ni Eva.

"Sira! Bat ako?"tumingin ako sa kanila habang uminom ng alak.

Napatigil ako nung tumayo si Kevs lumapit sakin.

"Pano ba yan? Dare nila na e'kiss raw kita" he seriously said while nilapit niya'ng mukha niya sakin.

Sa sobrang lapit niya sakin amoy na amoy ko yung pabango niya ,familiar yung pabango niya parang may na aamoy na akong ganun before. Pero, Hindi ko alam kung kanino.

Shet! Bat ang bango niya? bigla akong napapikit nung nilapit pa niya yung mukha niya sakin at bigla akong hinalikan sa

forehead.

Gags!

Pagdilat ng mata ko nakita ko reaksyon niya ngumiti lang siya. He tap my head at bumalik sa pwesto niya, Nakakahiya tinawanan lang ako. Kala naman siguro niyang gustong gusto ko! Pero sana! Tinuloy niya nalang para hindi ako mapahiya nakapikit na yung mata ko akala ko hahalikan niya na ako yon pala sa forehead lang pala.

"bat namula ka? Kinilig ka ata" Pang asar ni Eva nung napansin niyang namumula pisngi ko.

"Hindi ha!" Sabi ko habang hinawakan yung pisngi ko.

After nun nagpasya na kaming magkwentuhan bago matulog dahil mag 3am na din naman. Kaya, kumuha muna ako ng unan at blankets sa condo ko para may gamitin din ako. Apat lang kasi kumot na meron si Lex kaya sabi ko nalang sa kanya na kukuha ako para samin ni Eva. Si Kevs Wala ring kumot at unan kaya kukuha raw din siya sa condo niya kaya sabay na kaming lumabas.

Hindi ko siya pinansin diritso lang akong naglakad at sumakay ng elevator, nakasunod lang siya sakin at walang gimik. Pagkarating sa floor namin diritso agad akong naglakad papumunta sa condo ko at pumasok.

I change my clothes to pantulog at nag hilamus na rin ako tas nag lipbalm lang tapos kinuha ko na yung dalawang unan at yung blanket then agad lumabas.

"Ay! Palaka!"Pag tingin ko sa gilid ng door ko muntik ko ng mabitawan yung dala ko nang bigla kong nakita si Kevs naka white hoodie na may dalang unan at kumot.

"Nanakot ka ata ah! Di ako na takot promise!" Sarkastikong sabi ko habang tinignan ko siya.

Tumawa lang siya "hinintay kita, tagal mo" kalmadong sabi niya habang nakatingin sakin, dala dala niya yung unan at kumot niya.

"E'sino bang nagsabi na hintayin moko?" Sabi ko, tinaasan ko siya ng kilay.

"Dami mong say! Akin na yang dala mo." Kinuha niya ang dalawang unan at binitbit ito papuntang elevator.

Natatawa ako,dahil mukhang nahihirapan siyang dalhin ito. Sige! Kagustohan niya na mang siya yung magdala, yan tuloy napala!

Pag'karating namin sa unit ni Lex, nilagay niya na yung unan sa may couch. Dito lang kami matutulog sa living room kahit san dito, nilapag ko na blanket ko sa gilid ng sliding glass door papuntang balcony, magkatabi kami ni Eva.

I Love You Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon