Kakastart lang nang first sem at kami ni Eva lang ang magka'klase pareho kasi kaming Stem yung strand. Si Lexie at Val naman Abm, kaya nasa 2nd floor yung room nila. Paglabas namin ng lobby may nag'kakagulo, hindi na namin pinansin diritso na kaming pumunta sa canteen para kumain kase sobrang gutom na namin.
Nagorder lang ako ng spaghetti, same order lang kami ni Eva. Pagkatapos, umupo na sa may table malapit sa wall.
" Woooi! bat di nag aya! "
agad kaming napalingon nakita namin si Val papalapit nilagay niya ang mga dala niya at agad umalis para mag order at umupo sa tabi ni Eva.
" ano yung narinig ko may nag kakagulo daw?" tanong ni Val
" rinig ko may poging daw na nag enroll, Totoo ba?"dugtong niya habang sumubo ng spaghetti.
"alam naming may nagkagulo no? pero d namin alam namay pogi. Wala akong poging nakita dito" sabi ni Eva.
Tahimik lang ako kumain at nakinig sa mga sinasabi nila tungkol sa bagong nag enroll, pogi raw yun? Wee? Baka shukla yon! Daming ganun'e pogi pero pogi rin yung gusto pero G lang, wala naman ako pakialam.
Nasa room na kami wala kaming masyado ginawa today kaya nag'paalam na ako kay Eva na mauna na akong umuwi, siya na lang ang mag sabi kay Lex at Val na nauna na ako.
Naglakad na ako ng biglang umulan kaya, binilisan ko yung lakad ko at agad nag'hanap nang masilungan dahil baka lumakas pa yung ulan.
" shocks! Bat ba kasi uulan ng walang paalam, Kainis!" Bulong ko.
Wala pa naman akong dalang payong kaya hinintay ko muna tumila ang ulan tsaka na ako maglakad pa'uwi ng condo.
Nakatayo lang ako dito sa waiting shed habang hinintay huminto yung ulan nang biglang may nag abot ng payong sa'akin, napalingon ako kaagad sa kanya habang hawak niya ito, lumingon muna ako sa likod ko baka hindi ako, baka nagkamali lang siya nang pinag bigyan.
"Ikaw. Gamitin mo" napatingin agad ako sa kanya nung nag'salita siya.
Tinuro ko yung sarili ko " ha-aako??seriously?" Sagot ko habang binigay niya sakin yun, tumango lang siya sakin at agad nag lakad.
Wow! Parang nasa kdrama lang ang peg! Tinignan ko siya habang nag'lakad na siya palayo.
Naka white hoodie siya matangkad naka white sneakers at may dating hindi ko masyadong na mukhaan kasi naka hoodie, nakakakilabot naman wala man lang sinabi, bigla agad naglakad.
"Seryoso yun? Baka bukas dukutin na ako dahil dito" sabi ko habang naglakad gamit ang bigay niyang payong.
He just laughed at agad umalis.
Pagkarating ko sa condo nagbihis agad ako, tapos umupo sa couch chineck ko yung phone ko at agad nag chat kay Eva na nakauwi na ako. Nag reply naman siya kaagad sakin na pauwi na rin daw sila, daanan daw niya ako sa condo.
Nakahiga lang ako habang nakatingin sa tv, hawak'hawak ko yung phone ko para akong nag'hihintay ng text kahit Wala naman ako ka'text ewan ko ba, kung bakit laging nasa kamay ko yung phone ko kahit wala naman akong ginawa dito.
Dumating na si Eva wala si Val bukas nalang daw siya dadaan dito sa condo dahil may gagawin pa raw siya,pag dating niya dumiritso siya sa kusina para uminom ng tubig.
" Oh! diba! wala kang dalang payong? bat ka nakauwi kaagad?" Tanong niya habang umiinom ng tubig.
"Aaaah ano kasiii" sabi ko habang tumayo at umupo sa couch na nakatingin sa kanya.
hindi ko sana sabihin sa kanya na may nag bigay sakin ng payong, kaso tinaasan ako nang kilay kaya napilitan akong sabihin na lang.
"Ganito kase yan, May nag bigay sakin nang payong." kalmadong kwento ko sa kanya.
" Avaaaah! May admirer agad, first pa lang ah. Sino? Kilala mo?"Sabi niya habang lumapit na may dalang cheezy at umupo sa kabilang couch na nakaharap sakin.
"He's wearing a hoodie kaya hindi ko masyadong kita yung mukha" sabi ko habang tumayo kumuha ng pagkain sa ref.
"Sayang! Kung hanapin mo kaya bukas tas kunwari sauli mo yung payong, hingin mo number tas bigay mo sakin" daldal na sabi niya.
" oh kahit hindi muna ibigay sayo nalang," dugtong niya.
" Ayy huwaw! galingggg ah! Mukha akong tanga niyan. gaga ka!" sabi ko habang kumain.
"Gaga! Landi yun Di yun katangahan " sarkastikong sabi niya. " para naman magka jowa kana" biro niya.
"Wag na, sakit sa ulo lang idulot niyan gaya nung na-"
"Nakita mo sa mga pelikula? Girl mag ka iba yon sa totoong buhay, promise." Sabi niya habang sumubo ng pagkain.
Kumain lang kami at maya maya umuwi na din siya.
"Bakit ako?"
Natulala tuloy ako kaka'isip kung bakit sa lahat ng tao nandun, ako pa yung binigyan at inabotan niya. Sayang hindi ko pa naman masyadong nakita yung mukha niya, nabigla kase ako kaya hindi ko na natitigan at namukhaan pero, I'm pretty sure na schoolmate lang kami, malaman ko din kung sino yon.
I'll find him and thank him for what he did.
——————————————————————————-- :)
BINABASA MO ANG
I Love You Until The End
RomantiekKalie is still inlove with a guy who left her without telling any reason. Until they meet one time in their college days in an unexpected way. Will they continue their forbidden relationship or just live like nothing without knowing their heartaches.