Author's note: Another short story of mine from my highschool notebook. I already edited this one from the original version on my notebook.
Start
It was in the middle of July. The rainy season just started kaya umuulan ng malakas kahit sobrang aga pa. I'm on my way to my first class, which I really hate. Ayaw ko pag gumigising ako ng maaga. I'm not a morning person. I'll be really sleepy during class.
Sinuot ko ang earphones sabay full volume. Gusto ko ang ganitong pakiramdam dahil nilulunod ang ingay ng paligid pag nakikinig ako ng ganito.
Napalingon ako sa mga estudyanteng abala sa pag uusap. It was cold yet, people still seems enjoying the weather. Nagtatawanan kasi madalas ang mga nakikita kong nag uusap. Nag aasaran at masaya sa mga kasama nila. Nag bibiruan tapos sabay na hahalakhak dahil sa biro.
Everyone was warm. Seems like I'm the only one who's feeling the cold weather. Siguro dahil wala akong kausap at walang kasama kaya ganon.
I really don't know what I'm feeling. Okay naman ang buhay ko. My parents loves me so much. Hindi rin kami nag hihirap. Hindi sobrang yaman pero sapat na para mabili ko ang mga pangangailangan. Matalino rin ako sa klase. I'm a consistent honor student. Considered as the top of my class. I've never been problematic about my studies and both my parents are so proud of me because of that.
But I don't know why I feel like something's missing. My heart is so hollow like it doesn't feel the contentment of having good grades and great parents.
Isang taon at higit na mula nang magising ako mula sa malalim na pag tulog ko. Pero mula nang magising ako, doon ko na naramdaman na parang may kulang. Something's missing already and I'm trying to find it in every possible way. Nga lang, wala pa akong nahahanap.
Isa sa kino-consider ko na dahilan ay ang kawalan ng malapit na kaibigan. I'm not sure what to call myself but maybe I'm the loner type. Wala namang nang aapi sa akin gaya ng mga napapanood sa palabas na pag loner ay nabubully.
Ang tanging nakakatulong sa akin ay ang music. It serves as my escape. Parang pinapawi ng musika ang lungkot na nararamdaman ko kaya siguro kahit walang kaibigan ay kinakaya ko.
The classroom was almost full when I arrived. Kahit naka earphones ay naririnig ko pa rin ang iilang boses dahil sa ingay. Abala sa pag uusap ang mga kaklase ko at may mga nagtatawanan din.
Dumiretso ako sa upuan ko sa subject na ito. I'm sitting last at the back. At dahil hindi pa naman nag sisimula ang klase, kinuha ko ang librong binabasa ko mula last week. Hindi ko pa ito natatapos. Tinanggal ko ang earphones ko saka binuksan ang libro.
Gusto kong mag focus sa pagbabasa sa kabila ng kaingayan sa paligid. I'm reading this particular novel about peculiar children who are trap in a time loop.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may narinig akong tumikhim sa tabi ko. Nabaling ang atensyon ko sa gumawa non.
Sa tabi ko ay ngumisi ng malaki ang lalakeng nakaupo. Tumaas ang isang kilay ko dahil doon. This man beside me have been my seatmate since the school year started. Pero kahit kailan ay hindi ko man lang alam ang pangalan niya. I'm not really a sociable person. Nahihiya akong makipag interact lalo na sa mga lalake.
"Hi! You're reading my favorite novel." Friendly ang boses niya pero nanatiling wala akong reaksyon.
Bakit ako kinakausap nito? Feeling close naman. Ni hindi niya nga ako kinakausap mula nang mag simula ang klase. Saka lang pag may tanong o may kailangan. Pero never siyang nakipag usap ng casual na parang mag kaibigan kami.
"Sorry. Na istorbo ba kita? Ang seryoso mo kasi sa pagbabasa eh." Humalakhak siya na para bang may nakakatawa. Nahinto lang siya nang mapansing wala pa rin akong reaksyon.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Kısa HikayeAfter waking up in a deep slumber, Mariya finds it hard to fit in with life. She doesn't know where she belong anymore, she don't know where to go. She's lost in the middle of her path trying to find what's missing.. Until she found a group of peopl...