Mariya
Hindi ako mapakali habang nasa klase. Mamaya na ako sasama sa kanila. Ewan ko ba kung ba't ganito nalang ang kaba ko.
Last subject ngayong araw at nag iwan lang ng isang activity ang professor namin. Shortened kasi ang klase sa lahat ng subject dahil may gagawin na activity ang faculties.
Natapos ako sa pag sagot, pero mas lalo akong kinakabahan. I don't know how to interact with them later. Baka ma OP pa ako dahil close na silang lahat. Baka mag mukha akong sampid na nakikisali.
I see, Lance waiting for me outside. Hindi kasi kami magk-klase sa subject na ito. Mukhang pinasundo ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami ngayon.
I pass my paper and fix all my things. Ako palang ang natatapos sa amin kaya naman dinig ang pagliligpit ko.
"Mariya, kayo ba ni Lance?" Napaawang ang labi ko sa tanong ng isang kaklase. Hindi ako malapit sa kahit sinong kaklase at minsanan lang kung may pumansin sa akin, gaya ngayon. "H-hindi." She nodded then get back to what she's doing.
"Sabi sayo, hindi sila eh." I can hear them talking, but I didn't mind it. Mas pinili kong isukbit ang bag ko para makaalis na. "Baka, naawa lang si Lance sa kanya."
The last words of my classmate disturbed me so much. Kahit ngayong sabay na kaming naglalakad ni Lance paalis, ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang narinig kanina.
I'm so disturbed of the thought, because it's not impossible. Lance is friendly to everyone. He can relate to anyone, kaya baka nga, kinaibigan niya ako, dahil naawa siya? It's fine right? Okay lang naman yon sakin. Masyado lang talaga akong napaisip doon. Tanggap ko naman kung sakali ngang totoo. Ano naman ang karapatan kong magalit diba? Pasalamat nga ako, dahil kinaibigan niya ako.
"Ayan ka na, naman." My thoughts stopped when I heard him. "Huh?"
"You're at it again. You think too deep and you won't even bother sharing. Baka malunod ka niyan pag ininda mong mag isa." Dahil sa pahayag niya ay nahinto ako sa paglalakad.
Huminto na rin siya saka ako hinarap. He always looks so concerned with me. Sobra siguro siyang na aawa sa akin.
"Someday, Lancelot. Siguro balang araw pa, saka ko masasabi lahat ng nasa isip ko." Naiilang ako sa titig niya sa akin. Gusto kong mapalunok pero baka makita niya. "I hope, it won't be too late for me. Baka mahuli na ako at hindi kana masagip sa pagkakalunod." I hate how caring he sounds. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang awa niya.
"Just tell me if it's getting too deep and you can't touch the floor anymore. I'll swim with you, Mariya. I just need you to ask for help." With that, I find myself trusting him. Siguro nga, ganito siya kung maawa. Malalim at totoo.
Nakarating kami sa labas ng eskwelahan. Nandoon sa waiting shed naghihintay ang mga kaibigan ni Lance. Maiingay sila at nagtatawanan. Halos sakupin nila ang buong waiting shed.
"Nanay mo si sadako!" Sigaw ni Dave kay Ernest na humahalakhak. "Ito si sadako oh! Ang haba ng buhok, hindi naman naliligo." Turo naman ni Ernest kay Clarisse kaya nakatanggap siya ng malakas na hampas mula dito. They are so noisy.
"Yow! Tabi, madlang people! Andito na si Lancelot Kristofferson Ramirez, ang poging guitarist ng cagayan de oro!" Kumaway, kaway si Lance matapos niya yong sabihin. Akala mo naman ay maraming audience na nakikinig.
Lahat naman ng kaibigan niya ay kung hindi nakangiwi ay napabusangot.
"Ang taas ng boses, daig pa si Regine Velasquez." Matabang na pahayag ni King kaya nagtawanan sila. "Sure ka bang guitarist ka? Baka naman ikaw ang vocalist?"
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
NouvellesAfter waking up in a deep slumber, Mariya finds it hard to fit in with life. She doesn't know where she belong anymore, she don't know where to go. She's lost in the middle of her path trying to find what's missing.. Until she found a group of peopl...