Mariya
How do I stay away from someone who became part of my life? I badly need the answer right now.
Sa ngayon ay pilit kong nilalayo ang sarili ko kay Lancelot. Kahit sa klase ay lumipat ako ng mauupuan para lang hindi na masyadong mapalapit pa sa kanya. I know it's a petty reason for some, but for me, it's quite big and heavy. Lalo na at may kutob ako kung saan tutungo to, pag mas napalapit ako kay Lancelot.
"Are you sure you're comfortable there, miss Montecillo?" Tanong ng subject teacher namin matapos kong makiusap sa kaklase ko kung pwede kaming mag palit ng upuan dahil lumalabo ang mata ko. Which is partially true. "Yes, ma'am."
"How about you, miss Ledesma?" Nilingon ko ang kaklase naming si Britney na siyang kapalitan ko ng pwesto. Malaki ang ngiti niya at namumula pa ang pisngi na tila tuwang tuwa at kinikilig. "Sobrang okay, ma'am. Makakatabi ko na si Lance." She shrieked and bit her lips while Lancelot is just chuckling beside her. The whole class teased them, it took maybe a minute before the teasing died down.
Matapos nang klase ay nag mamadali akong umalis para pumunta sa susunod na subject. Hindi ko na kaklase si Lancelot na subject na yon kaya nakampante na ako.
Nakayuko ako habang dumadaan sa maraming tao. Kahit medyo hindi na ako gaya ng dati ay hindi ko pa rin maiwasang mag alala kung marami bang nakakapansin sa akin at kung pag uusapan ba ako ng lahat.
"Mariya!" Medyo napatalon ako nang sumulpot si Dave sa tabi ko. "D-Dave! Ikaw pala." Medyo wala sa sarili kong bati.
"Are you okay? Nga pala alam mo ba kung nasaan si Lancelot?" Matagal pa bago ako nabalik sa huwisyo. Hinahanap niya kamo ang taong iniiwasan ko?
"Hindi, Dave eh. Nagmamadali kasi akong umalis sa room dahil late na." He looks worried with my reaction kaya naman ngumiti ako para hindi na siya mag isip ng kung ano pa. "Uhh, okay. Anyway, see you later at lunch." He waved good bye while running. Kumaway nalang rin ako saka nag patuloy sa pag tahak ng daan.
Good thing, I conditioned myself first before entering in my next class that's why I was focused.
Lunch time came and I'm having second thoughts about eating with them. Kung pupunta ako sa usual na kinakainan namin, ibig sabihin makikita ko si Lancelot na siyang iniiwasan ko. Pero kung hindi naman ako pupunta, baka magtaka sila at mag alala.
I was deeply thinking about it when someone walked beside me, copying my pace.
Nang lingunin ko ay malaki ang ngiti ni Britney na kaklase ko sa akin. Her curly hair and straight bangs made her look like she's in a korean drama. Yeah, I do watch that kind of drama courtesy of Fritzie.
"Uhm, hi." Medyo naiilang na bati ko lalo na at hindi naman kami ganon kalapit talaga. Magka klase lang pero hindi close.
"Close kayo ni, Lance diba?" She asked still smiling from ear to ear that it looks more creepy now. Huminto tuloy ako sa paglalakad para makapag usap kami ng maayos. "H-hindi masyado. Bakit?" She pursed her lips then winked at me.
"Alam kong close kayo. Hihingi sana ako ng favor eh." Okay, It's getting weirder now. Anong favor ang hihingin ng isang taong hindi naman ganon kaclose sakin?
"Can you set us up on a date?" Her eyes were gleaming with excitement as she mentioned her favor. Napaurong naman ako habang nanlalaki ang mata.
Is she serious? Teka nga, ba't sakin siya humihingi ng pabor? Saka hindi ba pwedeng kay Lancelot na siya agad mag approach? Mukhang friendly naman yon at parang hindi kayang mang reject ng isang tao.
"I don't really know if I can do that. I mean, h-hindi naman kasi kami as in sobrang close na mauutusan ko na siyang gawin yan." I saw her pouted and the sparkles in her eyes are now gone. "Why not?"
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Short StoryAfter waking up in a deep slumber, Mariya finds it hard to fit in with life. She doesn't know where she belong anymore, she don't know where to go. She's lost in the middle of her path trying to find what's missing.. Until she found a group of peopl...