Chapter 5

98.4K 6.6K 1.4K
                                    

The adorned Cage - TaigekTou (youtube channel)


Chapter 5

Mga ibon, larawan at pangako

Bago kami tuluyang lumisan sa harap ng kweba'y hinayaan muna nila akong manatiling nakatayo sa harapan nito ng ilang minuto.

Sinimulan kong ipikit ang aking mga mata at pinaglapat ko ang aking mga kamay sa tapat ng aking dibdib. Nang sandaling umihip ang banayad na hangin, ang aking panalangin ay isa-isang sinambit...

Kung iyong susi'y may buhay...

Pintig ng iyong puso'y nais ko ring marinig...

Hiwaga mo'y inaasam-asam ng lahat...

Ngunit kasaguta'y para lamang sa iilan mga kamay...

Ako'y maglalakbay na may dalang isang layunin...

Ika'y tuklasin at pagyamanin...

Ako'y magbabalik na may mga kamay na nararapat...

Mga palad na walang bakas ng pagkamkam...

Kundi pawang guhit mula sa katungkulan...

Nang sandaling magmulat ang aking mga mata, pakiramdam ko ay saglit na gumaan ang dibdib ko. Nais kong makarating sa kweba ang siyang pakay ko sa kanyang hiwaga. Hindi dahil sa kapangyarihan, kundi dahil sa mga kasagutan.

"Leticia?"

Lumingon na ako nang tumawag sa akin si Rosh.

"Hanggang sa muli naming pagbabalik..." bulong ko sa kweba bago ako nagmadaling lumapit sa kanilang tatlo.

Dahil pinaghahanap ako ng buong Parsua, hindi magandang ideya na manatili akong mangabayo, kaya gumawa ng paraan si Hua na makakuha ng karwahe sa pinakamalapit na bayan.

"Sa paanong paraan mo---"

"Mapamaraan ang mga langgam, Leticia."

Pinagmasdan ko ang karwaheng binuksan na ni Rosh para sa akin. Simple lamang ito kumpara sa karwahe na siyang ginagamit ng mga Gazellian.

Nang sumakay na ako ay agad rin sumunod sa akin si Rosh.

"Akala ko ba ay isa ka na rin kawal?" tanong ni Hua kay Rosh.

Si Nikos ay nagtungo na sa unahan ng karwahe at naghihintay na lamang ng hudyat sa amin.

"Sa buong buhay ko'y hindi pa ako nakapagpatakbo ng karwahe, Langgam. Isa pa, makikilala ako. Bakit hindi ka na maupo sa unahan at gawin ang iyong tungkulin?"

"Hua..."

Dahil alam kong hindi magpapatalo si Rosh ay si Hua na ang pinigilan ko. Tumango si Hua bago niya isinarado ang pintuan ng karwahe.

Kumatok ng dalawang beses si Rosh sa bubong ng karwahe, hudyat na maaari na kaming umalis.

Napag-usapan namin na mas makabubuti na dumaan kami sa mga kagubatan nang sa ganoon ay wala kaming makasalubong. Dahil pamilyar naman si Nikos sa kabuuan ng Parsua, hindi siya mahihirapan pansamantalang patakbuhin ang karwahe sa iba't ibang lugar. Lalo na't hindi magandang manatili kami sa iisang lokasyon sa loob ng maraming oras.

"Destinasyon?" tanong sa akin ni Rosh.

Nakakrus na iyong mga hita niya habang may hawak ng pulang rosas. Kahit ang kasuotang gamit niya'y parang sa isang bampirang walang estado, luma, kulay abo at walang bahid ng mamahaling bato ay nagawa pa rin dalhin ng ikalawang Prinsipe ng Deltora ang kanyang sarili.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon