A/N When I started book two of this trilogy, I thought I only got few readers. Konti lang kasi ang comments, pero keri lang para hindi mahirap mag-mute. Haha. But when I reached half of the chapters, I was too stunned by how readers react. Ang daming affected at sobrang gigil!
And I am so happy! Try to answer the question at the last part, let me read your guesses. Haha.
Try to hear the background music I'd picked for this chapter.
Chapter 31
Unang mensahe
Nanatiling magkatitigan ang mga mata namin ni Caleb. Hind ko magawang mabasa ang kanyang ekspresyon.
Ano ang ginagawa ng isa sa mga prinsipe ng Sartorias sa lugar na ito? Lalo na sa ganitong sitwasyon, na ang kanilang emperyo'y nahahrap sa nagbabadyang pinakamalaking digmaan.
Sa ilalim ng kanyang balabal ay may kinuha siyang tela na nakabalot. Inilapit niya iyon sa ibong kaanyuan ni Kalla at kinuha iyon ng kanyang tuka.
Lumipad papalayo ang puting ibon at nagtungo iyon sa likuran ng mga puno ng kagubatan. Hindi tumagal ng ilang minuto'y bumalik na si Kalla na nasa kanyang totoong kaanyuan.
"Kalla..."
Pormal na yumuko si Kalla kay Rosh bilang pagbati sa prinsipe. "Rosh..."
"Uncle Caleb! Y-You're back!" malakas na sigaw ni Divina na siyang pumutol sa nabubuong tensyon sa aming lahat.
Inakala kong ngiti ang siyang isasalubong ni Caleb kay Divina na tumalon na mula kay Nikos at nakabuka na ang mga braso upang yakapin ang kanyang tiyuhin, ngunit napaatras si Caleb ng makita ang munting prinsesa.
"W-Who is she?"
Maging si Kalla ay nakatulala rin kay Divina. Napamasahe sa kanyang noo si Rosh nang makita niyang kinagat na ni Divina ang kanyang labi na nagpipigil na sa kanyang pag-iyak.
Galing si Divina sa hinaharap. Nasisiguro kong kasama lamang kanina nina Kalla at Caleb ang Divina sa pangkasalukuyan.
"You don't love me anymore, Uncle Caleb? Hindi ko naman sinasadya. Pinagalitan ako ng marami ni Papa. Inaway nila ako ng sabay ni Mama—"
Kunot na kunot ang noo ni Caleb sa harap ni Divina, habang si Kalla ay mukhang nagsisimula nang maintindihan ang siyang nangyayari, si Rosh naman ay may parehong reaksyon ni Caleb.
Bago pa man tuluyang sabihin ni Divina ang dahilan ng pag-iyak niya ay agad na akong lumapit sa kanya, binuhat at niyakap.
Hindi niya maaaring sabihin ang nangyari sa hinaharap.
"What is happening?" tanong ni Caleb na nalilito pa rin.
"She's from the future." Sagot ni Rosh.
Ngayon ay mas nangibabaw ang malakas na pag-iyak ni Divina. "Uncle Caleb hates me... hindi ko naman sinasadya..."
"Shhh..." pagpapatahan ko kay Divina.
Nanatili pa rin naguguluhan si Caleb habang ang mga mata'y nasa likuran ni Divina na umiiyak.
"Caleb." Muling tawag sa kanya ni Rosh.
Doon natauhan ang prinsipe ng Sartorias at nagmadali siyang lumapit sa akin upang buhatin si Divina.
"I'm sorry. I don't hate you, Divina. Who told you? I was just confused."
Pulang-pula ang ilong ni Divina habang nakatitig kay Caleb, ang dalawang kamay ng munting prinsesa'y nakapatong sa mga balikat ng prinsipe habang panay ang kanyang pagsinok dahil sa tindi ng pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Moonlight War (Gazellian Series #5)
VampireJewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess of the Moon have a deeper meaning than a crown, throne, or even a specter. How can she prove her wort...