Chapter 45

97.2K 7.7K 6.8K
                                    

Dedicated to: Faith Ashley

Chapter 45

Gazellian

"But I will always choose you... choose me... run. We don't need a baby... you will survive, and you'll be my Queen in this war." 

Kung inaakala kong ang malalamig niyang salita, paulit-ulit na pagtataboy at pagpapamukha sa akin na hindi niya ako kailangan ang lubos na gigimbal sa akin, isa iyong malaking pagkakamali. Dahil ang ngayo'y naririnig ko sa kanya at maging sa mga babae sa palasyo ay tila uubos ng aking tamang pag-iisip.

Marahas kong inihiwalay ang sarili ko mula kay Dastan. Wala sa sarili akong napaatras habang ang mga mata'y nanatili sa kanya.

"L-Leticia..." sinubukan niyang humakbang patungo sa akin ngunit sabay kong inangat ang kamay ko dahilan kung bakit ang daang nagliliwanag na punyal ay tumutok sa kanya.

"Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" malakas na sigaw ko.

Isa-isa akong lumingon sa bawat babaeng nasa palasyo, mula sa magkapatid na Gazellian hanggang kina Claret, Kalla at Naha.

Wala na akong maintindihan. Nalilito na ako sa mga naririnig ko at sa nararamdaman ko.

Malinaw ang ipinakita sa akin ng panaginip at ipinaliwanag sa akin ng diyosang tagabantay sa puno kung saan ako isinilang. Ang katulad kong nagmula sa puno ng En Aurete ay kailanman ay hindi mabibigyan ng pagkakataong magdala ng buhay sa kanyang sinapupunan.

Bago ko pa man isagawa ang ritwal at sumpa, wala na akong maramdamang buhay sa aking katawan na ilang beses kong hiniling, na sana ako na lang. Sana ako na lang ang magsilang ng unang prinsipe.

Wala sa sarili akong napasulyap kay Alanis na nanatili sa sulok ng silid, nakayuko ang kanyang ulo at pilit lamang pinakikinggan ang pagtatalo ng mga maharlikang nasa paligid niya.

"L-Leticia... mahal ko..."

Mas nanlisik ang mga mata ko kay Dastan. "HUWAG na HUWAG mo akong tatawagin sa ganyang paraan!"

Hindi ko na inalintana ang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko. Kung totoo ang sinasabi nilang may bata sa aking sinapupunan, siya ang dahilan kung bakit tila nararamdaman kong may humihigop ng kapangyarihan ko...

Kaya hindi ko magawang maramdaman ang buhay niya dahil malakas siya at itinatago niya iyon sa akin upang maprotektahan niya ang kanyang sarili.

Ang katawan ko at ang batang nasa sinapupunan ko ay hindi magkatugma. At bilang kapareha ni Dastan, ang punong kinikilala ang kanyang dugo ay higit na kikilalanin ang batang nasa sinapupunan ko dahil nasa kanyang nanalaytay ang dugo ng haring kanyang pinaglilingkuran.

Tulad ng sabi ni Dastan, ang puno'y pipiliin ang batang nasa sinapupunan ko dahil nasa bata ang kanyang dugo.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kusang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Naiintindihan ko na ang pag-aalinlangan sa katanungan ng matandang babaylan sa kubong bulwagan.

Tinanong niya sa akin kung magagawa kong tanggapin ang bata, hindi dahil magmumula iyon kay Alanis kundi... ang bata ay magiging mitya ng aking buhay.

Muli akong napasulyap kay Alanis na nasisiguro kong may dinadala sa kanyang sinapupunan.

"I am not the father..." tila nabasa ni Dastan ang tumatakbo sa aking isipan.

Hindi ko alam kung bakit tila nabunutan ako ng tinik, pero hindi pa rin nagawang tanggalin niyon ang galit na nag-uumapaw sa akin. May malaking parte pa rin sa sarili ko ang pagdududa.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon