Chapter 23

81.6K 6.8K 5.3K
                                    

Chapter 23

Pagputol

Buong akala ko ay mababawasan man lang ang sakit nang pinili kong umiyak sa dibdib ni Rosh at hayaang damhin ang kanyang mga yakap.

Akala ko'y may magagawa ang kanyang mga haplos at bulong upang kumalma ang puso kong patuloy sa paghapdi, ngunit wala man lang iyon magawa.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sobrang sakit... na nais ko nang gamitin ang aking sariling punyal at isaksak iyon sa aking dibdib upang patigilin iyon sa patuloy na pagpapahirap sa akin.

"L-Leticia..." batid kong hindi na lamang pag-aalala ang kanyang nararamdaman. Ang ikalawang prinsipe ng Deltora ay naalarma na sa aking ikinikilos.

Gusto kong ibahagi sa kanya... gusto ko man lang huminga at umaasang sana'y may magawa iyon upang tulungan ako mula sa sakit. Ngunit hindi ko nais sirain si Dastan mula sa mata ng kahit sino...

"Tell me... allow me to help you..."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit niyang sinalubong ang aking luhaang mga mata.

"Is it a dream? Pangitain o bagay na kinatatakutan mo?"

Mariing kumuyom ang aking mga kamay sa aking kasuotan habang kagat ang pang-ibabang labi. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Paano kita matutulungan? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay alam ko ang nangyayari. Something is wrong with you, and it's frustrating me that I can't help you..."

Wala sa sarili kong pinunasan ang aking mga luha gamit ang magkabila kong braso, paraan na hindi kailanman itinuro ng mga matatandang diyosa sa akin.

"You've been strong enough, Leticia... wala ako rito, sina Nikos at Hua kung hindi dahil sa 'yo. You saved us. Pinatunayan mo sa amin ng paulit-ulit na ikaw ang nararapat ng reyna ng mundong ito... but please... no matter what your problem is, fight it the way you held your sword on that bridge. Alright, I am not forcing you to tell it. But please... fight. Dahil marami pa, Leticia... wala pa tayo sa kalahati..."

Halos paduguin ko na ang pang-ibabang labi ko para lamang pigilan ang paghikbi ko. Sa halip na sumagot sa kanya, ilang beses lang akong tumango sa kanyang harapan.

Ngunit gusto kong sumagot sa kanya.

Paano pa ako lalaban ng buong puso kung ang lalaking siyang malaking dahilan ng aking paglalakbay na ito'y may iba nang nais---

Hindi ko magawang ituloy ang aking iniisip.

Ganoon na ba kahina si Dastan upang hindi makilala ang babaeng kanyang hinahalikan? May koneksyon kami ngunit hindi niya man lang iyon napansin... na wala sa babaeng iyon...

Si Alanis... na halos buong emperyo ng Parsua Sartorias ay malaki ang tiwala sa kanya.

Hindi ko maiwasang maalala ang panahon na siya'y muling nagbalik sa Emperyo ng Parsua Sartorias, na hindi man lang nag-alangan si Dastan itigil ang kanyang ilang taong pagpapanggap na ordinaryong manlalakbay lamang sa harap ng napakaraming madla upang mabuhat lamang at masigurong nasa kanyang mga bisig si Alanis na punung-puno noon ng malalalim na sugat.

Sa mismong harapan ko...

Sinabi man sa akin nina Claret at ng iba pang mga babae sa Parsua Sartorias na walang babaeng totoong minahal si Dastan, mula kay Elizabeth, Rosemary at maging kay Alanis... hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako.

Ang kanyang ama, ang magiting na hari sa kasaysayan ng Parsua Sartorias na si Haring Thaddeus ay nagawang umibig sa babaeng hindi itinakda sa kanya, at ang dugong nananalaytay sa kanyang dumadaloy rin kay Dastan.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon