Chapter 27

75.7K 6K 4K
                                    

Chapter 27

Luha

Nagmulat ang aking mga matang ang natutulog na hari ang siyang unang sinalubong. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang maramdaman ko ang mga brasong nakayakap sa akin sa ilalim ng kumot na nakabalot sa aming mga katawan.

"Dastan..." bulong ko sa nakapikit na Gazellian.

Ngunit wala akong naramdamang pagkilos mula sa kanya. Mahimbing na natutulog ang hari.

Sa dami ng pinaghirapan niya, nararapat lang siyang makaranas ng pahinga at ngayong ako'y nasa kanyang mga bisig.

Mas idinikit ko ang aking sarili sa kanya at marahan kong inilapat ang aking mga labi sa kanyang noo. Ngayong ako'y nasa kanyang mga bisig, nagagawa na niyang ipikit ang kanyang mga matang may kapayapaan.

"Mahal ko..." usal niya.

"Matulog ka nang mahimbing, Dastan, dahil paggising natin sabay nating haharapin ang Parsua..."

"Salamat, Leticia..."

Marahan kong pinagladas ang kamay ko sa mahabang buhok ng hari, hindi ko maiwang humanga sa kakisigan niya na ngayo'y nasisinagan ng liwanag ng kanyang sariling puno.

Nanatiling nakabukas ang malaking bintana ng silid, dahilan kung bakit ang manipis na kurtinang puti nito ay kasaluukuyang nililipad ng hangin, ang tindi ng liwanag na nagmumula ngayon sa puno ng Hari Sartorias ang siyang namamayani sa kabuuan ng gabi. Hindi lang sa aming silid... kundi sa kabuuan ng Parsua Sartorias.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko upang patigilin ang aking pagngiti habang pinagmamasdan si Dastan. Ang kanyang puno'y sumisimbolo sa kanyang emosyon.

Napaligaya ko ang Hari ng Sartorias.

Bago ko muling ibinalik ang aking sarili sa pagkakatulog, mas isiniksik ko ang aking sarili sa kanya, ilang segundong pinaglaro ang tungki ng ilong sa kanya at kinintalan siya ng halik sa kanyang mga labi.

"Mahal na mahal kita, Dastan..." sumulyap ako sa boteng nakapatong sa maliit na lamesa.

Iyon ang ibinigay sa akin ni Naha na siyang ginagamit ng mga bampira upang hindi magbunga ang kanilang pagsisiping.

Ipinapangako kong bibigyan ko si Dastan ng napakaraming supling... ngunit hindi sa panahong ito. Sa panahong maaaring isilang siyang digmaan ang siyang sasalubong.

"Gusto ko sana'y prinsesa... ngunit alam kong nais mo'y prinsipe. Pangako sa susunod, Mahal ko..." bulong ko kay Dastan bago ko ipinikit ang aking mga mata.

***

Akala ko ay sa muling paggising ko'y liwanag na ng umaga ang sasalubong sa akin, ngunit hindi ang Sartorias ang siyang aking nakikilala ng aking mga mata sa mga oras na ito.

Nasa Deeseyadah akong muli. Mukhang dinala na naman ako ng aking panaginip sa mundong inakala kong habangbuhay akong mamahalin.

Ang puno ng En Aurete. Ang punong nagluwal sa akin. Ang punong siyang pinanggalingan ko. Sa harap ng puno ay isang diyosa. Hindi ko siya magawang pangalanan sapagkat ang kanyang mukha'y tila sadyang pinalabo upang hindi ko makilala.

"Leticia..." maging ang boses niya'y hindi ko makilala.

Kung sabagay... si Diyosa Neena lamang ang lubusang kilala ko sa Deeseyadah.

"Narinig ko ang iyong sinapit..."

"Hindi na ako nagugulat. Ang buong Deeseyadah ay nasisiguro kong nalalaman ang aking sitwasyon, isa akong taksil na diyosa."

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon