Chapter 15

68.9K 5.4K 1.5K
                                    

Chapter 15

Tulay

Inakala ni Rosh madali niyang mapasusunod si Divina sa nais niya at sa paraan ng kanyang mabubulaklak na salitang madalas niyang gamitin sa mga kababaihan, ngunit hindi iyon tumalab sa batang prinsesa.

"Then, he's too young for me! Mama said that it's okay if the prince is older than me. But it's not okay if the princess is older!"

Nakangiwi na si Rosh habang nakatitig kay Divina na nakakrus ang mga braso at naghahaba ang nguso.

Ilang beses sumulyap sa akin si Rosh upang humingi ng tulong ngunit nagkibit balikat lamang ako. Siya ang higit na gusto ng munting prinsesa at hindi niya iyon basta na lang matatanggal.

Kahit ang prinsepe ng mga nyebe ay ilang beses ko na rin nasasaksihan na nagrereklamo kay Claret sa tuwing naririnig niya ang kanyang anak na pinupuri ang Prinsepe ng Deltora.

"It's in human world, Princess Divine..."

Sa akin ibinaling ni Divina ang kanyang atensyon. "Goddess of the Moon, tell Prince Rosh... he can't understand..." pansin ko na naiiyak na ang munting prinsesa.

"Age doesn't matter in vampire—" mariin napapikit si Rosh sa sinabi niya at pinigilan niya ang kanyang sarili na maglabas ng mga salitang hindi maaari sa pandinig ng bata.

"That's it! Papa is way older than Mama! But they are happily together..."

"I can't. I am already destined to be with someone else..." nahihirapang paliwanag ni Rosh.

Tuluyan na ngang umiyak si Divina at yumakap sa akin. "Is it Dawn? Mas love mo sa akin si Dawn, Prince Rosh?"

Umawang ang bibig ni Rosh. "S-Sino naman si Dawn?"

Hindi na kami nakagalaw ni Rosh sa pagkakasalampak sa lupa dahil sa pag-alo sa sutil na anak ng prinsipe ng mga nyebe.

"Lily's daughter..." bulong ko.

Nagpapahid na ng kanyang luha si Divina sa kasuotan ko. "You like a wolf more? I can be a pink wolf too!"

"Pink wolf..." ulit ni Rosh. "May ganoon ba?" tanong niya sa akin na parang hindi na rin siya makapag-isip ng maayos.

"But King Dastan promised me! You will marry me!"

Suminghap si Rosh. "He told you that! That King is a liar—"

"My King isn't a liar!" sigaw ni Divina na may kasamang paghagulhol sa harapan namin ni Rosh.

Kung titingnan ay parang sobrang inapi ng buong emperyo ang kawawang anak ng prinsipe ng mga nyebe. Habang wala nang pintor ang susubok gumawa ng larawan ng Prinsipe ng Deltora.

"Sutil nga talaga..." usal ni Rosh.

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Divina. Tinanggal niyang muli ang yakap niya sa akin pero nanatili siyang nakakalong, mariin na niyang hawak iyong magara niyang saya habang nakakuyom ang mga kamay niya.

Ilang ulit niya iyong tila pinapagpag sa sobrang inis at panggigigil kay Rosh.

"I am not sutil! I am not sutil! Sabi ni King Dastan I am not sutil! I will tell this to King Dastan! I will tell this to Mama!"

"Oh my god..." usal ni Rosh.

Pansin ko na parang naiiyak na rin si Rosh sa sitwasyon niya. Ang mga mata niya ay humihingi na ng tulong sa akin.

"I will tell this to Papa! Ni-papaiyak mo 'ko, Prince Rosh! Can't you see? Divina have tears..." itinuro niya ang luha niya na pilit niyang pinatulo sa pagpikit niya ng ilang beses.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon