Chapter 18

64.6K 5.3K 1K
                                    

Chapter 18

Bulong

Mas lalong namayani ang kadiliman.

Ang malaking dragon sa himpapawid ay tuluyang tinakpan ang liwanag ng buwan. Mas lalong namayani ang makapal na usok sa kapaligiran at mas lumakas ang iba't ibang klase ng ungol mula sa bawat direksyon ng tulay.

"What are those?!" sigaw ni Divina.

Hindi lang ingay mula sa dragon ang siyang naririnig namin, kundi maging ang lahat ng kaluluwang isinakripisyo sa tulay na ito!

Ang bawat nilalang na piniling iwan ng kanilang mga kaibigan, kapamilya o maging ng kanyang minamahal.

"Goddess of the Moon... nakakalayo na sila..."

Hindi ko mawari kung kaninong direksyon ako magtutungo at kung kaninong likuran ako susunod.

At habang tumatagal ay nagsisimula nang mawala ang kanilang mga pigura sa usok at kadiliman.

"Hindi maaari..."

Sabay kong inangat ang aking mga kamay sa himpapawid at nagpakawala ako ng libong punyal na siyang magbibigay liwanag sa amin.

Hindi makababa ang dragon na siyang hinihintay ni Rosh ngunit tila nais nitong pasunurin ang prinsipe dahil nagsisimula na rin maglakad sa unahan si Rosh.

Ito ang siyang kahinaan ng tulay. Hindi niya maaaring basta na lamang hilahin ang kanyang mga biktima, dahil dapat ang mga paa mismo ng kanyang biktima ang kusang lalapit sa kanya.

"Prince Rosh, no..."

Sinubukang hilahin ni Divina ang kasuotan ni Rosh pero tinabig niya lamang ang kamay ng prinsesa.

Matapos kong pagliwanagin ang kapaligiran at makita ang bawat posisyon nina Hua at Nikos na mabagal pa rin naglalakad, sabay kong inilahad ang aking mga kamay.

Unti-unting may lumabas na nagniningning ng gintong lubid mula rito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Dalawa lamang ang kamay ko.

Una kong itinali si Rosh gamit ang gintong lubid, sinimulan niyang pumiglas habang maigting ang hawak ko sa dulo niyon ngunit sa tuwid binibitawan ko na ang tali upang siya na mismo ang humawak sa prinsipe, agad iyong napipigtas.

Pumatak ang luha ko. Kailangan hawak ko...

Lumingon akong muli kina Hua at Nikos. Umiiling na ako.

"Ayokong pumili..."

Sabay kong inihampas ang gintong tali mula sa dalawa kong kamay. Pumulupot iyon kina Nikos at Hua, ubod ng lakas ko silang pilit hinihila pabalik sa akin habang nakatitig sa nagsisimulang maglakad muling si Rosh.

"Goddess of the Moon..." naaawang tawag sa akin ni Divina.

"Hawak ka lang sa damit ko, Divina..." pilit akong ngumiti sa kanya.

Nararamdaman ko na ang pagpatak ng pawis ko at ang paglakas ng pagpiglas nina Hua at Nikos. Ngunit hindi ko pa rin binibitawan ang tali at pilit ko silang kinakabig pabalik.

Nang makita kong palayo na si Rosh, binitawan ko ang lubid na konektado kay Nikos at si Rosh naman ang sunod kong hinila pabalik sa akin. Nang si Nikos naman ang nakakalayo si Hua naman ang binitawan ko upang hilahin si Nikos.

Halos kalahating oras na ako sa ganoong paraan na unti-unti nang inaagaw ang aking buong lakas.

Napaluhod na ako sa sirang karwahe habang ang mga kamay ko'y nakahawak ng roon upang bigyan ang sarili ko ng suporta upang hindi matumba. Nagsisimula nang mamatay ang nagliliwanag na mga punyal.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon