Chapter 3

14 1 0
                                    


               Tumatakbo nang mabilis si MJ, hinahabol niya si Meynard. Kitang – kita niya, malayong – malayo na ito sa kanya, kaya lalo niyang binilisan ang takbo niya.

              "Meynard, please wait!", sigaw ni MJ habang tumatakbo, tumutulo pa ang luha.

                Lumingon si Meynard, nang makita siya ay huminto ito at hinintay ang paglapit ni MJ sa kanya. Napangiti si MJ kahit may mga luha sa mata, alam niya hindi siya matitiis ng nobyo at hihintayin talaga siya nito! Lalo pa siyang nagmadali sa paglapit...

              "Baby! sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh", sabay sugod ng yakap sa kasintahan. "Mahal mo talaga ako.. You wait for me don't you? Diba sasama mo ko kahit saan ka magpunta?", inilayo ng konti ang mukha niya sa katawan ni Meynard pero ang mga kamay niya ay nakayakap pa rin sa nobyo.

             "Baby, gustuhin ko man.. I can't.. I really can't", malungkot na sagot ni Meynard.

            "Pero bakit? Mahal mo ko diba? Isama mo na ko! I can't live without you", sagot niya, nagsisimula na naman mamuo ang luha niya sa mata.

            "MJ, nahihirapan na ako, hindi kita pwedeng iwan ng ganyan ka...", sabay hawak ng dalawang kamay ni MJ, "MOVE on baby please", pinisil niya ang kamay ng dalaga. "Do it for me", nagmamaka awang sabi ni Meynard.

              "I love you so much Baby, that's why I can't let you go, I can't move on", sabay tulo ng luha niya.

               Pinunasan ni Meynard ang luha ni MJ sa pisngi "I love you too Baby, but this is the goodbye for us; it is God's will..---

               "NO! I want us to be together Meynard! You are the one for me!!", muling niyakap ni MJ ang nobyo nang mahigpit, umaagos parin ang luha. "Just please stay baby.. please don't leave me"...mahinang sabi ni MJ.

                 Hinaplos ni Meynard ang buhok ni MJ, inamoy pa niya ito, tumulo na rin ang luha niya; masakit na masakit ang puso niya "There will be another man, more deserving than I am.. He is the one for you; he will take care of you and protect you all the time..", ani Meynard, yakap parin niya ang dalaga.

             "I don't want that somebody Meynard, I just want YOU, so please take me with you", nanghihinang sagot ni MJ, walang tigil ang agos ng luha niya.

             "Im sorry MJ.. I guess this is it", hinalikan niya ang buhok ni MJ, at unti unti siyang bumitaw sa dalaga. Umangat ang katawan niya – palayo kay MJ.

              Nataranta na naman si MJ dahil naramdaman niyang lumalayo n naman ang nobyo,, susubukan niya itong habulin ulit!

           "Meynard wait!!", sabay takbo at tumutulo parin ang luha.

               Sa pagmamadali niya ay nadapa siya, hindi niya alam pero parang may humahatak sa kanya pababa at hindi siya makatayo. Tanaw niya ang unti unting paglayo mula sa kalangitan ni Meynard. She cried very hard, it breaks her heart, namamanhid siya sa sobrang sakit. May palapit sa kanyang lalaki, ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito. Palapit nang palapit ito sa kanya.....

              "No! No! Nooooooooooooooooooo!".....

               Bumalikwas na naman ng bangon si MJ, may tumulong luha sa mukha niya, totoong umiyak siya! Her dream seems to be so real! She felt Meynard's hands and warmth, she felt the pain as well. Hindi talaga siya pinapatulog ng panaginip niyang iyon. Pinunasan niya ang luha niya sa kanyang mga palad, tumingin siya sa larawan ng nobyo na nakalagay sa picture frame at nakapatong sa side table niya. Binuksan niya ang lampshade at kinuha ang frame, tinignan niya ito,

               "Ang daya mo!, Iniwan mo ko ditto, ayaw mo pa akong isama. Bakit ba ayaw mo kong isama? Akala ko ba mahal mo ako? (Tumulo na naman ang luha niya) Alam mo namang mahal na mahal kita diba? (pause) Kung ayaw mo kong isama, ako mismo ang gagawa ng paraan para isama mo ko", sabay punas ng luha sa pisngi.

                Binitawan niya ang frame, pinatong niya sa kama niya. Tumayo siya. Now she knows what to do! She will follow Meynard! Binuksan niya ang drawer, cabinet, closet hanggang sa wakas! nahanap niya ang isang bote ng sleeping pills. Nagmamadali niya itong buksan at binuhos sa palad niya – marami siyang nilagay halos maglalagan na sa sahig dahil napuno na ang palad niya. She is determined! ni walang takot at atubiling nararamdaman, ang alam lang niya gusto niyang makasama si Meynard.

                "Baby, malapit na tayong magkasama, hintayin mo ako", at saka buong loob na linunok ang mga gamot na nasa palad niya!

                She's out of her mind! She only wants Meynard not even death can separate them.....

              Nasilaw si MJ sa puting liwanang na unti – unting pumapasok sa kanyang mga mata.

             Nasa langit na ba ako?

          Naramdaman niyang parang hinahati ang ulo niya sa sakit.

        Ouch!

         Kasunod non ay sinubukan niyang buksan ng kaunti ang kanyang mga mata, masakit parin ang ulo niya. Nasilip niyang may isang lalaking nakatayo at nakasandal sa may dingding na kulay puti, nakapamulsa ito sa hapit na pantalon, nakalong sleeves din at hapit ang matipunong katawan. Nakatingin ito sa kinalalagyan niya.

          Nasa langit na nga ba ako? Imposible! Napakaguwapo naman ng anghel na ito! – Ano bang ang nangyari?

          Umikot ang tingin niya, sila lang talagang dalawa ng lalaking ngayon lang niya nakita – duon niya naramdaman ang karayom na nakatusok sa braso niya.

           I'm in the hospital – pero sino nga ba itong guwapong to?

          Despite the headache, tuluyan nang idinilat ni MJ ang mga mata, binasa pa niya ang kanyang mga labi sa pamamagitan ng kanyang dila.

         Sa kanyang peripheral view, nakita niyang umalis sa pagkakasandal sa dingding ang lalaki at pinag ekis ang kanyang braso at humarap nang deretso sa kanyang kinaroroonan.

          "So, the prodigal daughter and sister finally woke up", naka ekis pa rin ang dalawang braso at confident na sabi nito.

          Napatingin siya sa lalong nagsalita, lalo niyang nakita ang kaguwapuhan nito; his eyes were black as charcoal, paired with long eye lashes, he has a jawline that suits perfectly with his broad shoulder. His hair is in clean cut style and a tall, fair complexion. A perfect Adonis in the making! Ngunit natitiyak din niya na ngayon lang talaga niya nakita ang lalaki! Pinilit niyang bumangon, nahihirapan siya dahil ngayon niya naramdaman sa kanyang munting kilos ay masakit din ang buong katawan niya; akala nga niya ay tutulungan siya ng lalaki pero nakatingin lang ito sa kanya. Sa wakas! Nakaupo na siya! Magsasalita na sana siya para tanungin ang estranghero kung sino siya nang maunahan ulit siya ng lalake...

           "Next time kung magpapakamatay ka siguraduhin mong walang makakakita sayo. Hindi yung magpapanic ang lahat dahil sa walang kakuwenta kuwenta mong inarte", matatag na sabi nito, tumingin nang deretso sa gulat na gulat na si MJ.

            Sa sinabing iyon ng estranghero ay biglang nag – init ang ulo ni MJ, ngayon pa talagang masakit pa ang lahat sa kanya! At anong karapatan ng lalaking ito na pagsalitaan siya ng ganito! Besides hindi niya ito kilala!

MAN of my DREAMS: Hello Stranger....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon