Chapter 5

6 1 0
                                    


                     Nakaupo si MJ sa pinakasulok na table ng isang Chinese restaurant, hinihintay niya si Kris ang kanyang colleague sa trabaho, best friend at sisters by heart kung ituring niya. It Is half past 5 p.m., natitiyak niyang papunta na sa meeting place nila ang kaibigan. Saksi si Kris sa simula ng pagmamahalan nila ni Meynard, matagal tagal na rin silang magkaibigan. Simula ng maging bank teller sila hanggang unti unting ma-promote at mapalago ang bangkong pinagtatrabahuhan nila. Galing siya kanina sa bangko at nag file ng 3 months leave without pay, personal ang nilagay niyang reasons, agad naman itong inaprubahan ng kanyang manager. After all, ngayon lang siya humingi ng ganitong pabor sa trabaho niya. Nakita niya ang kanyang mg aka-trabaho, halatang ingat sa pagbati at pag kausap sa kanya. May nakikita rin siyang awa sa mga mata nila. Sabagay, she can't blame them – hindi biro ang pinagdadaanan niya. Mabigat parin araw araw na pagbangon niya. Walang gabing hindi siya umiyak lalo na nang nakalabas na siya ng ospital. Pero alang alang sa mga kapamilya niya, pinilit niyang ngumiti, bumangon at libangin ang sarili niya. Isang linggo matapos siyang na – ospital, nakahanda na ang mga damit a gamit na dadalhin niya sa Santillan Island, bukas na ang alis nila kaya nag desisyon siyang makipagkita sa matalik na kaibigan lalo na't pagkatapos ng libing ni Meynard ay hindi na sila nagkita. Plano rin sana niyang dumalaw sa Mama Meliza niya –pero last month pa ito nakaalis ng Pilipinas. Kinuha siya ng kanyang kapatid para mag stay sa America ng anim na buwan upang may makasama ito at gaya niya para siguro makapag unwind sa lugar na walang nakakaalam ng nangyari sa anak. Nalungkot siya, ni hindi man lang sila nagkita ng Mama Meliza niya. Kasalukuyan kasi niyang nagluluksa non at hindi niya maharap ang kahit sinong dumadalaw para kumustahin siya. Upang hindi na rin mag-alala ang kanyang Mama Meliza ay nagdesisyon siyang wag nang ipaalam ang suiside niya. Maging siya ay gusto na niyang ibaon sa limot ang kasalanang nagawa niya. Simula nangyari iyon ay gabi gabi siyang nag nonovena upang humingi ng kapatawaran sa itaas.

                    "Hey! Im sorry I'm late bez", ani Kris, sabay upo sa upuang nasa tapat ni MJ. Niyakap niya agad si MJ, mahigpit.

                     Ang boses at yakap na iyon ang nagpabalik sa kasalukuyan ni MJ, gaano ba siya katagal mag – isip at hindi niya napansin ang pagdating ng kaibigan.

                      "It's okay bez, hindi naman ako nainip sa paghintay sa'yo", ngumiti, napansin niyang tumaba ang kaibigan, it's been 3 months since nakasama niya ito sa trabaho. "Order ba tayo? My treat", sabay kindat pa sa kaibigan.

                       "Bakit treat mo?", nagtatakang tanong naman ni Kris. "The meal should be on me besides it's the ----

                       "No buts bez! basta MY treat , consider this as my despedida meal for you", pilit ni MJ.

                        Wala ng nagawa si Kris dahil mapilit si Mj, nag-order sila ng dinner at mabilis naman itong dumating. They have long conversations in between meals, ang dami na nilang napag – usapan maybe because they miss each other and there were a lot of things that had happened both at work and personal lives for the past 3 months.

                      "Seriously bez? Do you really have to go to that island with "that" stranger?", tanong ni Kris sa kanya.

                     They were already enjoying their dessert – a chocolate mango ice cream. Nabanggit na kasi niya kanina kay Kris na aalis na siya bukas with this long lost best friend of Meynard and their set up of living in a private island. She also mentioned that her family agrees with it.

                   Nagkibit – balikat si MJ bago sumagot "Honestly bez, after what I have done, I don't want them to be upset, I mean ang laki ng kasalanan ko sa kanila (sighed) I know that if I go there they will feel relief, I don't know what is about that David that makes them feel secure (kunot noo sa pagkakasabi ng pangalan ng lalaki) but I said yes for them.. and for me too", mahabang paliwanag niya

MAN of my DREAMS: Hello Stranger....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon