Chapter 4

6 1 0
                                    


                "Look, I guess you're barking at the wrong tree (sighed) Besides, I don't know who the hell are you- (sabay tingin ng masama sa lalaking kanina lang ay guwapong guwapo siya) Care to introduce yourself FIRST", inis na sagot ni MJ, linalabanan ang sakit ng ulo na nararamdaman.

        "I'm David", kibit – balikat na sagot ng binata, animo'y hindi apektado sa pinakitang inis ni MJ.

        "David what?", inis na tanong parin, hindi niya talaga kilala ang antipatikong lalaking ito!

          "God! Tara, I'm glad you're awake!", anang Mommy Vanessa niya. Bakas ang alala, saya at gulat sa mukha

           Sabay silang napatingin sa kakapasok lang na ginang sa hospital room niya. Agad lumapit sa kanya ang ina niya at niyakap si MJ.

            Mom..

             Biglang niyang naramdaman ang guilt sa ginawa niya, she lose control of her emotions, she didn't know what demon convinced her to do such things. Hinigpitan niya ang yakap sa ina. Biglang tumulo ang luha niya.

         "M – Mom, I – I'm sorry,, I was so wrong mom.. I'm sorry for being selfish", sabi niya habang yakap parin ang mommy niya na nakaupo sa gilid ng bed niya.

            Alam niya ang laki ng kasalanan niya, hindi lamang sa pamilya niya kundi sa Diyos. She committed suicide thinking that she might follow Meynard. Hindi siya pinalaki nang ganon ng kanyang mga magulang. Kaya lalo siyang na – guilty.

           "Shhh..(sabay hagod ng likod ng anak) Stop crying Tara, makakasama pa sayo ang pag – iyak.. (Naluluha pang sabi niya)

           Kumalas ng yakap si Mommy Vanessa at ngumiting may luha sa mata.

          "Ang importante nandito ka pa kasama namin.. (pinunas ang luha sa mata ni MJ) "You learned your lesson right? Hindi mo na gagawin ulit", sabi pa ni Mommy Vanessa at pinisil ang kamay ni MJ.

         "Y – Yes mom, I promise", pinisil din ang kamay ng ina.

          "Where's dad and K- Kuya?", tanong niya, kinabahan siya sa pagkasabi ng "Kuya" dahil knowing his Kuya sigurado masasabon siya.

         "Nasa labas lang sila, hinihintay ang attending doctor mo", akmang tatayo. "Sandali tatawagin ko ---, (akmang tatayo)

            "W-Wait mom!,pigil niya sa mommy niya. "Can we just wait for the doctor here?", kinakabahan siya ngayon palang alam niya sa dalawa ng Daddy Charlie niya at Kuya Chester niya, ang huli ang nakakatakot harapin ang galit.

         Napangiti ang Mommy Vanessa niya at basang – basa niya ang reaction ni MJ. "Natatakot k aba sa Kuya mo?", tanong niya.

          Tumango si MJ, mas strict kasi ang kuya niya kesa sa daddy niya.

           "Hayaan mo na lang siya magsalita nang magsalita, mapapagod din yun sa pagsasalita", pinisil ang kamay ng anak, ngumiti to give her assurance. "Kahit gano ka-galit hindi ka naman matitiis non", kumindat pa.

           Napangiti na rin si MJ, naging relax siya, hawak hawak niya ang kamay ng Mommy niya. Bumukas naman ang pinto at sabay silang napalingon sa dumating – ang kanyang Kuya Chester. Biglang nawala ang ngiti ni MJ at napalitan ng kaba.

         "Mom, tawag ka ni Dad, he is outside", seryosong sabi ni Chester, ni hindi tinignan si MJ.

            Lalong kinabahan si MJ, aalis si mommy niya at maiiwan kay Kuya niya dito? Pinisil ni mommy Vanessa ang kamay ni MJ, ngumiti ulit at bumaling kay Chester.

MAN of my DREAMS: Hello Stranger....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon