Bonus Chapter (DADS)

12 1 0
                                    


                                  (David Angelo De vera Santillan's Perspective)

                                  Nakatayo ako sa tabi ng race track ng university complex namin. Nasa may tabi ako ng grills at pasimpleng pinagmamasdan ang 'young crush' ko, first year highschool pa lang ay nakita ko na itong tumatakbo. Napagalaman ko pang kapatid siya ng ka - close kong kaklase. Maganda ito at matangkad, mahaba ang legs nito kaya siguro mabilis tumakbo. Higit sa lahat hindi siya katulad ng ibang girls sa campus na nagpapacute sakin. Pakiramdam ko nga ay hindi ako napapansin nito kahit halos every training nila ay nandito ako at nakatingin sa kanya. Agad rin naman akong umaalis kapag nakaisang ikot na sa track si crush ..baka makahalata.

                               Araw araw ay napapabuntung hininga siya pag nagbubukas siya ng locker niya ay may mga nakaipit na love letters, girls will be girls ika nga, hindi niya pinagkakabalahang basahin ang mga iyon,hindi naman siya interesado.. DADS ang sinasabi niyang pangalan sa mga nagkakacrush sa kanya. Para madisapoint rin sila sa parang matandang pangalan.


                                Ang lungkot ko parin ngayon, wala na ang daddy ko halos 2 weeks akong hindi pumasok. Mabuti nalang at tinutulungan ako ngayon ni Chester sa mga lessons namin, minsan pinapatawa rin niya ako, ang mommy ko naging sakitin at di na gaano kumakain simula mawala ang daddy. Kaya 'pag nasa bahay sobrang lungkot ko, maliban nalang kapag nakikipagkuwentuhan ang kapitbahay naming kambal.. Sina Tarah at Sarah. Ang cute din ng kambal na 'yon dahil mahaba at kulot ang buhok nila, kapag tinutukso ko ang mga ito tawag ko sa kanila "kulot buntot". Masayang kausap si Sarah mas palakuwento siya. Si Tarah naman ay tahimik lang pero nang makapalagayan ng loob ay mas naging malapit ako kay Tarah.


                               Wala na rin si mommy. Ano ba yan? Bakit lahat ng mahalaga sakin nawawala? Iyak ako nang iyak di ko na ata kayang pumasok. Isang araw may bumisita sakin, si Mrs. Romulo, class adviser ko kasama niya so Chester,class president at bestfriend ko, tagal namin nag - usap ni Chester, si Mam naman kinausap si Uncle Cyrine, siya na kasi mag - aalaga sakin, umuwi rin dito si Yaya Sita. Nakumbinsi ako ni Mam at ni Chester na pumasok. Tama sila mas sasaya sina mom and dad kapag pumasok ako. Pinilit kong maging okay ulit, nakaya naman ang lungkot. Ang galing kasi ng support system ko: sina Chester sa school. Madalas after school pa eh, nagbabasketball kami dun sa club house dito sa subdivision. Dito sa bahay pag nalulungkot ako kina Sarah at Tarah ako pupunta. Awa ng Diyos nakakaya ko kahit sobrang lungkot.
Lumipas ang mga buwan, nabalitaan ko champion si crush sa Track and Field, grade 5 na siya non, kami naman ay 3rd yr na..ang haba ng pangalan niya, nakita ko sa tarpauline na nakasabit sa harap ng school pero mas gusto ko siyang tawaging "Tarah", (sabi kasi ni Chester, ang mommy at daddy lang niya ang puwede tumawag nang ganon sa kanya) Kapangalan niya si Tarah, ang kambal, speaking of.. susunduin ko nga pala siya mamaya sa school nila. Nagpapatulong kasi maghanap ng regalo para sa Auntie niya. Birthday kasi ni Auntie Maureen bukas, Sabado at walang pasok.


                                       Hirap dito sa America, mag - isa lang ako.,pinaghanap ako ng maayos na apartment ni Uncle Cyrine na malapit sa New York University. Kahit ayaw kong umalis ng Pilipinas ay wala akong magawa para raw ito sa future ng airlines na pinaghirapang palaguin ni Daddy. I have to be strong and independent, pero minsan talaga inaatake ako ng homesick. Buti nalang may technology na, lagi kong ka – video call sina Sarah at Tarah, kahit si Chester nangungumusta rin siya. Si 'young crush' nasa high school na athlete pa rin raw. Umalis akong hindi ko man lang siya nakilala, hindi ko naman kasi masabi kay Chester, baka magalit siya. Miss ko na nga silang lahat. Miss ko na rin luto ni Yaya Sita. Miss na miss ko na sina Mommy at Daddy.

MAN of my DREAMS: Hello Stranger....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon