Nasa garden si MJ, nakaupo sa upuang bakal at nakatingin sa grotto nilang may mini fountain sa palibot ni Mama Mary. Sabado noon at wala siyang pasok, naisip niyang magpalipas ng oras sa hardin. Tahimik siyang napaisip sa mga nangyari sa buhay niya, isang taon na ang lumipas nang mawala si Meynard, hindi nga siya makapaniwala dahil parang kailan lang ay kasama niya pa ang namayapang nobyo. Umalis na ang Mama Meliza niya sa Pilipinas, she is staying in Paris for good, hinintay lang ni Mama niya ang 1st Death Anniversary ni Meynard bago siya magdesisyong magsettle down sa ibang bansa. Bago nga ito umalis nung nakaraang buwan ay hinatid pa niya ito sa airport at binigyan siya ng farewell advice.
"Gusto ko MJ, makahanap ka ng lalaking mamahalin mo, gaya nang ginawa mo kay Meynard. You're still young MJ, may makikita ka pa, just give your heart another chance", ani Mama Meliza
Ngumiti lang si MJ, ayaw niyang isipin at bigyan pansin ang usapang puso niya sa totoo lang, dahil alam niya malungkot siya sa bagay na iyon.
"Do you know that Love is composed of hello and goodbye?", dagdag pa ni Mama Meliza.
"But why there is a need for goodbye Mama", balik na tanong ni MJ sa Mama niya.
"To open another Hello, so you continue your life MJ, ako ang unang matutuwa kapag nagmahal ka ulit", wika ni Mama Meliza.
Naisip ni MJ ngayon, kung tama man si Mama Meliza niya sa hello at goodbye ng buhay niya ay iba parin ang naging sitwasyon niya, agad dumating ang another "HELLO" niya.. right after Meynard dies. Kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, actually hindi naman niya na-realize na yun na pala ang 'new hello' niya. Nung nawala na dun lang niya naramdaman tulad ngayon. Dumalas ang pangungulila niya sa binatang laman ng puso't isipan niya – She misses David, pero hanggang pangungulila nalang naman siya dahil hindi naman niya ma – verbalize sa mga magulang niya ang totoo, madalas pati kay Kris ay pinapakita niyang okay lang siya.
Isang taon na rin ang lumipas mula nang mawala si Sarah, pumunta si MJ sa cemetery noong death anniversary ni Sarah pero wala siyang David na nakita o nagpakita sa kanya. The last time they saw each other is Sarah's funeral.. Funny thing is small world lang sila, imagine best friend siya ng kuya niya! Yet di man lang sila magtagpo kahit sandali.
Dapat ay okay na okay lang kay MJ ang ganon, hindi ba't iyon gusto niyang mangyari? Pero habang tumatagal nalulungkot siya at nasasaktan sa hindi pagpapakita o pagpaparamdam ni David sa kanya. Talaga bang wala lang sa kanya ang nangyari sa kanila? Minsan tuksong –tukso siyang tanungin ang kuya niya kung nasaan si David but her own pride stop her.
Isang taon na ang lumipas, naisip niya maybe it's time to let go and "try" to forget David..
"Iniisip mo siya?", ani Kris na palapit kay MJ.
Nagulat pa si MJ, ganun na nga siguro kalalim ang pag – iisip niya at hindi niya napansin ang pagdating ni Kris.
"B- Bez ikaw pala", ani MJ nang makabawi sa pagkagulat, ngumiti. "Kanina pa kayo ni kuya?", tanong niya.
"Kadarating lang naming ni Chester, pinagdala nga naming sina tito ng favourite cake nila", sagot ni Kris na umupo sa tabi ng upuang bakal ni MJ.
Tumango si MJ, ilang buwan nang "mag – on" sina Kris at ang Kuya Chester niya, hindi niya alam kung paano, basta ang sabi sa kanya ng Kuya niya at ni Kris "Love moves in mysterious ways" daw, ganun na ata pag inlove nagiging "korny".
"You seem sad", ani Kris na tumingin nang deretso sa mga mata ni MJ.
"Bakit naman ako malulungkot?", ani MJ na pinilit ngumiti. "I'm just having "me time" kaya seryoso akong naabutan mo", dagdag pa niyang hindi nagpahalata sa kaibigan. "Sino ba kasi iniisip mong iniisip ko?", pinasisigla pa ang boses.
"Dalawa nga sila eh.. I'm not sure kung sino sa kanilang dalawa", ani Kris na sumandal pa sa upuang bakal. "It's either Meynard or David.. right?", tanong niya.
Gotcha! Kilalang kilala talaga siya ni Kris..
"Well, actually both.. it's been a year na rin kasi", mahinang sabi ni MJ.
"Do you regret it MJ? That you pushed him away?", tanong ni Kris.
Kahit walang sabihing pangalan si Kris ay alam niya kung sino ang tinutukoy. Tumingin siya sa grotto, kita niya ang pagdaloy ng tubig sa mini fountain na tumatama sa liwanag ng mga Christmas Lights.
"No, I did it for Sarah", sagot ni MJ.
"But a part of you does.. right?", tanong ulit ni Kris.
Kris is right, kung hindi siya nagsisisi, bakit may lungkot siyang nararamdaman hindi ba?
She sighed before she answered "It won't matter anymore what I feel about him.. I mean it's been a year, I think it's time to really move on and f- forget him (anang pinipigil ang luha) I guess I have to face the consequence of my decisions", malungkot na sabi niya.
Hindi na sumagot si Kris sa sinabi niya, parehu nilang pinagmasdan ang mga patay sindi na Christmas Lights, malapit na naman ang Pasko naisip ni MJ.
"Kumusta si Gian?", ani Kris, to change topic.
Gian is one of her suitor matagal na silang magkakilala dahil kasama nila ito ni Kris sa bangko pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon manligaw ang binata sa kanya.
"Si Gian? hindi ba't araw araw nakikita mo siya?", sagot ni MJ na natatawa sa tanong ni Kris.
"I mean, kumusta na ang panliligaw niya sa'yo?", paliwanag ni Kris.
"Ayos lang", tipid na sagot, kibit – balikat pa ni MJ.
"How is he as a suitor?", tanong ulit ni Kris.
"He's nice and gentlemen", sagot ni MJ, as a matter of factly.
"May chance ba?", tanong na naman ni Kris.
"He told me he's willing to wait", sagot ni MJ.
"Uy! Persistent", tukso ni Kris.
Natawa naman siya sa reaction ng kaibigan.
"Andyan pala kayo Sweetie, Babes!, halina na kayo sa loob at ready na ang dinner!", nasa may terrace si Chester ng bahay nila.
"Yes babes we're coming!", sagot naman ni Kris na kumaway pa sa direksyon ni Chester. "Halika na", aniya kay MJ.
"Mauna kana, puntahan mo na sina kuya (pause) susunod na lang ako", sagot ni MJ.
"Promise? Baka ano na naman ang gawin mo", ani Kris na may himig ng pag – aalalala.
"Promise ano kaba! Don't worry lilipas din ito", ani MJ na pilit ngumiti.
"Okay, basta sumunod ka agad at baka makahalata pa sina Chester", sagot ni Kris.
Kahit sila ng Kuya niya ay nanatili pa ring lihim ang lahat tungkol sa kanila ni David. Thanks to her bestfriend's loyalty.
"Yeah, I will", ani MJ.
"Don't worry bez, everything will be great – next time", anang pinisil pa ang kamay ni MJ.
Umalis na si Kris at naiwan pang nakaupo si MJ, she sighed sana nga Kris is right, that everything will be great next time...

BINABASA MO ANG
MAN of my DREAMS: Hello Stranger....
ChickLitMeynard is gone, MJ is alive - but she cannot accept it. She feel miserable about it, to the point she even committed ending her own life. Then here comes David --- the hot, gorgeous man that got her attention at first sight! Pero biglang...