Sunday morning, it is Sarah's birthday, kaya maagang nagising si MJ para magsimba at ibili ng cake at regalo si Sarah. Tinawagan siya ni Sarah two days ago para sa simple birthday celebration nito. Kaya nagpaalam siya sa mga magulang niya sa magiging lakad niya nagyong araw na ito. Gusto nga sana siyang ihatid ng Kuya Chester niya pero nagpumilit siyang mag – taxi nalang dahil dadaan pa siya sa mall para sa cake at sa regalo baka magtagal at mainip pa ang kuya niya.
Eleven o' clock pa lang ay nasa bahay na ni Sarah si MJ. Pinagbuksan siya ng mga kasambahay ni Sarah, naabutan niya ito na nag – aayos ng plato sa mesa, nakatalikod siya kaya hindi niya napansin ang ni MJ. Nakalugay an gang nalalagas na kulot nitong buhok, lalo na itong pumayat and this time nakaupo na siya sa wheel chair. Lumunok si MJ, paano ba siya magre – react sa sitwasyong nakikita niya ngayon? Naaawa siya kay Sarah..
"S – Sarah", mahinang tawag ni MJ
Lumingon agad si Sarah at masayang sinalubong si MJ, mukhang sanay na sanay sa gamit na wheel chair dahil ang bilis nitong nakalapit sa nakatayong si MJ.
"MJ! I'm glad you're here", anang Saran na masiglang nakangiti.
Masaya at masigla parin siya kahit na may pisikal na pagkakaiba na mula nang huling pumunta si MJ ditto. Pilit niyang itinago ang awa na nararamdaman. Birthday niya ngayon dapat masaya lang aniya sa sarili.
"Happy Birthday Sarah!" ani MJ na ngumiti at yinakap si Sarah
Niyakap din siya ni Sarah, mahigpit " Thank You MJ, this mean a lot to me", anang pinisil pa ang kamay ni MJ.
"Akala ko nga hindi ka makakapunta ngayon eh", ani Sarah na hinawakan ang wheel chair.
"Bakit naman? Heto nga at dinalhan pa kita ng cake", aniya pinakita ang cake at kumindat pa. "At eto pa oh! a simple gift for you", tinaas pa niya ang paper bag at iniabot kay Sarah
Nakangiting pinatong naman ito ni Sarah sa kanyang kandungan.
"Teka, ilagay ko lang tong cake sa mesa", ani MJ at naglakad sa dining at ipinatong nga ang cake.
Sumunod naman sa kanya si Sarah "MJ, pwede bang mag – overnight ka ditto mamaya?", tanong nito.
"Huh?, wala kasi akong damit, bat di mo sinabi nung tumawag ka para nakapagdala ako, tsaka hindi ako nakapagpaalam ---
"OH! Andito na pala si MJ", ani David na masigla ang boses na galing sa kusina.
Parehu silang napalingon, biglang nag-unahan ang kaba sa dibdib ni MJ, this is unexpected! David is here! Pinatong ni David ang dalang tray na may ulam at napaka casual ng damit, naka tshirt na V neck at naka short na pinatungan ng apron, at naka tsinelas pa ito. Halatang galing sa kusina at nagluto.
"Hi MJ! Buti at nakapunta ka, magtatampo n asana ako sayo", anang tinignan siya at kumindat pa sa kanya.
Wow! ang gwapo lalo! Parang ibang David ang nakikita niya ngayon. Animo'y parang walang nangyari sa kanila.
" Pwede ba yon? Hindi naman ako matitiis ni MJ", ani Sarah
"Oo nga ikaw pa?", ani naman ni David na masigla parin sa pagsasalita.
"Uy! Pinagdala ka pala ng cake ni MJ', ani David na nakatingin sa nakapatong an cake sa mesa. "Anong flavor nito MJ?, tinignan siya ni David.
Time to answer..eeerr
"B – Black forest", tipid at pilit na sagot ni MJ.
BINABASA MO ANG
MAN of my DREAMS: Hello Stranger....
ChickLitMeynard is gone, MJ is alive - but she cannot accept it. She feel miserable about it, to the point she even committed ending her own life. Then here comes David --- the hot, gorgeous man that got her attention at first sight! Pero biglang...