Walang pinagsabihan si MJ sa nangyari sa kanila ni David, maliban kay Kris, na galit na galit nung una niyang sabihin, halos umiyak pa silang pareho dahil ramdam ni Kris ang bigat ng nararamdaman ng kaibigan. Tingin niya ay hindi rin sinabi ni David sa Kuya Chester o sa mga magulang niya ang tungkol ditto – being in a conservative family, hindi sila papayag na ganun nalang iyon. Kung alam lang nila sigurado kinaladkad na sila sa simbahan upang ikasal sila. Hindi naman sa "wala lang" yun kay MJ, alam niya sa kanilang dalawa siya ang dehado dahil babae siya, but gaya ng sabi niya they are two consenting adults, pareho nilang ginusto iyon, regardless of their reasons.. Alam naman niya sa sarili na ang pagmamahal niya kay David ang nangibabaw kaya hinayaan niyang nangyari iyon.
"Hindi ka pa ba tinawag o tinext man lang ng lalaking iyon?", tanong ni Kris.
Umiling si MJ at tumingin sa mga taong nasa loob ng restaurant na katulad nila ay kumakain ng dinner.
"Mabuti na siguro ito bez", mahinang sabi ni MJ.
"Mabuti? Bez, naririnig mo ba ang sarili mo? Nakakalimutan mo ba kung anong ang nawala sa'yo?", tanong ni Kris.
"Bez, don't get me wrong, I know what I lost and I know kasalanan ko rin ang nangyari but as you've said nangyari na ang nangyari (sighed) Besided for me, eto na ang pinakamabuting solusyon para maayos ang lahat", ani MJ.
"That's ridiculous Bez!", ani Kris na umiling iling pa. "Paanong naging pinakamabuting solusyon yan eh ikaw itong nasaktan? Hindi ka man lang naalala ng lalaking iyon ganon?", dagdag pa nito.
Kibit – balikat si MJ, "Busy lang iyon Bez, you know he's busy with their company and taking care of S – Sarah", aniya na parang may kumurot sa puso niya. Pero pilit niyang itinago iyon. "Isa pa kung maalala naman niya na kulitin ako, ako naman ang mamumublema sa pag – iwas sa kanya, as I've said wala akong planong sabihin kina Mommy, lalo na kay Kuya ang tungkol dito", dagdag pa ni MJ.
"Hay naku Maria Catarina Jose Ybannez! Ikaw na nga ang bahala, isa pa wala naman ako magagawa kundi suportahan kita", ani Kris.
Na – touch naman si MJ sa sinabi ng matalik na kaibigan. Kahit ano pa ang maging desisyon niya, tama man o mali alam niyang hinding hindi siya huhusgahan ni Kris.
Pinagpatuloy lang nila ang pagkain at pagkukuwentuhan nila, pilit niyang nilibang ang sarili kahit sa isip ay naalala niya si Sarah. Gusto niyang tawagan ang dalaga pero naisip niya baka si David ang makasagot sa telepono. Paranoid na nga ata siya sa pag – iwas sa binata. Pero anong magagawa niya?
Hindi alam ni MJ kung anong mararamdaman niya habang palapit siya sa kabaong na nakalagay sa altar ng chapel. Sarah's coffin. Napalunok pa si MJ, parang kung anong may bumara sa lalamunan niya, napapaiyak na nga siya habang palapit pa sila lalo. Tinawagan siya ni Dr. Mendrez kaninang umaga and told her that Sarah passed away. May konting kirot ding maisip na ang doctor pa talaga ang tumawag at hindi man lang si David, she guess wala talagang balak kausapin siya ni David.
Sabagay hindi ba't yun naman ang gusto niya ang tuluyang hindi na magparamdam si David sa kanya?
Kasama niyang nagpunta sina Kuya Chester niya at si Kris na tuwang – tuwa in a sense dahil makaka iskor raw ito sa Kuya niya, may "crush" ang best friend niya sa kuya niya.
Nakita niya si David na nakaupo sa pinakaunang upuan ng chapel bleachers. Nakatingin nang deretso sa altar at nakasuot ng shades. (gaya niya), tahimik na nakatingin sa kabaong ni Sarah. Napalunok na naman si MJ, gusto na kasing tumulo ang luha niya pero pinipigilan niya.
BINABASA MO ANG
MAN of my DREAMS: Hello Stranger....
Chick-LitMeynard is gone, MJ is alive - but she cannot accept it. She feel miserable about it, to the point she even committed ending her own life. Then here comes David --- the hot, gorgeous man that got her attention at first sight! Pero biglang...