Chapter 5: Legality

30 4 1
                                    

A month has passed.

Hindi ko napansin na isang buwan na pala ang nakalipas dahil sa dami ng school works and activities na itinatambak sa amin. Being a senior is a pain in the ass. What more in college?

Just like what I've said, minamadali na kami ng mga teachers namin to submit our final requirements and take our final exams because we have so many things to do like practice ng graduation rites, taking graduation pictures at kung ano-ano pang mga kaartehan ng school na ito when it comes to graduation.

Why don't they just give us our diplomas? Tsk.

By the way, a month has passed and guess what? Simula nung pag-uusap namin sa library ay laging nakadikit na sa akin 'tong Timothy na ito or should I call him Timmy?

Last time kasi na nag-usap kami dahil manghihingi na naman siya ng papel sa akin during Entrepreneurship class ay tinawag ko siyang Timothy just like what I always call him at itong lalaki na 'to ay napasimangot bigla.

"Timothy pa rin tawag mo sa'kin? Ano ba 'yan. Akala ko ba friends na tayo?", nagtatampong sabi niya sabay halukipkip.

At kailan ko sinabi 'yun? Napatingin ako sa kanya.

"Sinong nagsabi na magkaibigan tayo?", walang emosyong sabi ko sa kanya sabay balik sa pagbabasa.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakangusong nakatingin sa akin si Timothy. Ewan ko ba pero I just find myself teasing him every time na pinipilit niyang magkaibigan na raw kami. Nakakatawa kasing tignan yung reaksiyon niya every time na tinatanggi ko. Parang batang inagawan mo ng candy.

"Grabe ka naman sa akin, Genesis Raine. Magkaibigan na tayo diba? Tawagin mo na akong Timmy pleaseee"

Bakit ba ang big deal sa kanyang tawagin ko siyang Timmy? Eh buong school naman Timmy na tawag sa kanya. Dadagdag pa ba ako?

"Ayaw ko."

"Bilis naaaaaaa. Hindi kita titigilan hangga't hindi mo akong tinatawag na Timmy sige", paghahamon niya sa akin sabay kuha sa upuan niya at itinabi sa akin.

Buti na lang wala si Mr. Fortez at pumunta sa faculty room kung hindi mapapagalitan talaga kami nito. Damay pa ako.

Hindi ko siya pinansin pero patuloy niya pa rin akong kinukulit. Nasaan na ba kasi si Mr. Fortez at ang tagal niya namang bumalik sa room? Tsk. Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin yung teacher namin. Medyo naririndi na ako sa lalaking 'to at kaunti na lang talaga ay masasapak ko na ang isang 'to pero wala ata sa bokabularyo niya ang salitang 'suko' at matapos ang ilang minutong pangungulit sa akin ay napapayag niya na ako.

Agad akong napaharap sa kanya at alam kong halata na sa mukha kong naiinis na ako pero halata rin namang wala siyang pakialam. "TI.MMY. Ano masaya ka na?" direktang sabi ko sa mukha niya at ang mokong ay parang tangang napangiti na ng tuluyan.

According kasi sa mokong na 'to, first step daw to have a better friendship daw ay ang maging casual sa isa't isa and calling him Timothy daw ay masyadong pormal.

Eh siya nga tawag sa akin Genesis Raine eh. Buong pangalan ko pa. Kulang na lang apelyido ko.

Tuwing naaalala ko pa rin yung araw na 'yon ay napapairap pa rin ako.

Pero I must admit, that Timmy is the closest person that I can call as a friend as of now.

***

Today is Wednesday.

I love this day kasi maaga uwian namin. Tatlong subjects lang yung meron kami today and I can't wait to go home.

As usual, lesson then after, activity o di kaya naman short quiz yung nangyayari every subject. Everything was going smoothly until our last subject.

The Audacious PillarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon