When the three of us entered the room, I was expecting na may instructor na sa harap but I saw no one.
I immediately sighed in relief pati na rin ang dalawa ko pang kasama. We all went to our chairs at agad na inayos ang mga sarili namin. I saw Victoria getting her pouch at agad na naglabas ng alcohol, wipes at kung ano-ano pa. Ridley on the other hand ay naglabas ng tissue para punasan ang pawis na namuo sa kanyang noo. He must be tired of all the running that he did. I forgot to give my thanks to him dahil siya ang nakapagpalabas sa amin sa simulation room na 'yun. I'll just talk to him later when I have time dahil kanina ay nagmamadali kaming lahat tumakbo papunta dito tapos wala pa naman pala yung professor namin.
I quickly got my bag and got my wipes para punasan ang madumi kong tuhod at braso. The mud from that room is now dry on my skin. Medyo mahirap alisin dahil nakakailang wipes na ako ay hindi pa rin natatanggal but after a while, napunasan ko naman lahat pero halos maubos na yung dala kong wipes. I just combed my hair using mg fingers because I do not bring comb in my bag. Ayaw ko namang humiram ng suklay kay Victoria dahil una, personal na gamit yun and secondly, I know that she will not let me—we are not yet on that level.
Inayos ko lang ang buhok ko and I don't know if may dumi ako sa mukha. I don't have a mirror so I just got my phone at tinignan ang sarili doon.
Mabuti naman at walang dumi. Tumayo ako para itapon sa basurahan nasa nasa likod ang mga maruruming wipes na ginamit ko at bumalik na rin sa upuan ko.
I just sat there at nagpahinga dahil napagod ako sa ginawa naming pagtakbo kanina. Mabuti na lang ay airconditioned ang buong classroom kaya hindi ako masyadong pinagpapawisan. I know that it is not healthy na matuyuan ng pawis pero bahala na. I have no choice.
While the three of us are trying to compose ourselves from all the running that happened, napatingin ako sa side ni Esteban.
It's been two hours when we went out but Esteban is still sleeping like a baby sa kanyang upuan. He's not moving at all. Hindi ba siya nangangalay sa posisyon niya?
He should've gone to his room to sleep properly. Hindi yung nagtitiis siya diyan sa puwesto niya. Pero ano bang pakialam ko? Tsk. Iniwas ko ang tingin na iginawad ko sa kanya and got my phone dahil wala akong magawa.
Wala pa ba yung instructor namin? It's been 30 minutes at wala pa siya. Nagmadali pa naman kaming umakyat. Tsk.
Wala bang rule dito na kapag wala pa yung instructor after ilang minutes ay automatic na wala nang klase? I just heard na ganoon daw kapag college na eh.
Hindi naman sa tinatamad akong mag-aral or pumasok but it should be fair, right? The students have grace period, yung iba nga wala pa eh so, the teachers should also have one so that walang teachers yung male-late like ngayon. Bigla ko namang naalala yung student handbook na kasamang binigay sa amin. I should read that later.
Well, bakit ko ba 'yun pinoproblema? Walang lang.
Maglalaro na nga lang ako sa phone ko.
Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang phone ko and after a while ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto ng classroom namin.
Tinago ko na yung phone ko sa bulsa ng coat ko at tinuon ang atensyon sa harap ko. On my peripheral vision, I saw movement on Esteban's side. Mukhang nagising na from his long and sweet nap.
***
The class ended pretty well. Pagkatapos magpaalam ng huling instructor for the day namin ay agad na akong nagligpit ng gamit pati na rin ang mga kasama ko. Medyo maaga pa naman kaya dadaan muna ako sa cafeteria to grab some snacks or maybe some heavy foods dahil nagugutom na talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Audacious Pillars
Science FictionWhat if you can be more than can you expect? This story lies in the story of eight teenagers looking for a quest. A quest that will question the integrity and strength of one's relationship. A quest that will answer the buried and forgotten.