Chapter 9: The Departure

15 2 0
                                    

We're finally back in Manila. The long journey was tiring but worth it.

Pagdating namin sa bahay ay agad inasikaso nila Mr. Gomez at nung mga kasama naming househelps yung mga luggages at mga pasalubong na dala namin.

Pinahatid ko na lang kay Mr. Gomez yung gamit ko sa kwarto at kinuha na rin yung regalo ko for Timmy. I don't know kung kalian kami magkikita. I'll just contact him siguro mamaya.

Pagkabukas ko ng room ko ay agad akong pahigang tumalon sa higaan ko.

There's really no place like home. Although maganda naman yung accommodation namin from our trip, iba pa rin talaga kapag nasa bahay ka.

It feels like naramdaman ko lahat bigla ng pagod at antok ko that's why I decided to clean myself up para makapagpahinga na rin.

I decided to unpack my luggage na rin para wala akong iintindihin mamaya.

Tinanggal ko yung mga gamit ko from my luggage. I put my used clothes in the laundry basket and the clothes na hindi ko naman nagamit ay muli kong binalik sa closet ko. Papakuha ko na lang siguro mamaya yung laundry basket ko para maibaba na.

After that, nahiga na ako sa kama ko at napapikit.

Makakatulog na sana ako when someone knocked on the door. Agad akong tumayo at pinagbuksan ito. It was Senior Hilda.

"Good afternoon, Lady Genesis.", bati niya pagkabukas ko ng pinto.

"Good afternoon din po, Senior Hilda. Ano pong kailangan niyo?", magalang kong sabi sa kanya.

She's not simply the majordomo of our house. I treat her as my second grandmother na rin kasi sa tagal niya dito. We treat her as someone important part of the family. She has no family or relatives dahil sabi sa akin ni Daddy ulila na raw si Senior Hilda noong nanilbihan siya kanila Lolo't Lolo at hindi niya na hinanap pa yung mga natitira niyang pamilya. Buong buhay niya ay pinagsilbihan niya na yung pamilya namin and decided na hindi na mag-asawa at mag-anak.

I'm fond of her dahil siya rin ang nag-alaga sa akin nung bata pa ako pati na rin kay Kuya.

"May dumating nga pala na sulat para sayo.", sabay abot niya sa akin nito. "Dumating lang noong nakaraang araw", dagdag pa niya.

"Unang beses pa lang na may nagpadala ng sulat sayo ha. May boyfriend ka na ba, iha?", tanong niya na ikinagulat ko.

"A-ano po? Wala po ha!", todo tanggi ko dahil wala naman talaga.

She teasingly smiled at me.

"Oh, siya sige, mauna na ako at ibibigay ko pa 'tong mga sulat na ito kanila Prescilla at George."

Nagmamadaling kinuha ko na yung sulat at nagpasalamat sa kanya.

"Thank you po Senior Hilda.", ngumiti ako sa kanya bago siya umalis.

Ngunit bago pa man siya makalayo sa kuwarto ko ay may pahabol pa siyang sinabi na tila sinasabi niya para sa sarili niya ngunit narinig ko naman.

"Dalaga na talaga ang alaga ko.", mahina niyang sabi at natawa ng bahagya.

Napailing na lang ako at natawa kay Senior Hilda.

Nang tuluyan na siyang mawala in the line of my sight ay sinarado ko na yung pinto and when to my study table to read kung anong laman 'nun.

Senior Hilda manages all the letters na dumarating dito sa bahay. Since Senior Hilda can't do the household chores anymore, lahat ng letters na dumarating sa bahay ay siya yung nagma-manage. May it be bills, company letters, personal letters or even threats at kung ano-ano pa ay sa kanya dumadaan at siya rin ang nag-aabot sa amin.

The Audacious PillarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon