Pumasok na ako and I heard ang sunod sunod na pag-beep sa entrance. They're all now entering. Isa-isa naman na silang nagsipasukan at hinanap na ang kani-kanilang mga kuwarto. Hindi ko na sila nilingon at agad ko ng hinanap kung nasaan yung room ko.
Hinanap ko kung nasaan yung assigned sa akin and it is located sa kuwarto na nasa pangalawa sa dulo. Mabuti na lang at nasa bandang dulo ito.
Velez, Genesis Raine
PT-002-20
'Yan ang nakalagay sa room detail na nakalagay sa gilid na pader ng pintuan. My name's written on it and the code na kapareho nung nasa ID na binigay sa amin. I used my card para makapasok. Pinasok ko iyon sa isang electronic door lock at bumukas na ito.
Bago pa man ako makapasok ay narinig ko ang manghang sigaw ni Timmy. Napailing na lang ako at pumasok na. Ang bata talaga ng isang 'yun.
Pagkapasok ay bumukas na ang mga ilaw and I heard the sound of the aircon. Tumambad sa akin ang isang malawak at malinis na kuwarto.
I saw my luggage and duffel bag na nasa gilid naman na ng higaan ko.
Inilapag ko yung card ko sa study table na nasa tapat ng higaan ko. The room look so neat dahil naglalaro lang sa color white, gray and black ang mga gamit dito pero mostly ay white. The bed is a queen-sized bed na may puting bed sheets at unan. The comforter is in color gray.
Sa mataas na ulunan na bahagi ng higaan ay may maliit na black cabinet na pwedeng paglagyan ng mga maliliit na bagay. Sa gilid na kanan na bahagi ng higaan ay may malaking bintana na gawa sa glass kung kaya't makikita mo ang kabuuan ng nasa labas. It has a big and thick gray curtain. Meron ding parang maliit na platform sa tabi ng bintana na nagkokonekta sa higaan na maaring pagtambayan at upuan.
I must say that it is a good reading spot.
Sa tapat at kaliwang bahagi ng higaan ay nandoon naman ang study table. May mga librong nakapatong na doon. It must be the learning materials na kakailanganin namin. May study lamp din doon.
Sa tabi nito ay ang isang maliit na book shelf na may cabinet na pwedeng pagpatungan ng mga gamit.
Nag-ikot-ikot pa ako to find the bathroom when I saw another door. Pumasok ako doon and saw the bathroom. Sa gilid nito ay ang walk-in closet.
The bathroom has a bathtub and a shower room. Meron ding lababo kung nasaan ang mga toiletries and medicine cabinet. Sa tapat naman nito ay isa pang pintuan papasok ng walk-in closet.
Pagkapasok ko dito ay tumambad sa akin ang uniforms, towels at mga sapatos.
The uniform is consisting of a pleated red skirt, white long sleeves, navy blue coat with red lining and a red bow. I have five complete set of uniform hanging in my cabinet. Katabi naman nito ay limang set rin ng navy color jumpsuit na nakita kong suot ng mga estudyante kanina. Must be the uniform for trainings.
May mga varsity jacket din dito with the logo of The Pivotal System. May mga nakatuping sa tingin ko ay pambahay ang mga ito. It's like the outfit you use in the saunas at kulay gray ang mga ito.
Sa shoe rack naman ay may black shoes and a black lace up boots.
Sa dulo ng walk-in closet ay isang malaking salamin. May table na may cabinet din dito kung saan nakalagay yung mga accessories like, bow, belts pati na rin socks.
Lumabas na ako doon pagkatapos ko itong malibot.
There's a small refrigerator din pala dito and it has a centralized aircon.
It exceeded my expectation. Maganda ang lugar na ito para sa isang dormitory at mukhang hindi ako mag-wo-worry sa ingay dahil mukhang sound proof ang kwartong ito.
BINABASA MO ANG
The Audacious Pillars
Ciencia FicciónWhat if you can be more than can you expect? This story lies in the story of eight teenagers looking for a quest. A quest that will question the integrity and strength of one's relationship. A quest that will answer the buried and forgotten.