Chapter 15: Confusion

13 1 0
                                    

"Good afternoon, Mr. Carson.", magalang na pagbati ni Millie dito at tila pagpapahiwatig niya ang presensya namin dito. Nakapuwesto kami mula sa malayong bahagi kung nasaan siya nakatayo.

The room looks so neat. It has this classic office vibes. May malaking table sa likod niya kung saan siya nakatayo at may itim itong malaki na swivel chair. Sa table niya ay mga folders na naglalaman ng mga napakakapal na mga papel ngunit gayunpaman, nananatili itong organized. There's a frame and lamp din sa table niya.

Sa gitna ay may mababang table na napapaligiran ng kulay maroon na leather sofa. The walls are made up of series of books shelves na punong-puno ng mga libro. May grandfather's clock naman sa kanyang gilid.

Tinignan ko ito at alas-dose na ng tanghali at isang bagay lang ang nasa isip ko—ang kumain. Wala pa akong breakfast at tanging kape pa lang ang naiinom ko. Hindi ko alam sa mga kasama kung nagugutom na ba sila but, I am.

Bakit ba kasi ako nagbagal ng kilos? Tsk. Hindi tuloy ako nakakain katulad ng balak ko. Hindi pa naman ko nakakain ng maayos kagabi dahil sa nangyari between Clioe and Victoria. Great.

Sa likod ng kanyang office table ay isang malaking salamin kung saan matatanaw mo ang halos kabuuan ng lugar na ito.

His office has this classic vibe dahil sa mga gamit na naririto. It's like my Dad's library and working space. Ang kaibahan lang ay mas pormal itong tignan.

Dahil ako ang huling pumasok, I'm the one who closed it.

Hindi namin maaninag ang kanyang mukha dahil masyadong maliwanag sa kanyang kinatatayuan kumpara lugar na kung nasaan kami but I can see from his built na siya ay matangkad according to his silhouette. Mukhang may katandaan na rin ngunit malaki ang kanyang pangangatawan.

He turned to us when he heard Millie speak. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya pero mahahalata mong nakangiti ito at mukhang masaya na naririto kami ngayon.

He looks kind but dangerous.

Lumapit siya sa amin hanggang sa makita ko ang mukha niya.

He's wearing a dark blue tuxedo paired with shiny black shoes. May relo din siyang suot. Mukhang kasing edad lang din siya nila Mr. Arrevalo. He looks clean and neat katulad ng pagkakaayos ng lugar na ito. As expected from the head director of The Pivotal System.

He's smiling but I can also see the authority that he's radiating. Bahagyang yumuko si Millie bilang pagbibigay galang. We don't know how to react but I saw on my peripheral vision that Timmy, Clioe, Ridley,Victoria, Odin and Dinvar followed what Millie did. Kaming dalawa lang ni Esteban ang hindi.

I was actually intimidated and I don't know how to react. For the first time in my life, I felt so small.

It's not that he looks scary. He actually looks good for someone in his age. It's just that I get this uncomfortable feeling towards him.

Mr. Carson just tapped her shoulders.

Iniangat naman ni Millie yung ulo niya matapos tapikin sa braso ni Mr. Carson.

They seem closed ngunit makikita mo pa rin ang boundary sa way ng pagbati at paggalang sa kanya ni Millie.

"Mr. Carson, naririto na po sila. They are finally complete.", Millie said na tila nagrereport kay Mr. Carson. Tinuro pa kami ni Millie sabay step aside para magbigay daan kay Mr. Carson.

Mr. Carson nodded at isa-isa kaming tinignan. He somehow looked happy and satisfied by what he's seeing right now. I can also see a hint of fascination in his eyes.

He walked towards us.

Isa-isa niya kaming nilapitan. Dahil nasa unahan si Timmy, siya ang unang kinamayan ni Mr. Carson while smiling towards him. Timmy said his name kaya naman nagsunuran na ang iba pang sumunod sa kanya. Tsk.

The Audacious PillarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon