Chapter 4

8.8K 267 5
                                    

Quote Of The Day

Love Yourself to
Keep your Heart safe.

"I'm so happy for you bff." Bati ko kay Angelique kakatapos lang nang kasal nila ni Sean.

Kahit hindi ko tanungin nakikita ko kung gaano kasaya si Angelique sa mga oras na to, Siguro mahal na nga talaga niya ang asawa niya.

Well she should be Ang tagal naman na din kasing torpe niyang si Sean kahit na Ilang beses palang nilang nakita ni Ashy si Sean kompirmasong mahal na mahal Nito ang kaibigan nila.

He even hired them para lang maging kaibigan ni Angelique dahil sobrng aloof nito sa ibang tao, well not technically him dahil si skyler ang nakausap nila back then, nasa ibang bansa kasi non si Sean. Ang pagpapanggap ay nauwi sa totohanan Noong una aminado akong para lang sa pera kaya ako sumasama sa kanila.

But that Girl has her ways kaya makukuha mo agad na mabait at mapagkakatiwalaan siyang tao.
In just a span of time mas naging mas close pa kami ni Angelique kaysa samin ni Ashy.

"Thank you bff." Nakangiting sabi niya.

"Hi Honey, and Akira." Bati ni Sean na sumulpot sa likod ng asawa niya. Tinanguan ko naman siya bilang pagbati pabalik.

"Can I have this Dance Mrs. Montreal?" Tanong niya kay Angelique mula sa pagkakayakap niya sa likod nito.

Nakangiti namang tumango si Angelique kahit hindi nakikita ni Sean.

"Hiramin ko muna asawa ko akira." Baling ni Sean sakin.

"Sige Umalis na kayo at na-aalibadbaran ako sa sweetness niyo." Natatawang sabi ko.

"Single kasi yan kaya ganyan." Rinig kong sabi ni Ashy sa tabi ko.

Umalis na sila Sean sa Harap ko nang kutusan ko si Ashy.

"Aray!" Nakasimangot na sabi niya.

Kahit kaibigan ko sila Hindi nila alam ang estado nang lovelife ko i prefer it hidden Dahil ayokong madamay sila sa gulo ko kung sakali.

"Ano bang problema mo at nakasimangot ka nanaman?" Tanong ko sakanya dahil salubong nanaman ang kilay niya.

"May nakita akong demonyo tss." Naiinis na sabi niya.

"Demonyo?" Takang tanong ko.

"Yung Demonyo na Kapatid ni Satanas na bwisit." Magtatanong pa sana ako nang may lumapit samin na lalaki.

"Ashy—"

"Wag mo na ituloy Wala akong pakealam sayo, Tapos na tayo." Sabi ni Ashy saka Nagpatiunang Tumayo at Lumabas ng Venue.

Sa pagkakatanda ko Ito yung Ex ni ashy na bigla nalang daw nawala na parang bula.

Or not, I was with ashy when She Breaks down nung nakainom siya it's her first time drinking liquor that time at Wala sa Mga sinabi niya ang nagpapatunay na nawala lang ang lalaki. It's something deep I know.

"Ano pang ginagawa mo jan?" Nakataas ang isang kilay na sabi ko gulat naman siyang napatingin sakin.

"Grabe yung gulat ah, Sundan mo na dali!" Naiinis na sabi ko bumuntong hininga muna siya bago tuluyang sinundan si Ashy.

He actually change mas lalaking lalaki na ngayon ang ex ni ashy mas gwapo na at matipuno sabagay College palang pala kami nung naging sila.

It's been six years hindi pa sila maka move on tss.

Busy ako sa kung ano-anong iniisip ko nang May umupo sa tabi ko at nilapag ang plato niya sa table.

Nang tignan ko ang lalaki bumungad sakin Ang Dalawang pares ng kulay asul na mata.

BTD Series 2 : Catching That Stubborn Princess (Completed)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon