Bata palang ako nasanay na ako na tuwing paparating ang winter ay nangangarap ako na sana tulad ng mga palabas sa telebisyon at tulad ng love story ng mga magulang ko ay balang araw matatagpuan ko rin ang taong bubuo sa at kukumpleto ng buhay ko at sasamahan ako hanggang sa ako ay tumanda.
Bata pa ako kaya palaging sinasabi sa akin ng mga magulang ko na sa tamang panahon na lang muna ako mag hahanap ng prince charming ko kapag tapos na ako ng pag aaral at successful na ako sa buhay.
Apat kami mag kakapatid at nag iisang babae lang ako kaya kung ituring ng mga kuya ko ay isang prinsessa.naiintindihan ko naman kung bakit over protective sila sa akin.
Pero may isang taong gumulo ng payapa at kong buhay.