KABANATA 16

40 2 0
                                    

"Ally"

"Ally!" Napakurapkurap ang aking mata.

"A-Ano?" I stuttered.

"Ang assignment mo?" Naiirita niyang sabi. Isa sa mga kaklase ko.

Hinalughog ko naman ang bag ko. Napaangat ako ng tingin at nakitang nakatingin sila lahat sa akin. Inabot ko sa kanya ang notebook ko. Iling niyang kinuha iyon. Nahihiya akong umupo ng tuwid. Mabuti nalang at na dismiss agad ang klase.

"Kanina ka pa tulala dyan ah." Nakasalubong ko si Kaye sa labas.

Ngumiti ako ng tipid. "May iniisip lang."

Tumango siya at lumagpas na sa akin. May klase pa yun eh. I checked my watch and it's lunch time already. Uuwi ako sa bahay since tatlong oras pa ang break ko for the next subject. Napadaan ako bulletin board kung saan maraming estudyante ang nang uusisa.

"Wala na naman tayo klase mamaya?" Rinig kong sabi ng isa sa kanila.

"Wala eh. Mukhang nandito na naman ang bisita ng school. Pupunta rin daw si Mayor mamaya. May malaking kompanya na gustong magdonate."

Hindi na ako nakinig pa at lumagpas na sa kanila. Smile was plastered on my face. Wala kaming class for the afternoon. Hindi pa ako nakakalabas ng gate ng may humila sa kamay ko. Nakataas na kilay ni Hani ang sumalubong sakin. Tsk. I thought its already done? What it is now?

"What?" I sighed.

She gave me a piercing look. "Lumayo ka sa boyfriend ko."

Napapikit ako ng mariin. "I don't need your words, I'll do it kahit hindi mo sabihin." She smirked.

"Siguraduhin mo lang." She whispered bago ako lampasan.

Muntik pa akong matumba when she bumped her shoulder on mine. Mabuti nalang at may kamay na nakahawak sa likuran ko.

"Thank you."

"Welcome." He said with cold voice.

Umiwas na ako at naglakad sa dapat kong puntahan. I went home and still... Bat's word lingers on my mind. I'm still doubt him but... There's a part in my mind keeps telling me there is a possibility. Plus the fact that I still haven't talk with Paul for days already. His word ravished my mind and here I am slightly, slightly doubting Paul already.

"Hindi ka pa matutulog?" Napatingin ako kay Aling .

Umiling ako bilang sagot. Tumango siya at di na nag abala pa. I was left looking at the window. Hindi maalis alis ang mga katanungan sa isip ko. Napatayo ako ng lumabas si aling Rosa. Napataas ang kilay niya ng makita akong papalapit aa kanya.

"May kailangan ka?" Taas kilay niyang tanong.

I held my breath for a while. Naglakas loob akong magtanong.

"Galing po kayo sa bayan? Kela mayor?" May pag aalinlangan sa huli kong tanong.

Mabagal siyang tumango na tila prinoprosesa sa isip ang aking tanong.

"Kung tungkol kay Bat yan wala kang makukuhang sagot sakin."

Napatanga ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon ba tingin niya may gusto parin ako dun? He is my bestfriend! BESTFRIEND!

I tried to smile. Hindi ko na siya icorrect dahil hindi ko na yun problema.

"Kay Paul po sana." Mahina kong saad. Nagdadalawang isip pa.

Hindi nakawala sa mata ko ang pagkinang ng kanyang mata. Lihim akong napaismid. Matanda na siya pero Ally! Babae parin yan.

"Hindi ko na nakikita yun dun eh. Umalis na yata." Aniya na tila nag iisip.

The Islander(Royalty Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon