KABANATA 12

56 0 0
                                    

Ilang araw na naging isang linggo. I was thankful na kahit alam kong sa sarili ko that I was unconsciously waiting for him. Atleast I kept it to myself. Hindi ko narin hinayaan diktahan ng kung anong emosyon ang mga dapat kong gawin. Mga importanteng bagay na dapat kung unahin.

Masaya akong gumagamit ng cellphone ko dito sa sala. I was watching some ramdom memes and of course hindi mawawala ang pag research ko ng iba't ibang design na pwede kong makunan ng ideas sa mga gawa ko.

Napabuntong hininga ako ng may madaanan na isang picture ang mga mata ko. I smiled painfully. Mga bagong graduates sa pagdodoctor. Pilit kong winawaglit ang konting alaala na kumudlit sa isip ko.

I shouldn't entertain it. I'm all over about it. Hindi ko na dapat isipin yun. I have no reason to think of it afterall. I turned off my phone. Pumasok ako sa kwarto at ininom ang dalawa kong gamot. The first one is for my lost memory. The second is for I don't know. And I don't intend to know.

Hindi ko namalayan ang pagkaidlip sa sala. Ilang oras yata ako didto hanggang sa maalimpungatan ako. Pakiramdam ko kasi may nakatitig sakin. Hindi nga ako nagkamali ng may maitang bulto ng taong nakaupo sa unahan ko.

Napasinghap ako sa gulat. Bilog ang mga mata pati narin ang bibig ko sa gulat. Gulat na nakatitig sa lalaking swabe lang na nakaupo sa harapan ko. Mas lalo akong napasinghap ng makita ang mukha ng lalaking halos isang linggo ko ring hindi nakita.

Biglang sumiklab ang inis sa aking sistema.

"Anong ginagawa mo dito?!" tapang kong singhal sa kanya.

Mas lalo akong nainis ng tumaas lang ang kilay niya sa inasta ko.

"Paano ka nakapasok?" Taka kong tanong. May halong inis at kaba ang aking boses.

Pero syempre, chill lang huwag pahalata. I want to to open my chest. Ilabas ang puso ko at bugbugin. How can you beat so fast kung galit ka?! Please naman heart... Huwag kang marupok! Nakakainis ka! Ikaw mismo ang naglalagay sa sarili mo sa  kapahamakan.

Natahimik ako ng makita siyang nakatitig lang sakin. Amusement visible in his eyes. The side of his lips tugged upward. Napatulala ako dahil don. Kahit naiinis ako sa kanya. He can tame in any seconds.

Nataranta ako ng tumayo siya.

"A-Anong ginagawa mo?"Shit. Bakit pa ako nautal? Weak mo talaga Ally!

He smirk. Tangina! Ilang araw kang di magpapakita tapos pakikitaan mo ako ng tanginang smirk smirk mo! Mabilis akong tumayo at iniharang ang isang unan sa pagitan namin.

"Shit ka! Anong ginagawa mo?!" I shrieked.

Lumakas ang tahip ng puso ko. Nagrarambol ang mga paru paru sa tyan ko. Lahat na insekto na pwedeng mong mapangalanan nagpaparty na sa tyan ko. No Ally! Dapat naiinis ka sa kanya. Huwag kang kiligin.

"Lumayo ka!!!" Sumigaw na ako at pinaghahampas siya.

Tumawa lang siya at walang kahirap hirap na sinangga ang mga hampas ko. Nang makitang wala talagang effect sa kanya. Isang malakas na hampas sa kanya bago ako kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko.

Malapit nalang! Dalawa... Isa... Pipihit ko na ang doorknob ng bigla niya akong niyakap galing sa likod.

"Stay." bulong niya.

Natahimik ako. Bakit ganito? Bakit sinusunod ko siya? Ako ang may ari ng katawan ko. Pero ang puso ko? Ako pa nga ba?

"Stay still." I felt his hot breathe near my neck.

Ang inis ko'y biglang naglaho. Nihindi ko mahagilap kung nasaan na ito. I've been doubting myself kung nainis nga ba ako sa kanya. I lookef at him over my shoulder. Hindi ko makita ang buong mukha niya. Pero sapat na ang paghigpit ng hawak niya sakin para makalma ang himahataw kong sistema.

The Islander(Royalty Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon