KABANATA 34

37 0 1
                                    

"Traitor..." I whispered ng mapadaan sa tabi ko si Third.

Hindi ko talaga maintindihan kung paanong naging magkakilala ang dalawang to.

Kailan pa?

Umiwas siya ng tingin at sumipol sipol sa tabi ni Shine. Mariin akong pumikit at pasimpleng bumuntong hininga. Napamulat ako at biglang napaatras ng makitang nasa harap ko ang mukha ni Paul.

"What the hell!" Bigla kong mura dahil sa gulat.

Napatingin ako sa paligid kung nakita ba nila ang nangyari.

Tinakpan niya ang bibig. Ramdam ko ang kamay niya sa aking labi. He's rough palm...

Nakakunot ang kanyang nuo at tinitigan ako ng mariin. I froze at my spot. Ramdam ko pagkakadikit nang balat namin. Hindi mahigpit ang hawak niya. I can feel the tenderness of his touch.

He moved a little closer.

Hindi ako makahinga sa lapit naming dalawa.

"Hindi ka naman pala mura noon. Sadyang mataray ka lang talaga. Did you evolve here..." Bulong niya upang kami lang ang makarinig.

Mataray?!

Hindi kaya ako mataray noon!

Namilog ang mga mata ko at mabilis na inalis ang kamay niya.

"You!" Naningkit ang mga mata ko.

"How did you bribe him?" Bulong ko sa kanya.

Sobrang lapit ng mukha naming dalawa dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. I'm afraid he would hear it kaya umatras ako palayo.

Mas lalo siyang lumapit kaya umatras ako lalo. Nahigit ko ang aking hininga ng hawakan ng isang kamay niya ang likuran ng ulo ko.

"Huwag kang masyadong lumayo. Mas lalo akong lalapit sayo. Nakakabaliw...you're attracting me very bad... " Bulong niya na kinalaki ng mga mata ko.

"How could you flirt to me when you already have a w—"

"Ehem." Tikhim ni Third.

Napaayos kaming dalawa ng upo. Mabuti nalang ang bumalik siya sa upuan niya.

Napalingon ako sa kinaroroonan nina Shine.

Napanganga ako ng makita ang nanlilisik na mga mata ni Shine sa akin.

"Sinong marupok?" She mouthed.

Ako? No way...

Napamura ako sa isip ko. She misunderstood us!

"Uso ang distancing... Ang lapit niyo naman. Baka bigla niyong kainin ang isa't isa ha..." Pagpaparinig ni Third.

Punong puno ng malisya ang tinig niya.

Tinignan ko siya ng matalim kaya na tahimik siya. But his eyes are still teasing me. Punong puno ng kakulitan ang kanyang mga mata.

"Pag di ka tumigil sisiguraduhin kong hahanap ka nang eye donor bukas." Pikon kong sabi.

Tumikhim si Paul.

Napatingin ako sa kanya na nakatingin na pala sa akin. Nagulat ako ng makita ang pagsimangot niya. He's cute.

"Don't look at him." Seryuso niyang sabi.

"What?" Nabingi ako sa sinabi niya. No—sa tono niya. He sound  like a jealous boyfriend!

"Ang sabi ko huwag m—"

"Kumain na tayo." Singit ni Shine.

The whole place is so quiet. Tanging tunog ng mga kubyertos lang ang maririnig. Ramdam ko ang pamamatyag ni Third sa paligid at ang kagustuhan niyang magsalita pero pinipigilan siya ng matatalim na mga mata ni Shine.

The Islander(Royalty Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon