KABANATA 2

141 4 0
                                    

Kabanata 2

Deretcho lang akong nakatingin sa labas ng gate na kunwaring hinihintay si nanny. Nakaugalian narin kasi na siya ang laging sasalubong sa akin matapos ang napakahabang oras ng pag-aaral.

Ramdam ko ang mapanuring tingin sa akin ni Danica. Hindi parin siguro kumbinsido sa aking sinabi kanina. Nang hindi na ako makatiis ay napabuntong hininga ako at hinirap siya.

I smile."Ayos na nga ako, cheer up."

Ngumiti siya. Na alam ko ding pilit.

"Pwede bang magtanong?"tanong niya habang nakatingin sa labas ng gate.

"Nagtatanong ka na nga."
bumangisngis ako na agad ding naglaho dahil wala talaga siyang trip na sakyan ang pagiging may topak ko ngayon.

Napasimangot siya sabay titig sa akin ng matalim."Kahit maglumpasay ka pa sa sahig kakatawa hindi mo mabibilog ang ulo ko."

Napayuko nalang ako. Kahit anong pigil at tago ko kilala na ako ng babaeng to. I won't call her my friend if she don't know me enough. Enough as in my feelings and emotion. Gamay niya na ang bawat kilos ko, ang bawat pagsisinungaling ko at ang bawat kamalian ko.

"Gusto kong malaman kung pwede ba akong magtanong dahil may kokompermahin lang ako—"

Hindi ko na siya pinatapos. Alam ko na rin naman ang tanong niya. Wala akong maililihim sa kanya. Alam kong kanina pa kating-kati ang dila niya pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon dahil sa mga nangyari kanina.

"Alam ko naman na kumalat na sainyo ang eskandalo sa bahay."umpisa ko.

"bakit ka ba kasi lumabas? Alam mo naman na hindi pwede, diba?"takang tanong niya.

Nagtaka siguro siya since ngayon lang naman talaga ako lumabas ng bahay na ginusto ko. Hindi kahapon ang unang pagkakataon na napagalitan ako ni mommy sa paglabas pero iba ngayon e, ibang iba. Ginusto ko kahit alam kong mapapagalitan ako.

"Bago ako lumabas kahapon."I choked, trying to invade the lump on my throat."I-i..."Hindi ko na natapos at unti-unti ng gumagaral-gal ang boses ko.

"Hindi ito ang unang pagkakataon na nag breakdown ka sa harapan ko pero ito ang unang pagkakataon na nakikita kong sumusuko ang mga mata ko."aniya habang patuloy sa paghagod sa likod ko.

She's right! Pero paano? Iba na ang noon sa ngayon! Kung noon palaban ako kahit mag breakdown pa ako. Alam ko na may bukas pa at may pag-asa pang magbago ang lahat pero ngayon???

Wala nang pag-asa!

"I've visited a doctor yesterday." sumulyap ako sa kanya para makita ang kanyang reaksyon.

Namimilog ang mga mata at nakaawang ang kanyang labi. Nasisilayan ko na rin ang pagkislap ng mga luhang nagbabadyang mahulog sa kanyang mga mata.

Napangiti ako. At least alam kong may nagmamahal parin naman sa akin. May nagmamalasakit pa.

"Please tell me its a good news..." her lips started to tremble.

Pinakalma ko ang sarili ko bago ngumiti at humarap sa kanya. Kung kanina'y ako ang tumatangis ngayon ay nag-iba na. Sa harap ko ngayon ang aking kaibagang tunay na naghihintay ng magandang balita habang lumuluha.

I shook my head while smiling.

"The doctor confirmed it."I stopped to breathe."Tulad ni mom, may sakit din ako sa puso."

"No!please tell me you're joking."
hindi na siya nagpaawat pa. Tumayo siya sa aking harapan at niyugyog ang aking balikat na tila kahibangan ang aking mga sinasabi.

The Islander(Royalty Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon