Prologue
"Daddy i want that po!" Tinuro ng batang si Kaileigh ang kanyang hintuturo sa isang malaking pink na teddy bear sa labas ng isang shop na punong - puno ng mga nagkukyutang mga teddy bear.
Napatingin naman sa kanya si Jonathan Vallera, ang kanyang ama. "But baby. Madami ka nang teddy bear sa kwarto mo." Wika nito.
Naiiyak namang tumingin sa kanyang ama si Kaileigh. Halatang nagpapaawa ito at konti na lang ay tutulo na ang mga luha sa kanyang mata. "But Daddy i want that! I want that! I want that!" Dahil sa lakas ng sigaw ng bata ay napapatingin sa kanila ang mga tao na nagdadaanan.
"Ssh tumigil ka na nga Kaileigh! Nakakahiya ka talaga!" Mahigpit syang hinawakan ng kanyang ina na si Erin bago pinalo.
Hinila naman si Kaileigh ng kanyang ama papalapit sa kanya dahilan upang mapabitaw sya sa kanyang ina. "Ikaw nga ang tumigil Erin. Pati bata sinasaktan mo."
"Hindi ko sya sinasaktan Jonathan! Ang sabihin mo lang iniispoiled mo kasi yang batang yan kaya ayan, nagiging walang kwenta!" Naglabas ng sigarilyo si Erin at sinindihan ito. Pagkatapos ay binuga ang usok nito papunta sa pwesto ni Kaileigh.
"Erin!"
"Ano ba! Ang ingay - ingay mo."
"Kung alam ko lang na ganyan ang ugali mo , sana hindi na lang kita pinakasalan!"
"Akala mo ikaw lang ang nagsisisi ha?! Sana pala sumama na lang ako makipagtanan kay Drake! Yayaman pako!"
Napalunok naman ang batang si Kaileigh at nilibot ang paningin sa buong paligid. Pinagtitinginan na sila ngayon ng mga tao mas lalo na't nagaaway ang kanyang mga magulang sa gitna pa ng daan.
Maya - maya'y may nahagip syang pamilyar na pigura ng lalake at kasama nitong batang lalake. "Tito Drake!" Sigaw nito at napatigil sa pagaaway ang kanyang mga magulang at natuon ang pansin sa lalakeng papunta na ngayon sa kanilang direksyon.
"Ah Drake." Agad na lumapit ang kanyang ina sa kanyang Tito Drake at niyakap ito.
Natuon naman ang pansin ni Kaileigh sa batang lalake na kasama ng Tito Drake nya. Sakto ding nakatingin din ito sa kanya.
"Hey Drake." Nakipagkamay ang kanyang ama kay Drake pero pansin ang pagsama ng kanyang mga tingin ng makitang nakalingkis pa din si Erin kay Drake.
"Hey Jonathan." Tawag nito. "May problema ba? Narinig ko kayong nagsigawan habang padaan kami nitong pamangkin ko." Turo nito sa batang lalake na kasama nya.
"Ah wala lang Drake." Malagkit ang mga tingin na wika ni Erin. "Nga pala, sino tong pamangkin mo nato? "
"Aah sya si Zeiron. Anak sya ni Kuya Giovanni."
Nakatingin pa sin si Kaileigh sa kanya at ganun din si Zeiron. Inaalala ng batang si Kaileigh ang pigura ng batang si Zeiron.
"Gusto mo coffee tayo, Rin?"
"Sure! Ikaw pa ba. Malakas ka saakin eh."
"Eh ikaw Jonathan? Gusto mo sumama? Sama mo na din si Kaileigh."
"Ah busy sya ngayon Drake eh. Papauwi na din sila ni Kaileigh. Tayo na lang kasama ng pamangkin mo."
"Oh okay. Bye Jonathan! Bye Kaileigh!"
Tumalikod na ang batang si Zeiron at ganun din ang Tito Drake nya, kasama ang nakalingkis pa din sa braso nya na kanyang ina.
Tiningnan nya ang kanyang ama. Walang emosyon lang itong nakatingin sa papalayong pigura ng tatlo.
****
Nagising si Kaileigh ng may marinig syang sigawan mula sa sala nila. Today is her 14th birthday at nakakaramdam sya ng excitement. Inaantok syang lumabas ng kwarto nya at pababa na sana papuntang sala ng marinig nya ng tuluyan ang sigawan na yun.
"Bakit ba palagi ka na lang ganyan Erin?! Pati ang anak nating si Kaileigh nadadamay! Nasasaktan ako kahit na mahal na mahal kita!"
"Mahal? A - ha-ha-ha! Baka nakakalimutan mo Jonathan , hindi kita mahal! Mahal ko si Drake! Drake Morialty! Sya lang ang mahal ko!"
Napagpasyahan ni Kaileigh na makinig na lamang sa away ng kanyang mga magulang. Lagi na lang ganto. Nagaaway sila, at paulit - ulit nyang naririnig sa kanyang ina na mahal nito ang kanyang Tito Drake at hindi ang kanyang ama.
"I really hate that Morialty! I hate him!"
"Bakit? Anong magagawa mo ha?! Papatayin mo sya?! Ha?!"
Pagkatapos non ay nakarinig na lang sya ng pagbagsak ng kung ano sa sahig kaya't bumalik na lamang si Kaileigh sa kanyang kwarto at nilock yun bago natulog muli.
****
Ngayon ang 18th birthday ni Kaileigh. Naghanda ng malaking party ang kanyang mga magulang para sa kanya. Lahat ng kaibigan nya, invited . Pati ang mga kaibigan ng kanyang ama at ina narito din.
Nagsasaway sya sa gitna ng dance floor ng biglang may humawak sa bewang nya. Napatingin sya sa lalakeng humawak sa bewang nya at nakitang naka - blue itong mask. Tiningnan nya ito ng mabuti. He looks very familiar kahit hindi nya nakikita ang kalahati ng mukha nito.
Tumingin ito sa kanya at bigla na lamang nawala dahil sa dami ng tao na humaharang sa kanya.
Isinawalang bahala na lamang ito ni Kaileigh ng biglang magring ang phone nya. Lumabas sya ng bahay nila at sinagot ang tawag. It's her Dad.
"Dad. Bakit ka pa ba tumatawag? Nandito lang naman ako sa loob ng bahay at nandito ka din naman. We can talk personally after the par - "
[Kaileigh, go to the car. Now.]
Nagtaka si Kaileigh sa seryoso ng boses ng kanyang ama. "Wh - What? Why? What's happening?" And then she heard it, ang hagulgol ng kanyang ama na tila ba umiiyak ito.
"Dad?"
[I - I killed him Kai. Hindi ko sinasadya. ] Natigilan si Kaileigh. Nakapatay ang kanyang ama?
"Who?"
[Y - Your Tito Drake. Hindi ko ... hindi ko sinasadya. I' m sorry.] Naiiyak na sambit ng kanyang ama.
"What?!" Gulat na sagot ni Kaileigh. She can't believe it! Mabait ang kanyang Tito Drake! "But why Dad?! Bakit mo yun ginawa?" On the other side ay nakaramdam din ito ng kaba. Tito Drake's family is unbelievably wealthy. And to think ngayon lang din nya nalaman na ang older brother nito ay isang Mafia Boss.
"You deal with a wrong man, Dad." Kinakabahan nyang wika at tiningnan ang buong paligid. Baka may nakatingin o nakikinig sa kanya, mahirap na.
[I know. That's why go in the car right now.] And she did.
Pumasok sya sa Kotse nilang nakapark sa labas. She left everything behind just to hide from her family's little dirty secret.
And she swore to herself, hinding- hindi sya mahuhuli.
She will die uncaptured whatever what happens.
####
Author's Note:
First time to write a matured story. Pero wag kayo magalala, may pagkaberde naman ang isip ko ahaha.
@ShiaLoves ano na? XD
Don't forget to vote and comment. It is highly appreciated! Tuwing Friday ang update mga saging.
BINABASA MO ANG
Lady in the Mask
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R - 18 "You're the violet eyed - girl that i have been looking for." - Zeiron Morialty TAGALOG | ENGLISH Genre: Romance | General Fiction