CHAPTER 03

16 8 0
                                    

Warning: Mature Content!

CHAPTER 03

MALAKAS NA buhos ng ulan ang bumungad kay Abela pagkabukas nya ng bintana ng kanilang bahay. Tulad nga ng sinabi sa balita ay magkakaroon ngayon ng malakas na buhos ng ulan at matinding pagbaha kaya't nagaalinlangan sya kung tutuloy pa ba sya o hindi na.

Bumuntong hininga sya. Gamit ang kanyang kamay ay iwinaksi nya ang ilang hibla ng buhok na tumama sa kanyang mukha dahil sa lakas ng hanging dala nito. Unti - unti na din syang nababasa at ang suot nitong damit para mamaya ay nahahaluan na ng basa.

Napaisip naman sya. Kung hindi sya tutuloy ngayon sa Heavenly Corp ay baka may mauna pa sa kanya at palitan ang trabahong dapat sa kanya. Kailangan na nyang magtrabaho, at madali.

Ngunit malakas ang ulan. At baka magkasakit sya pagkatapos.

"Mukhang malalim ang iniisip ng unica iha ko." Napatingin si Abela sa nagsalita. Ang kanyang Tatay Tuning.

Ang dating matipuno nitong katawan ay unti - unting namamayayat. Ang dating kayumanggi din nitong buhok ay unti - unting nahahaluan ng puti.

Napangiti sya at inalalayan ang kanyang ama sa kanyang tabi. "Wala lamang Tay. Nagiisip lamang ako kung ano ang mangyayari saakin mamaya."

"Matatanggap ka anak. Alam kong matatanggap ka. Tsaka hindi ba't sinabi mo na kilala ka ng Boss nila? Edi makikilala ka non. " Anang pa nito.

Umiling - iling sya. "Hindi na po ako sigurado kung si Sir. Val pa po ba ang Boss nila sa Heavenly Corp. Or kung marerecognize nya ako. Baka nga nakalimutan na ako nun eh." Napakamot sya sa ulo nya.

"Hindi yan." Hinawakan sya ng kanyang ama sa balikat. "Matatanggap ka. Alam ko at ramdam ko, Abela." Napangiti sya sa sinabi ng kanyang ama.

Sa kabila ng lahat ng problemang dumating sa buhay nila, mabuti naman at laging nandyaan ang kanyang ama sa kanyang tabi.

"Oh sya sige Tay. Aalis na po ako. Baka malate pa ako." Tumayo na si Abela pagkatapos nyang tumingin sa orasan. Tumango lamang ang kanyang Tatay at aalis na sana sya ng magsalita ito.

"Abela." Tawag nito sa kanya. "Lagi mong tatandaan ang paalala ko sa iyo. Kahit na anong mangyari." Hindi pa din ito tumitingin sa kanya.

"Opo Tay." Tumingin si Abela sa kanya kahit na nakatalikod ang kanyang ama. "Nakatatak na po ito sa isipan ko."

"Lagi mong tatandaan na tayo ang biktima."

"Opo."

"At kailangan nating lumayo."

"Opo, Tay."

"Para hindi nila tayo makita."

"Naiintindihan ko po, Tay."

"Layuan mo ang mga Morialty."

Natigilan sya dahil ngayon lang nya narinig ang pagkaseryoso ng boses ng kanyang ama. Para bang may pinahihiwatig itong iba.

"Layuan mo sila. At wala tayong magiging problema." Sa loob ng ilang taon, ngayon lang nya muling narinig ang nambabalang boses ng kanyang ama.

Tumango sya. "Masusunod, Tay."


"CHEERS!"

Diretsuhang ininom ni Zeiron ang kanyang wine at naglagay pa ng isa. Nakakailang inom na sya at ramdam na nya ang tama ng alak ngunit wala syang pakealam.

" Congrats kina Will at Zera! Mabuhay ang bagong kasal!" Lasing na sigaw ni Zero at winagayway pa ang baso na may lamang wine.

Nagcecelebrate sila ngayon sa kasal ng kanilang mga kaibigan na sina William at Zera. Biglaan ang kasal, kaya't biglaan din ang pagparty nila sa Bar.

Lady in the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon