CHAPTER 04
MALAKAS PA DIN ang buhos ng ulan. Wala itong tigil na sinamahan pa ng kulog at kidlat. Sobrang makulimlim ang langit at unti - unti na ding bumabaha ang paligid.
Halos wala ng madaanang lugar sa oras na ito dahil sa mga nagtataasang baha na halos hanggang bewang na. Umiling - iling na lamang si Abela na bumaba sa sinasakyan nyang tricycle kahit na malakas pa ang ulan at wala syang dalang payong.
Buti nga at maaga syang nakaalis kaya't may mga shortcuts pa din papunta sa bahay nya na wala gaanong mga bahang madadaanan. Tinambakan na kasi ito noong nakaraan kaya't medyo mataas ang lupa.
Dali - dali syang nagbayad kay Manong na basang - basa na din at dumiretso ng takbo sa kanilang bahay. Binuksan nya ito gamit ang duplicate key nya at pumasok na sa loob. Unang bumungad sa kanya ang kadiliman.
"Tay?" Tawag nya rito. May ilaw naman syang nakita sa isang gilid malapit sa bintana.
"Tay?" Tawag nyang muli. Napatingin sa kanya ang Tatay nya na katabi ang munti nilang lampara malapit sa bintana.
Ngumiti ito. "Anak. Buti naman at nakauwi ka na. " Mahina nitong sambit. "Kamusta? Natanggap ka ba?" Sunod - sunod nitong tanong.
Tumabi si Abela sa ama. " Bakit walang ilaw Tay? Naputulan na naman ba tayo?"
Marahang tumango ang kanyang ama. "Oo anak. Alam mo namang ilang bwan na din tayong hindi nakapagbayad eh." Wika nito. "Nga pala, kamusta?"
Bumuntong hininga si Abela at tila ba nagdadalawang - isip kung sasabihin ba sa ama ang katotohanan at lahat ng nangyari. Malamang sa malamang ay magpupuyos ito sa galit.
"Hindi ako napili Tay."
Nagiwas ng tingin si Tuning. "Marami pa namang iba dyan."
"Hindi kasi Tay..." She took every courage that she can get para sabihin ito sa kanyang ama. "....nagkita po kami ni Zeiron Morialty." Sabay kagat sa lower lip nya.
Agad na tumingin sa kanya si Tuning. His eyes are flashing danger. "Zeiron Morialty? Morialty?" Dahan - dahan syang tumango.
Napatayo si Tuning mula sa kanyang pagkakaupo. "Hindi ba't sinabi ko sayo na lumayo - layo ka sa mga Morialty ha?! Paano kapag nakilala ka?! Paano kapag natunton nila tayo?! Hindi lang ikaw ang mapapahamak Abela, pati din ako!"
Napayuko na lamang si Abela at hindi na sumagot. Naiintindihan nya ang dahilan ng pagpupuyos sa galit ng kanyang ama. Kaya't wala syang karapatang sumagot.
"Umiwas ka sa mga Morialty, Abela. Umiwas ka! Binabalaan na kita ngayon pa lang!" Matalim na tumingin sa kanya si Tuning. "Kung ayaw mong itakwil kita bilang anak ko." At umalis na ito gamit ang tungkod nya.
Napabuntong hininga si Abela. Sinasabi na nga bang isang malaking pagkakamali kapag lumapit sya sa mga Morialty. Ayaw nyang mapalayo ang katangi - tanging tao na nandyaan palagi sa tabi nya. Ayaw nyang mapalayo sya sa kanyang ama.
Kaya't dapat talaga syang lumayo sa mga Morialty.
KINABUKASAN, MAAGANG umalis si Abela papunta sa Heavenly Corp para ihatid sa dati nyang Boss ang pinaabot nito kagabi na papel. Nailagay pa nya pala ito sa bag nya at mukha itong importante kaya't dapat nya itong isauli.
Kahit na hindi na sya magbabalak na magapply doon.
Pagtapat ng sinasakyan nyang tricycle sa harap ng malaking building ay agad syang bumaba at nagbayad. Inayos nya muna ang kanyang puting polo at skirt tsaka bumuntong hininga.
Bigla tuloy pumasok sa isip nya ang nangyari sa kanila sa elevator ng lalakeng Morialty na iyon. Ang kanyang hawak at pagungol ... napailing - iling sya. Bakit pa ba nya iniisip iyon?!
BINABASA MO ANG
Lady in the Mask
Lãng mạnWARNING: SPG | Mature Content | R - 18 "You're the violet eyed - girl that i have been looking for." - Zeiron Morialty TAGALOG | ENGLISH Genre: Romance | General Fiction