CHAPTER 07
HINDI ALAM NI ABELA ang gagawin habang nandito sa loob ng VIP Section at katabi ang isang manyakis na mabalahibong matandang hukluban. Kitang – kita ng dalawa nyang mata kung paano hawakan at pagsamantalahan ng mga businessman dito ang mga kasama nyang babae na katulad nya ay bagong pasok pa lang sa bar na ito.
Napuno ng iyakan at sigawan ang buong paligid. Dahil bago pa lang sila at hindi naman nila intensiong pumasok dito ay grabe ang nararamdaman nilang takot. Mas lalo na si Abela.
Ang katabi nyang matandang lalake ay pinaglalaruan lamang ang buhok nya habang patuloy na umiinom. Halos isiksik naman nya ang katawan nya sa pinakadulo ng sofa kahit na hindi pa sya ginagalaw ng lalake.
Buti nga at hindi napadpad dito sa Princess. Kung hindi ay baka magpuyos sya sa galit. Isa si Princess sa mga maswerteng hindi napasama dito dahil inatasan na lamang syang maghatid ng mga inumin sa mga businessman sa labas. Habang sya ay kasama naman sa mga babaeng hindi maswerteng napasama sa VIP Section na puno ng mga manyakis na businessman.
Paano ba sya napasama dito? Bakit sya napasama dito? Eto na ba ang katapusan ng pagiging virgin forever nya? Sana naman hindi pa. Dahil ayaw nyang maging first one night stand nya ang isang matandang puno ng bigote ang mukha at mukhang hindi naligo ng isang linggo. Businessman ba talaga to?
Gumapang ang kamay ng matanda mula sa buhok nya at pinadulas sa likod nyang backless. Agad syang kinilabutan. Dammit. Kapag nakaalis talaga sya dito, ipapareport nya agad sa pulis ang sikretong bar nato.
Bumaba ang kamay ng matanda sa pangupo nya ngunit bago pa ito dumapo doon ay agad syang gumalaw at tinanggal ang kamay ng matanda. Natigilan naman ito at maya – maya'y tumawa ng malakas. Amoy na amoy ni Abela ang amoy alak nitong hininga.
"Wag ka ng pakipot Miss. Alam ko namang gusting – gusto mo din to. Kaya ka nga nagtatrabaho sa ganitong lugar di ba? Don't worry. Babayaran kita ng malaki kung araw – araw ka lang din pupunta ng Mansyon ko." Ngisi nito.
Gusto nya sanang sabihin na hindi nya gusting mapasok sa lugar na ito. May dignidad syang babae at hindi katulad ng iba na halos isuko na ang buong katawan magkaroon lamang ng pera. Kahit mahirap lamang sila ay kailanma'y hindi pumasok sa isip nya ang maging ganito.
Napakuyom sya ng kamao nya ng nagpatuloy sa paghawak sa pangupo nya ang matanda kaya't hindi na nya napigilan ang sarili. Tumayo sya at sinampal ang matanda. Lahat naman ay nagulat sa ginawa nya.
"Bastos!" Sigaw nya at akmang lalabas ng mabilis syang hinawakan sa kamay ng matanda. Sa sobrang higpit ay napadaing sya sa sakit.
"Whore!" Sigaw din nito pabalik at hinila sya pahapit sa kanya. Paghila nito sa kanya ay napaupo si Abela sa hita nito kaya't agad syang sinunggaban ng halik ng matanda.
Nakaramdam sya ng pandidiri! Ang gaspang ng labi nya! Naamoy nya ang mabahong amoy ng pinaglahong alak at sigarilyo! Nakakadiri sobra!
Pinipilit ni Abela na itulak ito ngunit hinihila nito ng malakas ang buhok ni Abela. Sa sobrang galit ay kinagat ni Abela ang labi ng matanda ng madiin kaya't napahiwalay sya rito.
Pinunasan muna ng matanda ang kanyang labi bago tumingin ng masama kay Abela. "You slut!" Itinaas ng matanda ang kanyang kamay at akmang sasampalin si Abela. Napapikit na lamang ang dalaga at hinintay ang malakas na sampal sa pisngi nya ngunit walang nangyari.
Natahimik ang buong paligid. Ang tanging naririnig na lamang ay ang malakas na tunog ng music sa labas. Wala na ang tunog ng malalakas na sigawan at iyakan ng mga babaeng ginagahasa ng mga lalake sa loob ng kwarto. Instead, she only heard a gasp.
"B – Boss..." Rinig nyang bulong ng matanda. Hindi pa din nya minumulat ang kanyang mga mata.
"Mr. Grimes, I think it will be better if you put your hand down and never hurt my girl." May pamilyar na baritonong boses syang narinig. Pamilyar na pamilyar ang panlalakeng boses nito. Pati ang mabango nitong pabango.
BINABASA MO ANG
Lady in the Mask
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R - 18 "You're the violet eyed - girl that i have been looking for." - Zeiron Morialty TAGALOG | ENGLISH Genre: Romance | General Fiction