CHAPTER 06
"ETO NA ANG MGA SUSUOTIN ninyo." Tinuro ni Boss Bob, or ang bago nyang Boss sa restaurant na papasukan nila ni Princess, ang mga nakalatag na mga damit sa isang lamesa sa loob ng stockroom nila.
Kumuha si Abela ng damit dito at halos mapangiwi ng makita kung gaano kaikli ang damit na binigay sa kanya ng bago nyang Boss. Crop top ang pangtaas na nakaoff shoulder pa. Habang ang pambaba naman ay sobrang ikling skirt na para bang kinulang sa tela ang gumawa nito. Mukha ngang konting galaw lang nya ay makikita na ang pangupo nya.
Ano ba tong pinasok nya? Bar? Di ba dapat kapag ganitong mga restaurants ay pormal ang mga sinusuot nilang mga waitress at waiters?
"Kailan po kami magsisimula, Boss?" Tanong ni Princess habang sinusuri pa din ang hawak hawak na damit.
Napahawak sa baba nya si Boss Bob at para bang nagiisip. "Ngayon pwede na. Kung gusto nyo. Sakto, madami tayong magiging costumers ngayon dahil season ngayon ng mga businessmen. Madaming nagsisiuwian mula sa malalayong bansa at naghahanap ng makakasama mamayang gabi."
Halos magtaasan naman ang mga balahibo ni Abela pagkarinig ng huling sinabi ng kanyang bagong Boss. Although bulong lang nya itong sinabi at sobrang hina ay rinig na rinig pa din ito ni Abela dahil halos katabi lang nya si Boss Bob.
Anong ibig sabihin nito na makakasama mamayang gabi? Parang may kakaiba sa paraan ng pagsabi nito non.
Siniko nya si Princess. "Princess, parang kakaiba ang nararamdaman ko dito." Unti – unti na kasing nagiging kakaiba ang kutob nya sa trabahong pinasok nila.
Humarap lang sa kanya si Princess at ngumiti na para bang nahihibang na sya. "Ano ba yang sinasabi mo Abela. Di ba naghahanap ka ng trabaho? Oh eto na. Bigatin pa nga tong napasok natin eh. Tsk. Tsk." Umiling – iling pa ito.
Hindi alam ni Abela ang sasabihin. Tama naman kasi ito. Naghahanap sya ng trabaho at hindi nya makakayanang umuwi sa kanila ng hindi nakakahanap ng trabaho. Pero yung maayos at disenteng trabaho naman. Hindi yung ganito na masamang – masama talaga ang kutob nya.
Bigla nya tuloy naisip ang nangyari kaganina sa Heavenly Corp. Bago ang nakakagimbal na pangyayari nayon sa kanila ni Zeiron Morialty ay sinabi nitong hired na sya. Hired ba sa ano? Yun din ang problema. Hindi nya alam kung saan ba sya nahired kaya't nagdadalawang isip pa sya kung totoo ba ang sinabi nito o jinojoke time lang sya. At isa pa, isa itong Morialty. Kapag nalaman ng kanyang tatay na nagtatrabaho sya rito ay baka latiguhin sya nito. Hinding – hindi ito papayag.
"Magsisimula na po kami ngayon Sir!" Taas kamay na wika ni Princess. Napaharap sa kanila si Boss Bob.
"Oh good. Sige na. Lahat ng gusting magstart na ngayon, magbihis na kayo. Ayon ang fitting room oh." Turo ni Boss Bob sa isang maliit na kwarto. Ngayon nga lang nya napansin na may fitting room pala dito.
Si Princess muna ang naunang pumasok sa loob. Naghintay ng halos ilang minuto si Abela at tuluyan na nga syang lumabas mula sa loob. Napangiwi si Abela ng makita kung gaano nga kaikli ang damit na binigay sa kanila. Kung gaano naman kaikli ang itsura nito, sobrang ikli naman kapag sinuot na. Yung tipong 10x na yung ikli nya.
"Ikaw naman Abs." Tawag sa kanya ni Princess na para bang wala lang sa kanya ang ikli ng suot nito.
Napayuko si Abela ng pagtinginan sya ng iba pa nilang kasama. Pumasok na sya sa loob ng fitting room at sinuot ang binigay sa kanilang damit. Ilang minuto lang din ang lumipas at lumabas na sya ng fitting room habang suot – suot ang damit. Pilit pa nyang binababa ang laylayan ng skirt nya.
Lumapit sa kanya si Boss Bob at ngumiti. "Not bad para sa isang muslim na tulad mo. Pero mas maganda sana kung tanggalin mo ang balabal mo."
Ngumiti na lamang si Abela at hindi na nagsalita. Gusto nya sanang sabihin na hindi sya muslim. Sapagkat ang balabal na tumatakip sa kanya ang mask lamang nya.
BINABASA MO ANG
Lady in the Mask
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R - 18 "You're the violet eyed - girl that i have been looking for." - Zeiron Morialty TAGALOG | ENGLISH Genre: Romance | General Fiction