Chapter Seven: Big day.

32 2 1
                                    

Two weeks later, and andito na tayo sa pinaka-hinihintay ng buong Whitterman Academic Institute, ang Mr. and Ms. Whitterma 2020 Coronation Ceremony. All classes from 12:30 pm onwards will be suspended to give way sa event na ito.

11:45 am, lunch break. Aligaga na ang lahat sa pagsisimula ng competition. Nakaupo na ang buong students sa auditorium, stationed by the Section Coordinators. Tinawag ni Ms. Ramos sa backstage ang lahat ng Section Coordinators to have one final word with them, at para makausap din nila ang mga candidates.

Hi guys! This is it! The day we have been patiently waiting for, these past three weeks of training has been fruitful and I hope that you have made some lifelong friends, along the way. Section Coordinators, hats off to you for being well-organized to your respective sections, at sa pagiging hands-on sa mga representatives ng section ninyo. I am one proud faculty member. Nakakatuwa din na nandito ang mga friends at family members ng mga candidates natin, I am sure they'll make their parents proud. You may talk to your candidates now. Thank you! Sabi ni Ms. Ramos, at lumakad muna siya papasok sa dressing room.

Nilapitan ni Paul sila Chester at Elisse. Inabutan niya sila ng tubig at konting chocolate to boost their confidence, at kinausap niya sila.

Guys, whatever happens today, sobrang proud kami sa inyo. Although hindi ko ginusto at first yung pagiging section coordinator, I have seen yung efforts ninyo to make us proud. And believe me, pag labas ninyo mamaya sa stage, sisigaw kami with all our might! Win the crown for us! Sabi ni Paul. Ngumiti sila Elisse at si Chester.

Kahit ikaw lang naman sumigaw para sakin, gaganahan na ako. Sabi ni Chester, at tinignan siya ni Elisse ng kakaiba.

Iba ka din talaga, Chester. Paul, thank you so much for being our section coordinator. Promise, wala akong ibang pagkakatiwalaan ng buhay ko kundi ikaw dahil sa pagiging caring mo sa amin, kahit na mas caring yung isa diyan sayo. Sabi ni Elisse. Tinulak siya ng konti ni Chester.

Salamat pala dito sa tubig at sa chocolate. Nawala ng konti kaba namin. Andyan pa naman mga magulang namin. Sabi ni Elisse.

I'm sure sobrang proud sila sa inyo kahit anong mangyari. Sige na, babalik na ako sa station namin. Good luck, guys! Sabi ni Paul, at bumaba na siya sa stage.

After a few minutes, nagsimula na ang show. Ang event hosts ay sila Ms. Ramos at si Bryan Dela Vega, Whitterman Student Government's Public Relations Officer. Nagsimula ang event with the opening remarks galing kay Francis Chang, President ng Whitterman Student Government.

Pagkatapos mag-opening remarks ni Francis Chang, ay pormal nang nagsimula ang Mr. and Ms. Whitterman 2020. Ang unang round, introduction. Sabay-sabay pumasok nang una ang mga babaeng candidates suot-suot ang kanilang mga costumes.

Cheska Marie Sta. Maria, 7- Oxygen! Sabi ni Cheska. Naghiyawan ang mga taga 7- Oxygen.

Ivy Patrimonio, 7- Beryllium! Sabi ni Ivy. Naghiyawan ang buong 7-Beryllium.

Ma. Elizabeth Rivera, 8- Proton! Sabi ni Elisse. Naghiyawan ang buong 8- Proton.

Nathalie Katherine Wenceslao, 8- Electron! Sabi ni Nathalie, na pumiyok ng malakas. Naghiyawan ang buong 8- Electron.

Patricia Dominguez, 9- Carbon! Sabi ni Patricia. Ibang klaseng hiyawan ang nanggaling sa 9- Carbon. Napatitig nalang si Elisse sa kanya.

The Brains, and the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon