Chapter Three: Are you scared?

40 2 2
                                    

12:15 pm, same day. Habang nasa cafeteria sila Luis at Dominic, biglang dumating si Paul. Nagtaka sila Thea kung bakit ang tagal ni Paul bumaba, 12:30 pm matatapos ang lunch break nila. Masama ang tingin sa kanya nina Luis at Dominic.

Paul, 15 minutes nalang ang natitira sa break mo. Sure ka ba makakakain ka pa ng maayos? May tatlong subjects pa tayo na magddiagnostic test. Sabi ni Thea.

Konti lang kakainin ko. Wala akong gana. Sabi ni Paul, at inilapag ang kanyang water jug sa table. 

Sa nangyari kanina kay Paul, napuno si Thea sa dalawa at nilapitan niya sila Luis at Dominic. Saktong-sakto at pinag-uusapan nila si Paul at kung paano siya nagmukhang takot na takot sa kanila. Piningot ni Thea ang mga tenga nila.

ARAAAAY!!! THEA!!! Sabi ni Dominic.

THEAAAAA!! MASAKETT!!! Sabi ni Luis.

Tinignan sila ni Thea ng masama.

Mga siraulo kayo! Kabago-bagong estudyante, pagtitripan ninyo! Ano ba talagang pakay niyo sa kanya, ha? Sabi ni Thea.

Pabibo eh, higest highest pa. Sabi ni Dominic.

Eh kung si Chester nga, walang imik sa nangyari! Siya 'yung pinagtatanggol niyo na naaapakan ang ego, 'no? Sabi ni Thea. Hindi niya binitawan ang pagkakapingot niya sa tenga ng dalawa.

Aray, Thea!! Oo, syempre si Chester lang naman ang magdadala ng section natin, 'no! Wala nang ibang mas karapat-dapat! Sabi ni Luis.

Eh mga siraulo talaga kayo! Hindi niyo ba alam na class topnotcher si Paul sa dating school niya! Natural lang na may mga naalala pa siya sa mga pinag-aralan nila last year! Wala na tayo doon sa kung bakit ba siya matalino. Tantanan niyo yung tao, kung ayaw niyong madagdagan records ninyo! Sabi ni Thea, at binitawan ang pagkakahawak sa tenga ng dalawa. 

Bumalik si Paul sa kinauupuan nila, dala-dala ang binili niyang Chicken Sandwich, at tatlong pirasong Siomai. Tinanong siya ni Thea kung ayos na siya diyan sa pagkain niya. Tumango lang si Paul. 

Bumalik na sila sa class room nila, magsisimula na ang Science class nila, at may diagnostic exam pa sila. Sumabay si Paul kay Thea at kay Jasmine, isa sa best friends ni Thea sa section nila.

Bakit mo ba kasi hinahayaang ganyanin ka nila, Paul? Mabait ka naman. Pogi pa. Sabi ni Jasmine.

Oo nga, pero syempre hindi natin dapat sapawan yung kapogian ni Chester. Baka na-iintimidate lang sila sa'yo kasi di hamak naman na konting ayos lang sayo, panlaban ka na din ng section sa Mr. Whitterman! Sabi ni Thea. 

Hindi nila napansin na naririnig sila ni Luis. 

Dahan-dahan sa bibig, teh. Baka may nakakarinig ditong hudas. Sabi ni Jasmine. Ay true, siz!  Meron ngang hudas, natumbok mo!

Wala naman akong balak sa mga ganun. Tsaka una sa lahat, acads talaga ang pakay ko. Ang mahal mahal ng tuition ko, samahan mo pa na yung ate ko, mag-eenroll sa med school. Ang mahal ng tuition namin, kaya pinag-iigihan talaga namin. Sabi ni Paul. May hugot naman pala ang brainyness nitong si Paul.

Ayun naman pala, well-achieved ang familia! Eh kaya pala napaka-talino kahit nung nasa lumang school pa! Sabi ni Jasmine. 

Oh teh, malapit na tayo sa room. Tuloy natin dun yung chika. Sabi ni Thea.

Lumapit si Luis kay Dominic, sinabi niyang may mga nagbabalak na ilaban si Paul sa Mr. Whitterman. Agad-agad naman nila itong ibinalita kay Chester.

Chester. Lapit dito. Sabi ni Dominic.

Lumapit si Chester.

Anong meron? Magsstart na klase natin. Sabi ni Chester.

The Brains, and the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon