Chapter Eight: Read my mind.

23 2 4
                                    

It's their first day of review sessions for the quiz bee. Sadly, hindi makakasama yung dalawang teammates nina Chester at Paul sa unang review session nila dahil na-extend ang exams nila. Habang naglalakad sila Chester at Paul papunta sa review hall, kumuha muna sila ng kakainin habang nasa review session nila. Naisip nila na baka doon na sila mag-lunch dahil 2 hours and 30 minutes ang isang session.

Kumuha na tayo ng kakainin natin doon, sure ako matatagalan tayo kasi madaming pag-uusapan at madaming i-rereview. Sabi ni Paul. Tumango si Chester at tinuro yung pinakamalapit na Convenience Store.

Sakto! Ayan, diyan tayo bumili. Sabi ni Chester. Pumasok sila sa loob ng Convenience Store upang kumuha ng mga pagkain.

Kumuha si Paul ng isang rice meal, dalawang plain crackers, tatlong sandwich crackers, at dalawang bag ng chips. Kumuha si Chester ng rice meal, tatlong bag ng chips, at dalawang chocolate bar. Kumuha na din siya ng dalawang 1 Liter na tubig.

Shocks nakalimutan kong kumuha ng tubig! Hihingi nalang ako doon mamaya. Sabi ni Paul. Nagulat siya nang makita niyang may hawak si Chester na dalawang bote ng tubig.

Alam ko makakalimutan mo. Wag ka mag-alala. Sabi ko naman diba, ako lang ang kakailanganin mo. Binilhan kita ng tubig. Sabi ni Chester. Ngumiti si Paul. Lumabas na sila sa Convenience Store.

Alam ko naman 'yun. Hindi mo kayang makitang nahihirapan ako. Sabi ni Paul. Ay talande!

Ako nalang, wag ka na. Masyado kang mahalaga sakin para hayaan kang masaktan. Sabi ni Chester. Woi mag-aral nga kayo!

Habang naglalakad sila papasok sa review hall, nagulat sila sa text message ni Francis Chang kay Chester.

Francis: Mr. Del Mundo, this is Francis Chang. Whitterman Student Government President, may I invite you this Monday, 2:30 pm at the Principal's Office for a hearing? This is about the controversial audio clip posted online. A petition was filed to remove you of the title.

Chester: This is noted, Francis. I shall be there on Monday.

Binaba ni Chester yung phone niya. Dala ng kaba, napa-buntong hininga siya sa nabalitaan niya. Nag-alala si Paul sa biglaang pagbago ng mood ni Chester.

Chester, okay ka lang? Nag-iba bigla mood mo. Sabi ni Paul. Tumingin si Chester kay Paul.

Naalala mo yung audio clip na pinost online diba? Ang saya-saya na natin nun, tapos biglang pinost 'yun. May nagfile daw ng petition to dethrone me. May hearing ako sa Monday. Sabi ni Chester. Hinawakan ni Paul ang kamay ni Chester.

Gusto mo ba samahan kita? Sabi ni Paul. Ngumiti si Chester.

Wag na. Baka madamay ka, at pag-initan ka din ng iba. Sabi ko nga diba, ako nalang. Sabi ni Chester. Ngumiti si Paul, nguinit nag-aalala parin siya para kay Chester.

But this has always been your dream. Sabi ni Paul. Tumitig si Chester kay Paul.

Okay na ako na may kaunting panahon ako na nasuot ko yung titulo. Besides, nakuha ko naman na yung isa sa pinaka-malaking pangarap ko. Sabi ni Chester. Nagtaka si Paul, next to being the top student, Mr. Whitterman lang ang pangarap ni Chester noon. He means you, stupid!

Ano 'yun? Sabi ni Paul.

Ngumiti si Chester, at tinitigan ang hawak-hawak niyang kamay.

Hawak-hawak ko yung kamay mo, at nalaman ko na gusto mo rin ako. Ikaw yung pinakamalaking pangarap na naabot ko. Sabi ni Chester. Namula si Paul. Nyeta kayo nasa review hall na ba kayo? Nakakakilig kayo.

The Brains, and the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon