Chapter Nine: Do you need me?

25 1 5
                                    

Monday na ulit. Habang ang lahat ay kinakabahan sa bawat pagbalik ng mga test papers nila, sila Thea at Jasmine, nagkapustahan na kung sino ang may pinaka-maraming highest scorer sa mga exam.

Teh, sure naman ako si Paul makakakuha ng mas madaming highest scores. Bente taya ko. Sabi ni Jasmine. Ang baba ng bangko ha.

Ang baba ng taya mo baks, eto singkwenta taya ko si Chester 'yan. Sabi ni Thea.

Walang ano-ano, biglang sumali si Aya at si Elisse sa pustahan.

Feeling ko si Paul lalamang. Kwarenta taya ko. Sabi ni Aya. Winner lagpas na ng 100 pesos ang bangko. Winner takes all 'to ha.

Ako din taya ko si Paul. Eto isandaan. Sabi ni Elisse. Burgis, 100 pesos.

Sabay pumasok sila Paul at Chester na halatang kakabitaw lang sa pagkakahawak ng kamay.

Ay, bat tinatago ang lambingan ng lovebirds?! Sabi ni Aya. Teka pano ka naging close na sa kanila?

Huy, tropa? Close friends?? Sabi ni Elisse. Binatukan ni Aya si Elisse.

Pero may point si Aya, in fairness. 'Bat niyo pa kasi tinatago sa amin, eh mukhang diyan din naman kayo patungo. Sabi ni Thea.

Hoy, Aya. Bakit naman lovebirds kaagad?! Sabi ni Jasmine.

Eh in love sila, parehas pang may bird. Sabi ni Aya. Binatukan siya nina Thea at Jasmine. Siraulo ka, Aya!

Aray ha. Bawal mag-joke? Sabi ni Aya, habang hinahaplos ang batok.

Natawa nalang sila Paul at Chester. Umupo na si Paul sa tinabing upuan nina Thea at Jasmine. Habang biglang kumuha ng upuan si Chester at tumabi kay Paul.

Sure ka diyan ka sa may gitna? Palagi ka namin napapansin noon na sa gilid gilid ka lang ah? Tanong ni Thea.

Nilapag ni Chester ang mga gamit niya sa tabi ni Paul, at umupo sa hinila niyang upuan.

Kung saan kumportable si Paul, doon ako. Sabi ni Chester.

Naghampasan ang mga kausap nila, habang si Paul, ngumiti nalang at hinampas si Chester.

Ikaw talaga. Sabi ni Paul.

Ikaw lang naman talaga. Sabi ni Chester.

Pumasok na si Mr. Francisco, na halatang halos hindi nakatulog dahil sa patong-patong na papeles na chineckan, at sa pagka-bahala sa nangyaring pag-leak ng audio clip ni Chester online.

Good morning, class. Stay seated. Mr. Del Mundo, I hope you have been told na kakausapin ka ng principal mamaya for a certain incident. Sabi ni Mr. Francisco.

Yes sir, I am aware. Sabi ni Chester.

At habang inaabot na ang papeles nila, nalaman na ng class na si Paul ang highest scorer. Diniscuss ni Mr. Francisco ang mga sagot, at pagkatapos, inanunsyo niya na may plus 5 ang lahat sa pagkapanalo ng section sa pageant. Kinausap ni Mr. Francisco sila Paul at Chester sa labas, pagkatapos ng class.

Mr. Del Mundo, Mr. Martinez. Was the thing in the audio clip true? Sabi ni Mr. Francisco.

At that time, hindi pa po. Matagal na po yung recording na 'yan kasi naalala ko po na PE Class pa po namin 'yan. Ngayon, totoo na po. We're dating po. Sabi ni Chester.

Yes po sir, we are dating po. Sabi ni Paul.

It's good to know the truth from the two of you. However, this did not sit well with our principal. She has to see you, Mr. Del Mundo. To know if you're still the winner of the contest. To be honest, nilalaban namin ni Ms. Ramos na wag na ikaw i-dethrone. We have to be a diverse community dito, but if they say so, wala tayong magagawa. Sabi ni Mr. Francisco.

The Brains, and the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon