Chapter Five: Come clean.

42 2 1
                                    

Kinagabihan, nagchat si Chester sa group chat nila ng mga tropa niya.

Guys, sana tinitigilan niyo na yung pang-aaway niyo kay Paul ha. Sabi ni Chester. Nag-like reacts sila Luis at Dominic.

Inaayos na namin ang trato namin sa kanya. Naintindihan namin na gusto mo din siyang kaibiganin. Nagkamali kami dun, Chester. Sabi ni Luis.

Matanong ko lang, Chester. Kasi kanina tinanong kami nina Ericson, ang lagkit daw kasi ng mga tingin mo kay Paul eh. Kaibigan lang ba talaga gusto mong makuha kay Paul? Tanong ni Dominic.

Alam niyo naman yung katago-tago kong lihim diba? Hindi ko pa naman kasi alam pano ko ba ipapaalam sa ibang tao, eh. Alam na ni Ate Ezra, pero hindi pa alam ng iba sa atin. Sabi ni Chester.

Kaya nga namin kinikilatis din yung mga aksyon mo. Tanggap ka namin sa kung sino ka, totoo 'yun. Pero ayun nga, trip mo si Paul? Tanong ni Luis. Nag heart-react si Chester.

Oo. Nung unang araw ng klase palang. Ang cute cute niya malito. Ang cute ng mga tingin niya sakin, kung paano niya ako sinusubukang basahin. Siguro tama nga kayo nung sinabi niyo sakin na baka sa Grade 8 ko makita yung magugustuhan ko. Sabi ni Chester.

Bakit hindi mo na aminin sa kanya? Anong humaharang sa'yo? Tanong ni Dominic.

Nasimulan na natin na masama ang impression niya sa akin. Una, ginulpi niyo siya dahil sa maliit na bagay na hindi naman halos nakakaapekto sakin. Pangalawa, inakala niyo na threat siya sakin. May magagawa pa ba ako to equalize yung amount of hate na alam kong inipon niya sa akin? Tanong ni Chester.

Aayusin pa namin yung trato namin kay Paul para sa'yo, Chester. Deserve mo naman na mapadama sa taong 'yun yung pagmamahal na kaya mong ibigay. Kilala ka namin, kaya mong ibigay lahat para sa taong mahal mo. Sabi ni Dominic. Nag-heart reacts si Chester.

Natatakot din ako. Pano kung ako lang nakakadama nito? Tanong ni Chester

Hindi niya i-eentertain yung mga galaw mo sa kanya kung hindi niya din nararamdaman yung nararamdaman mo para sa kanya. Sagot ni Luis.

Oh siya, hindi kayo makakasabay sakin pauwi simula bukas. Training na namin eh. Hanggang 5:30 pm yun. Sabi ni Chester. Nag sad reacts sila Luis at Dominic.

On the bright side, kasama mo nang matagal si Paul. Yieee. Sabi ni Luis. Nag haha react si Dominic, nag heart react si Chester.

Time Check, 11:10 pm na. Patulog na dapat si Chester nang makita niya ang tweet ni Paul posted 2 hours ago.

How can I be sure of one thing without knowing if you're sure about this too?

#20449

Chester had the urge to DM Paul, but tinulog nalang niya ang urge niya. He feels like it's still not the right time.

The next day, sa buong first half ng classes nila, walang ibang inisip si Paul kundi ang magiging training mamaya. Hindi pa niya nasasabihan ang mama niya at ang daddy niya. Nagtaka si Thea dahil parang nasa kalawakan ang isipan ni Paul.

Besh. Besh. Paul. Huy. Sabi ni Thea habang tinatapik niya si Paul.

Huy yes, oo bakit? Sabi ni Paul. Bumalik ang senses niya sa kinauupuan niya.

First time 'to ha. Lutang ka, besh. Anong iniisip mo, este, sino ba iniisip mo? Sabi ni Thea. Kinurot siya ni Paul.

Sila mama tsaka si daddy. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila na may gagawin ako sa Mr. and Ms. Whitterman. Alam kasi nila na pageants are not my thing. Kahit pa sa organizing committee, tamad na tamad akong makipag-communicate sa ibang tao. Sabi ni Paul.

The Brains, and the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon